Wendell Ramos on being smitten by co-star Arci Muñoz: “Siya kasi, babae. Alam mo yung hindi rin bading masyado. Babae siya.”

Wendell on his admiration for co-star Derek Ramsay: “Yun ang maganda kay Derek. Hindi lang yung sarili niya ang iniisip niya. The whole team, the whole cast. So, it helps. Big deal yun. Lalo na kapag ganoon ang takbo sa paniniwala niya sa mga artista.”


Magkasabay na humarap sina Wendell Ramos at Derek Ramsay sa ilang entertainment press, kabilang na ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), na nag-press visit sa taping ng Undercover noong June 6 sa isang building sa New Manila.

Ang Undercover ang bagong action series ng TV5, na magsisimula ng mapanood ngayong Lunes ng gabi.

Muling magkasama ang dalawa sa Undercover mula sa unang pinagsamahan nilang Kidlat.

Todo-pasasalamat at papuri naman ang mga narinig namin kay Wendell patungkol kay Derek.

Ayon kay Wendell, “Actually, nag-thank you ako sa kanya. I’m very glad and feel blessed dahil yung project namin sa Kidlat, nagpaalam na ko sa kanya. Hindi na kami nag-abot sa last day.

“Sabi ko, ’Pare, salamat, it’s nice working with you.’

“Natuwa lang ako kay Derek dahil very professional, very down-to-earth. Kasi, sabi niya sa akin, ’Pare, anong last day? Meron pa tayong bago.’

“I mean, for a guy like that para magsabi na meron pa tayong bago, usually kasi, kung trabaho-trabaho lang, so, sabi ko, this guy is a good person. He’s down-to-earth.”

Dugtong pa niya, “Tapos, dito sa Undercover, magkapatid pa kami.”

Sabi naman ni Derek, isa rin daw sa inalam niya ang karakter ni Wendell dahil kakaiba raw ang role nito bilang kapatid niya. At sa palagay raw ng bida ng Undercover, mas marami pa silang oras na dapat ay paghahanda sa kanilang karakter.

Kaya ang tugon naman ni Wendell dito, “Yun ang maganda kay Derek. Hindi lang yung sarili niya ang iniisip niya.

“The whole team, the whole cast. So, it helps. Big deal yun. Lalo na kapag ganoon ang takbo sa paniniwala niya sa mga artista.

Kumpara sa Kidlat, kapatid ni Derek at masasabi raw ni Wendell na mabait ang karakter niya ngayon.

“Kapatid ako ni Derek na isang engineer. Gustong maging lawyer dati. Noong first story kasi, lawyer ako; si Derek, siya ang pulis.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“ Si Arci Muñoz naman, cover girl. Pero, iniba na. Noong mawala si Derek for six years, ako na ang sumalo para kay Arci.

“Tapos, pagbalik ni Derek, asawa ko na si Arci.

“May ganoong conflict. But, mahal ko ang kapatid ko. Kami ni Arci, parang one year pa lang kaming kinasal nang biglang mag-show-up ang kapatid ko.”

Hindi siya kontrabida rito?

“Basta ang inano sa akin ni Direk Toffel Lee, good person ako. Parang love ko ang wife ko, at the same time, love ko ang kapatid ko.

“So, kailangang ma-maintain ko lang ang conflict— ang consistency ng situation naming magkakapatid at mag-asawa.”

Sabi pa ni Wendell, “Ang galing, e. Asawa ko, kapatid ko. Ikakasal na sila, kaso, inabduct siya on his wedding day.”

Mag-a-aksiyon din ba siya rito?

“Merong ilalabas si Direk Toffel. Gusto niya na ilabas ko. I don’t know if it’s dark side, pero, gusto niya na ilabas ko. Pero siguro, hindi katulad ng kay Derek dahil siya kahit dati pa, undercover na siya.”

Tinanong naman namin si Wendell kung mas gusto ba niya ng karakter niya ngayon kumpara noong sa Kidlat siya bilang si Rodel at Graba Man.

Sabi naman ni Wendell, “Pareho. Dito lang kasi, na-express ko lang bilang consistent.

“Hindi mawawala. Hindi mag-iiba. Like for example, sa Kidlat, sa dami ng superhero, sa rami ng pumapasok, mahahati yung role na ginagawa namin.

“Unlike now, consistent... nandoon.

“Kahit konti ang nagiging eksena, consistent siya.”

SMITTEN BY ARCI. Lumalabas nga na leading lady niya rin si Arci sa Undercover. At base sa ngiti ni Wendell, mukhang masaya ito na si Arci nga ang leading lady niya.

May kissing scene rin daw ang dalawa.

“First time with kissing scene with Arci. Nakuhanan naman na namin noong Monday,” saad niya.

Nakasama na raw niya dati si Arci sa programa nila noon sa TAPE.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ma-kuya siya. Kuya ang tawag niya sa akin kasi nga, mula noong nagkasama kami.

“Magkapatid pa yata kami noon. Pero ngayon, ang sabi ko, wala nang kuya-kuya. Sabi ko sa kanya, after ng take namin, kiss talaga.

“Nagulat ako, kasi, professional siya. Ganun din on my part, professional lang.

“So, sabi ko, after the take, ’Hihintayin kita. Hindi muna ko uuwi.’

“Sabi niya, ’Bakit?’

“Sabi ko, ’Wala lang. Hindi ba ganoon yun? Nagkakaroon ng magic. Hinihintay ng guy yung babae.’

“Natawa siya. Pero hindi, biro lang.”

Type niya yata si Arci?

“Nagagandahan ako sa kanya,” pag-amin naman ni Wendell.

“Hanggang ganoon lang, if ever na maging girlfriend, nandoon ang standard category na puwede talaga. Isa pa, she’s nice. Fun to work with. Walang hassle.

“I’m not saying na yung mga katrabaho ko, may hassle. Siya kasi, babae. Alam mo yung hindi rin bading masyado. Babae siya.”

CONTRACT WITH TV5. Kailan lang, nagtapos na ang kontrata ni Wendell sa TV5.

Pero, muli raw itong pumirma ng exclusive contract sa Kapatid network.

Ayon kay Wendell, “I felt na hindi ako napabayaan. Well, I’m not saying na yung pinanggalingan ko, napabayaan ako. But, so far, nagdire-diretso ang work ko. There are times na nagkaroon ng delays.

“But the whole show naman, buong network, hindi lang naman ako.

“Siyempre, nagre-reformat ang buong network. Still, napa-prioritize pa rin kami na under contract ng network.”

Dalawang taon daw ang kontratang muling pinirmahan ni Wendell sa TV 5.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN