Kathryn Bernardo on unprecedented success of KathNiel loveteam: “Siguro gusto nilang makita kung paano ang mangyayari pag nagsama ang dalawang magka-opposite na tao.”

Kathryn Bernardo on the new ABS-CBN teleserye Got To Believe: “Siguro mas ano siya... more on young love talaga, mas marami sa romance side. Siyempre family din pero mas focused talaga sa love story yung soap. Different story, different characters na malayo talaga sa Princess and I. Ito very light and I’m sure maniniwala sila sa magic ng love pag napanood nila.”


Pagkatapos ng tagumpay ng Princess and I at sa init din ng pagtanggap ng tao sa pelikula nilang Must be Love, mapapanood muli sa isang serye ang tambalang Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Ito ang seryeng Got To Believe ng ABS-CBN na mapapanood na ngayong Hulyo.

Sa interview ng Cinema News at PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Kathryn sa set ng Got To Believe sa Pilila, Rizal ay di tinago ni Kathryn na excited pero kinakabahan siya sa bagong karakter na ginagampanan dahil simula na naman ito ng isang bagong proyekto para sa kanila ng kapareha.

“Masaya, actually kinakabahan nga ako kasi baka nga mangapa ako, bagong character, bago ang lahat.

“Pero ginayd [guided] naman talaga kami ni Direk Cathy [Garcia-Molina], parang good vibes talaga ngayong first taping day.

“Parang super chill lang siya, di naman super chill pero kumbaga masarap ang feeling ng show na ’to,” panimulang kuwento ni Kathryn.

GOT TO BELIEVE. Agad naming tinanong ang batang aktres kung ano kaya ang bagong mao-offer nila sa publiko sa seryeng pagbibidahan nila muli ni Daniel.

“Siguro mas ano siya... more on young love talaga, mas marami sa romance side.

“Siyempre family din pero mas focused talaga sa love story yung soap. Different story, different characters na malayo talaga sa Princess and I.

“Ito very light and I’m sure maniniwala sila sa magic ng love pag napanood nila,” saad niya.

Sa set ng Got To Believe ay kitang-kita ang dami ng mga tagahanga ng dalawa kung saan di talaga sila matapos sa bawat eksena dahil nagkakagulo at sigawan ng sigawan ang mga ito. Masaya naman si Kathryn sa nakikita niya sa patuloy na suporta sa kanila ng publiko.

“Di naman ine-expect mo pero nagpasalamat kami kasi tuluy-tuloy nila na sinuport yung loveteam namin ni DJ [Daniel], nag-Princess and I tapos nag-Must be Love kami tapos ngayon soap uli.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Habang tumatagal dito namin napi-feel na sobra yung suporta nila kaya thank you, thank you talaga lalo na sa mga pumupunta sa taping,” pagpapasalamat ng dalaga.

OPPOSITES ATTRACT. Kinukunsidera na pinakasikat na loveteam sa ngayon, ano raw kaya sa palagay ni Kathryn ang mayroon ang tambalan nila ni Daniel at ganito na lang itong tinangkilik ng tao?

“Siguro kasi it’s very young, very sincere siguro nakikita ng mga tao yun tapos magka-opposite din kasi ang personality namin ni DJ. Siguro gusto nilang makita kung paano ang mangyayari pag nagsama ang dalawang magka-opposite na tao,” pag-analisa niya.

Si Direk Cathy Garcia-Molina ang direktor ng Got To Believe, kauna-unahang serye na idi-direk ng mahusay na direktora. Papuri naman ang mga sinabi ni Kathryn sa pag-aalagang ginagawa sa kanila ni Direk Cathy.

“Solid saka makikita mo na sobrang aalagaan ka talaga ni Direk Cathy. Di niya pababayaan ang artista niya, ang sarap niyang karabaho,” papuri niya sa kanilang direktor.

MMFF ENTRY. Kumpirmado na pasok sa Metro Manila Film Festival 2013 ang pelikulang Pagpag na pagsasamahan muli nila Daniel at Kathryn. Excited naman ang batang aktres na napabilang sila sa entries at sila lang ang kaisa-isang horror film na nakapasok.

“Happy kami kasi nung in-announce na nakapasok kami nung nagsyu-shooting kami. Hayun sabi nga nakapasok kami so masaya kasi MMFF yun, e.

“Siyempre yun ang super inaabangan ng mga tao, yearly yan, di ba? Kami nga lang daw yung horror this year so sana suportahan nila yung Pagpag,” pagmamalaki niya.

Mapa-pelikula man o mapa-serye ay laging magkasama ang dalawa na para naman kay Kathryn ay pabor sa kanila para mas makilala at mas maging malapit sila ni Daniel sa isa’t isa.

“Oo, di ba? Siguro kahit sino ang kasama mo araw-araw mas makilalla mo siya, mas maa-appreciate mo siya, di ba?

“Masaya nga kasi si DJ ang kasama ko so soap, sa movie, sa endorsements. Masaya magtrabaho, masaya kasi napapanod nila kami,” pagtatapos ni Kathryn.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN