Daniel Padilla on loveteam partner Kathryn Bernardo: “Got to believe may magic kami.”

Daniel on their 2013 MMFF entry, Pagpag: “Masaya kasi first time akong maghu-horror kasama na naman si Kathryn. Pang-teenager yung style, buhay naman ng teenager ngayon kung paano umasta, kung paano ang tropahan ng teenagers, kung paano ang galawan nila. Marami ring makaka-relate.”


Para kay Daniel Padilla, sa lahat ng mga proyektong ginagawa niya mapa-pelikula man o telebisyon ay di siya nagpapatalo kahit kailan sa kahit na anong pressure.

Ayon nga sa aktor nang maka-usap siya ng Cinema News at PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa set ng Got To Believe sa Pilila, Rizal, ang pressure ay isang bagay na dapat hinaharap.

“Di kami napi-pressure, di ako napi-pressure kasi para sa mga tao ito kaya excited na rin kami na mapanood.

“Kahit anong pressure kailangan at kailangang harapin mo. Saka wala namang buting idudulot kung ipi-pressure mo nang ipi-pressure ang sarili mo,” paliwanag ni Daniel.

Masaya si Daniel dahil nagsimula na muli ang taping ng Got To Believe at ayon nga sa kanya ay marami ang makaka-relate sa nasabing serye.

“Ako masaya ako, enjoy lang kami lahat dito, kami nila Direk Cathy [Garcia-Molina], kami ni Direk Cathy magulo lang kaming dalawa kaya nae-enjoy ko.”

“Ano rin ito, for all ages, kahit gaano ka katanda pag napanood mo ito parang babalik ka sa kung ano ang nangyari sa iyo dati. Kinuha namin sa totoong moments ito, pag napanood mo, ginawa ko ’yan dati,” pag-amin ng binata.

SECRET OF LOVETEAM SUCCESS. Tinanong din namin si Daniel kung ano kaya sa palagay niya ang sikreto kung bakit sobrang tinatangkilik ng tao ang tamabalan nila ni Kathryn.

“Got to believe may magic kami. Simple lang, walang problema, ginagawan na lang ng problema ng ibang tao kahit wala naman talaga. Masaya, nagsusuportahan, magaan lang, walang stress,” saad niya.

Tulad ni Kathryn ay masaya rin si Daniel na ang direktor ng Got To Believe ay ang Box Office Director rin na si Direk Cathy Garcia-Molina.

“Napakabait na tao ni Direk Cathy. Marami kaming natutuhan,” pagpuri niya sa direktor.

PAGPAG. Sa pagkakapasok ng pelikulang Pagpag sa 2013 MMFF, excited si Daniel sa nasabing pelikula dahil ito pala ng kauna-unahang horror movie na gagawin niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Masaya kasi first time akong maghu-horror kasama na naman si Kathryn.

“Pang-teenager yung style, buhay naman ng teenager ngayon kung paano umasta, kung paano ang tropahan ng teenagers, kung paano ang galawan nila. Marami ring makaka-relate,” kuwento pa niya.

TIME MANAGEMENT. Sa sunud-sunod na trabaho bilang isa sa pinaka-in-demand na young actors sa kasalukuyan, oras din ang isa sa kulang sa buhay ni Daniel dahil sa sobrang hectic ng kanyang schedule.

“Time management although wala na kaming ganun, no choice kailangang gumising kung anong oras kailangang gumising. Okay lang naman kasi work ito,” pangwakas niyang pahayag.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN