Louise delos Reyes on reconciling with Enzo Pineda: “Hindi ko masasabi, hindi niya masasabi, hindi natin masasabi lahat."

Bagamat break na sila, madalas pa ring nagkikita sina Louise delos Reyes at Enzo Pineda dahil magka-team sila sa Sunday All Stars. Sabi ni Louise tungkol dito, “Mas gusto ko na lang na mag-work kami harmoniously na parang ayokong maging cause kami ng anumang problema ng grupo.”


Itinuturing ni Louise delos Reyes na mas friendly at creative ang bagong programa ng GMA-7 na Sunday All Stars o SAS kumpara sa nagwakas nang Party Pilipinas.

Kabilang ngayon si Louise sa team na pinamumunuan ni Jolina Magdangal.

Nagpaunlak si Louise ng isang exclusive interview sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) pagkatapos ng live airing ng SAS kahapon, June 30.

Saad niya, “Mas naging malapit sa isa’t isa yung mga magkaka-grupo, sabay-sabay na nagbi-brainstorm, kayo mismo ang nag-iisip ng concept ninyo.

“Hindi basta trabaho, parang naging mas bonded yung mga artista kasi kumakain pa sa labas.”

Bukod kay Louise, may mga artistic contribution din ang ibang miyembro ng grupo para sa susunod nilang production number. Paano ito nakatulong sa kanila bilang mga artist-performer?

Mabilis niyang sagot, “Mas naging responsible kami.

“Siyempre, hindi na yung production ang nagku-conceptualize ng gagawin ninyo.”

Noon sa Party Pilipinas, ang buong creative team ng show ang nag-iisip tuwing Linggo ng ihahain nilang putahe sa manonood nila.

Sumasalang na lang sa recording at rehearsal ang mga artist para sa gagawin nila sa live airing ng show.

Ngayon, ayon kay Louise, “So every move, ang kasama mo, kagrupo.

“So, kung magkamali ka at hindi ka makapag-rehearse, hindi lang ang pangalan mo ang dinadala mo, kundi pati yung pangalan ng team.”

Mas nagagamit ba ang talent niya at naging competitive ba siya?

“Yes! Yun talaga,” mabilis niyang pagsang-ayon.

“Kahit sabihin namin na friendly competition, nandoon pa rin yung competition, e.

“Na parang hindi ka lang nagku-compete sa ibang tao, kundi nagku-compete ka rin sa sarili mo.

“For example, like, ako, ayoko nang mag-stick doon sa comfort zone ko.

“Gusto kong lumabas na parang… sinasabi kasi ng mga judges na hindi nai-explore ng mga artist yung kakayanan nila.

“So, ngayon, sinasabi ko na, ‘Sige, kaya ko ito, kaya kong gawin ito.’”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



BRAINSTORM. Pero may epekto raw ang maraming araw na ginugugol nila sa pagmi-meeting. Nakakain din ng ilang oras ang meeting na dapat sana ay nagagamit nila sa ibang personal at trabaho sa showbiz.

Umayon naman si Louise dito.

Sabi niya, “Siguro, may mga oras na kapag hindi nagustuhan yung ibang concept, kailangan ninyo uling mag-meeting ng mga kagrupo ninyo.

“Pero kasi kami, kung hindi man kami nagkikita-kita nang madalas, nagba-Viber kami.

“Sa online, nagkakamustahan kami, ‘O, ano na’ng update? May mga inputs ba kayo?’

“Kasi nag-start kami kay Ate Jolens na open yung communication naming lahat.

“So, siguro yung mga commitments sa mga rehearsals o meeting, hindi nagagawa nang ayos.

“Katulad namin ni Alden [Richards], may regular show na, so mahirap rin.”

Ang tinutukoy ni Louise ay ang primetime series nila na Mundo Mo’y Akin.

Hindi kaya pag-initan o maging sentro ng inggit sina Louise at Alden dahil kinakailangan silang paboran dahil may mga regular tapings sila para sa umeere nilang shows?

Sabi ni Louise, “Ako naman, I see to it, kung hindi ko kayang um-attend ng araw na yun, siguro before pa lang, nakakapag-input na ako.

“Meron akong ideya para sa next week natin.

“Kasi Saturday pa lang, sinasabi na sa inyo kung ano yung susunod ninyong gagawin, so nakakapag-input ka na.

“Tapos sa rehearsal, gagawin mong tama yung ginagawa mo kahit hindi one hundred percent na nandoon ka palagi.”



EX-BOYFRIEND. Magkasama sa iisang team ang dating magkasintahang sina Louise at Enzo Pineda.

Madalas sabihin ng young actress na okay sila ng ex-boyfriend niya, pero hindi rin niya maitangging nahihirapan siya sa sitwasyon nila. Magkasama sila sa iisang grupo, pero parang ang layo-layo nila sa isa’t isa.

“Sa akin siyempre, talagang mahirap,” pag-amin ni Louise.

“Parang it’s been five months na ‘ata or four months na ‘ata? So ako, trabaho na lang talaga ang iniisip ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pag nararamdaman kong nararamdaman ko siya [hurt], minsan iba-block ko na lang.

“Mas gusto ko na lang na mag-work kami harmoniously na parang ayokong maging cause kami ng anumang problema ng grupo.”

Natawa si Louise sa tanong kung malaking struggle ba sa kanya ang makita madalas ang kanyang ex-boyfriend.

Sabi niya, “Nag-uusap naman kami, magkasama naman kami, nagtatabi naman kami.

“Siguro ano lang… yung struggle, nandoon siya palagi.

“Pero yun nga, like what I’ve said, hindi ko rin… ayoko na rin masyadong i-entertain pa.”



STILL HURTING? Nasasaktan pa ba siya hanggang ngayon?

Sagot ni Louise, “Hindi na kasing-hurt before.

“Parang leading na kung saan man papunta, kasi nasa iba talaga ang focus ko ngayon.”

Hindi kaya dapat na magkaroon na siya ng bagong boyfriend para ma-divert ang isip o atensiyon niya papalayo kay Enzo?

“Ayoko naman na parang kailangang may kapalit.

“Siguro ano lang, kailangang ma-divert yung atensiyon ko sa mas importanteng bagay.”

Hanggang ngayon, nananatiling misteryo ang rason ng hiwalayan nina Louise at Enzo.

Ano ang dahilan at parang naging mapakla ang kanilang breakup at hindi sila naging close pagkatapos?

Huminga muna nang malalim si Louise bago nagsalita.

Aniya, “Siguro, meron lang talaga na ugali yung ibang tao na once minahal mo yung isang tao, tapos nagkahiwalay kayo…

“Kaya nga kayo nagkahiwalay, e, kasi may something kayong hindi pinagkasunduan, tapos magiging magkaibigan kayo?

“Siguro, it will take time na masasabi mong we’re good friends na lang.”



OVER AND DONE WITH. Dati’y umaasa pa si Louise na magkakabalikan at magiging maayos uli ang lahat sa kanila ni Enzo, pero ngayon ay isinasantabi na ito ng dalaga.

Paliwanag niya, “Kasi, you learn to appreciate yourself more.

“Tapos, nao-overcome mo yung sadness, yung longingness. So, wala—matututunan mo in time.

“Iyon nga yung best medicine mo, e… yung oras.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi na talaga sila magkakabalikan?

“Hindi ko masasabi, hindi niya masasabi, hindi natin masasabi lahat.

“Pero ngayong parehas may trabaho, e, mahirap talaga.”

Traumatic pa rin ba sa kanya hanggang ngayon ang nangyari sa relasyon nila ni Enzo?

“Hindi ko alam kung makaka-categorize ko siya as traumatic experience.

“Pero siyempre… sa akin kasi, ‘eto ang real relationship na napasukan ko—medyo mahirap lang talagang kumawala. Pero in God’s time…

“Kasi marami rin naman mga taong nagkakahiwalay. Minsan iniisip ko na, ’Paano nagawa ni ganyan, ni ganito?’

“Minsan matagal pa yung pinagsamahan nila bilang mag-asawa.

“Kung kaya nila, kakayanin ko rin.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN