Enchong Dee on the advantages of having a relationship with a non-showbiz girl: “People will constantly ask me who she is. Di kilala. Less buzz.”

Enchong on the surprising box-office turnout of Four Sisters And A Wedding: “To be honest, after nung pelikula hindi nagsi-sink in sa akin, yun pala ang pakiramdam ng di nagsi-sink in sa iyo. After ng movie, nagku-congratulate ang mga tao sa iyo. Gusto ko silang tanungin, ’Bakit?’ Siguro isa sa bagay ay naging teknikal ako nung pinapanood ko yung pelikula pero gusto kong tanungin bakit kayo nagku-congratulations? Di ko mahanap yung dahilan.


Sa mga intrigang napagdaanan nina Enchong Dee at Julia Montes nang magdesisyon ang dalawa na ihinto na lang kung anuman ang espesyal na relasyong namagitan sa kanila, kauna-unawa kung magdesisyon man ngayon ang aktor na sa susunod na papasukin niyang relasyon ay mas gugustuhin na niya ang isang non-showbiz girlfriend.

Sa set visit ng Muling Buksan Ang Puso kahapon, June 28 sa Laiya, Batangas, nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Enchong at dito ay ibinigay niya ang rason kung bakit hindi na taga-industriya ang gusto niyang maging karelasyon.

“Yes, I wanna try it, I want to explore the feeling of having a very private, very mysterious relationship. People will constantly ask me who she is. Di kilala. Less buzz,” pag-amin niya.

TOO BUSY FOR LOVE. Sa kabila ng ganito ngang kagustuhan ng binata, sa ngayon ay wala pa raw namang napupusuan si Enchong dahil sa kanyang busy schedule.

“Kapag natapos na lahat ng pelikula, lahat ng teleseryes, baka dun may time na. Right now, dating pero ganun lang.

“Sa ngayon kasi my focus is really my career and darating din naman yan in God’s time,” saad niya.

Sa ngayon ay masaya siya sa tinatakbo ng samahan nila ni Julia Montes na naibalik dahil sa pagtatambal nila sa seryeng Muling Buksan Ang Puso.

Agad naming tinanong ang aktor kung bakit ba niya sinasarado ang posibilidad na magkabalikan sila ng nabalitang ex-girlfriend.

“Just like I’ve said, okay kami, it’s like something never happened in the past and we are happy now.

“Kasi nga masaya ako dun sa friendship, e... yung friendship na muntik na naming mawala, muntik na naming makalimutan.

“Nabalik na namin ngayon and kapag naulit ulit yung nangyari before baka di na maulit pa kung nasaang level ang friendship namin. Ngayong okay na, might as well na alagaan mo na lang,” giit niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

CHALLENGING ROLES. Sa kabila ng dami ng roles na nagampanan na ni Enchong, masasabi raw niya na ang papel na gagampanan niya sa Muling Buksan ang Puso ang isa sa pinaka-challenging roles na gagawin niya dahil may pagka-dark ang karakter niya sa nasabing serye.

“Well, siyempre kasisimula pa lang namin di ko pa talaga siya alam pero with the story con na ginawa namin this is darker with the usual role that I was given.

“Pero siyempre depende rin yun pag di mo nagampanan nang maayos yung establishing, sa simula pa lang dapat galingan mo na kasi kapag di mo nagalingan sa simula baka di mag-turn out na maganda.

“Challenging kasi I’ve never done this before, parang yun ang pinaka-challenge sa akin at the moment.

“Naaalala naman natin kung ano ang ginawa ni Coco sa Tayong Dalawa, kung paano si Paulo Avelino sa Walang Hanggan, alam mo yun?

“Parang nagmarka lahat ng ginampanan nila. After those teleseryes they were considered as actors.

“Mas maganda yung nakakapagbida ka, nakakapag-mabait ka, nakaka-masama kang role. I’m sure for example si John Regala, he can do a mabait, a demon role... a versatile actor.”

Para kay Enchong malaki ang tulong na naibigay sa kanya ng mga roles na nagampanan niya mula sa Magkaribal, Ina Kapatid, Anak at Maria la del Barrio para sa preparasyon niya sa karakter niya sa Muling Buksan ang Puso.

“Definitely yes, kasi di mo puwedeng sabihing, ’ay, magaling na ako kaya ko ng mag-bida.’

“Hindi ganun, e. I want to believe na yung mga bagay na dumarating sa akin ngayon, it’s a step higher kung saan ka talaga pupunta.

“Naging daan yun, Maria la Del Barrio, Magkaribal, Ina, Kapatid, Anak— lahat.

Sa kabila ng sinasabi ng iba na mukhang isa sa favorite ng Kapamilya network sa ngayon si Enchong kung ang pagbabasehan daw ay ang sunud-sunod at magagandang roles na binibigay sa kanya, para naman sa aktor ay di niya sisirain kung anuman ang tiwalang ipinagkakaloob sa kanya ng nasabing network.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aniya, “To be honest, to be frank, they were never really that vocal to me but I guess alam nila, namu-monitor nila, alam nila pag binigyan ka ng trabaho, kaya ng bata yung responsibilidad niya.

“Yun na lang ang pinanghahawakan ko, pag binigyan ka ng tiwala, dapat alagaan mo.”

DREAM ROLES. Sa kabila ng magagandang roles na naipagkatiwala na sa kanya, dalawa pang roles ang pangarap ni Enchong na magawa niya sa darating na panahon.

Ayon kay Enchong, “Siyempre gusto kong maging superhero na parang people will always remember you playing that role.

“Si FPJ, Panday siya; si Herbert Bautista, siya si Capt. Barbell. Given the chance whatever it is, yes I want to be a superhero.”

“Curious ako kasi paano mo ia-arte ang isang bagay na di naman talaga nage-exist? I also want to do a biopic.

“Kasi for example, si Meryll Strep, binigyan siya ng Iron Lady, pag minatch mo yung eskena, there are footages.

“Ang galing niyang manggaya, ang galing i-portray yung character. I think that’s the hardest part pag mayroon kang tao na pinu-portray specifically, kasi may mga taong nakakita kung paano.

“Kailangan aral mo, kailangan well-researched and in a very natural way, alam mo kung paano siya aarte.”

FOUR SISTERS AND A BLOCKBUSTER SUCCESS. Kung humahataw sa serye, masaya rin ang aktor sa magandang pagtanggap ng tao sa pelikulang Four Sisters And A Wedding na balitang pinipilhan ngayon sa takilya.

“I am very happy with the result of Four Sisters and A Wedding. To be honest, after nung pelikula hindi nagsi-sink in sa akin, yun pala ang pakiramdam ng di nagsi-sink in sa iyo.

“After ng movie, nagku-congratulate ang mga tao sa iyo.

“Gusto ko silang tanungin, “Bakit?”

“Siguro isa sa bagay ay naging teknikal ako nung pinapanood ko yung pelikula pero gusto kong tanungin bakit kayo nagko-congratulations?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Di ko mahanap yung dahilan.

“Pinanood ko siya uli sa block screening, maganda pala talaga, may ganun pala talaga na habang umiiyak ka gusto mong tumawa, namamaga yung mata mo,” pangwakas niyang pag-amin.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN