Wyn Marquez says dad Joey Marquez has moved on from failed Congress bid

Sa unang pelikula ni Wyn Marquez, ang 10,000 Hours, ay gaganap siyang anak ni Robin Padilla. Natutuwang kuwento ni Wyn tungkol sa unang pagkikita nila ni Robin: “Na-starstruck ako sa kanya, sobrang guwapo niya. Hindi siya mukhang may edad or something. Sobrang nakatingin lang ako sa kanya, hindi ako gumagalaw. Nagpakilala lang ako sa kanya to pay respects—sobrang bait, sobrang bait.”


Panatag na ang loob ni Wyn Marquez ngayong tatlong linggo na siyang napapanood sa Sunday All Stars (SAS), ang bagong musical-variety show ng GMA-7.

Eksklusibong nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Wyn sa basement parking ng GMA Studios noong Linggo, June 30.

Katatapos lang daw niyang makipag-meeting sa grupo nila na pinamamahalaan ni Christian Bautista.

Binalikan muna ni Wyn ang hindi pagkakasama ng lahat ng dating regular members ng Party Pilipinas sa ipinalit na programa rito.

Sabi niya, “Kasi hindi nila sinasabi at all.

“Pag nagtatanong kami, ayaw pa rin nilang sabihin.

“So, may konting kaba, may takot. Siyempre, feeling ko, iniisip ko rin na baka hindi ako kasama.”



MORE ACTING. Ayaw namang isipin ni Wyn na hanggang pagsasayaw lang siya gustong hubugin ng Kapuso network, hindi bilang artista.

Matagal-tagal na kasing walang acting assignment ang dalagang anak nina Joey Marquez at Alma Moreno.

Ang pinakahuling regular drama series ni Wyn ay One True Love pa na nagtapos noong October last year.

Saad niya, “Kasi when I started, dance lang naman for a variety show, guest, tapos nag-dance.

“Pero ngayon, as much as possible, gusto ko naman this time, mag-focus sa acting. Pero kung mabibigyan, okay naman.

“Pero ngayon kasi, may movie kami sa MMFF [Metro Manila Film Festival] 2013 with Robin Padilla.

“Oo, kasama ako, ‘eto yung 10,000 Hours.

“So, at least, ginagawa ko yun, tapos ‘etong SAS, nababalanse ko naman, so masaya ako.”

Anak ni Robin ang papel na gagampanan ni Wyn sa 10,000 Hours.

Sa maikling pagbibigay ng detalye ni Wyn tungkol sa pelikula, mawawala ng 10,000 hours si Robin matapos itong ma-kidnap at mapapadpad ito sa ibang lugar.

Gaganap naman bilang ina ni Wyn si Mylene Dizon na isang pulitiko ang character.

Ayon kay Wyn, siya mismo ang lumapit sa project.

“I actually auditioned.

“Pero I didn’t know it was for MMFF.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Tinawagan lang ako ni Neil Arce na, ‘Uy, audition ka.’ Kuya Boy2 [Quizon], mga producers sila doon, i-try raw nila ako.

“Nagulat naman ako dahil kasama pala siya sa MMFF.

“Binibining Joyce Bernal [dirkctor ng pelikula] ang nag-audition sa akin, so parang, ‘Oh, my gosh!’”



FIRST MOVIE. Dalawa o tatlong buwan na raw ang nakararaan mula nang mag-audition si Wyn sa nasabing project.

“Nalaman ko lang yung confirmation last month lang, kaya nga nagulat talaga ako.

“I’m so blessed! My gosh!

"First movie, then sa MMFF pa! Tapos, Robin Padilla, Joyce Bernal yung makakasama!”

Ano ang reaksiyon ng mommy at daddy niya nang makapasa siya sa audition?

“Tuwang-tuwa naman sila. Maganda yung role, maganda yung movie. Excited silang mapanood ako.”

Wala pang masasabing experience si Wyn sa pakikipagtrabaho kay Robin dahil wala pa silang scene together. Pero hindi raw niya makakalimutan ang naramdaman nang makaharap niya sa unang pagkakataon ang sikat na action star.

Kuwento niya, “Na-starstruck ako sa kanya, sobrang guwapo niya.

“Hindi siya mukhang may edad or something. Sobrang nakatingin lang ako sa kanya, hindi ako gumagalaw.

“Nagpakilala lang ako sa kanya to pay respects—sobrang bait, sobrang bait.”



WITH ROBIN PADILLA. Ano ang naging reaksiyon ni Robin noong nalaman na anak siya nina Joey Marquez at Alma Moreno?

“Nagtanong siya. Sinabi ni Direk Joyce na parang, ‘O, ayan, anak ni Joey Marquez ‘yan. Okay ‘yan umarte, kaya na ‘yan.’

“Nagtanong siya, ‘A, siya ba yung Winwyn? Siya ba yung anak ni Joey?’

“So, ayun! After noon, okay naman, nag-usap na kami.”

Kitang-kita namin ang malaking kasiyahan ni Wyn sa naalalang reaksyon niya nang makita nang harapan si Robin.

Kung sakaling binata ngayon ang action star, papasa ba ito sa kanya?

Natawa muna si Wyn at saka nagsalita.

Sabi niya, “Oo naman po! Sino ba naman ang hihindi, di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sabi ko nga, pag nakita ko si Kylie [Padilla, anak ni Robin], sobrang nagmana yung appeal.

“Nandoon talaga—pareho sila ni Kylie.”



BINIBINING PILIPINAS. Hindi pa sumasalang sa training si Wyn para sa pagsali niya sa Binibining Pilipinas sa susunod na taon.

Matatandaang ang paglipat ni Wyn sa poder ng Mercator ni Jonas Gaffud ay dahil sa pagnanais niyang lumahok sa Binibining Pilipinas.

Paglilinaw naman ng dalaga, “Hindi ako nagte-training ngayon for Binibining Pilipinas, workshop lang talaga for acting—tuluy-tuloy.

“Yung training para sa beauty pageant, depende kay Jonas kung kailan ready na ako, kasi he has an eye for that, e.”

Kapansin-pansin ang pagpayat ni Wyn at inakala ng marami na ito na ang preparasyon niya sa pagsali sa beauty pageant.

Pero paliwanag niya, “Kasi very active ako.

"Noong wala pang Sunday All Stars, nagda-dance ako—dance three times a week. I go to the gym.

“Personal lang ito, wala namang kung anuman,” nangingiti niyang sabi.



WINNER, LOSER. Nang kumustahin naman ng PEP ang kanyang ama na hindi pinalad nang tumakbo itong congressman sa Parañaque noong nakaraang eleksyon, sinabi ni Wyn na okay na ito.

Nakabalik na raw si Joey sa programa nito sa ABS-CBN, ang Showbiz Inside Report.

Sabi ni Wyn, “Nalagpasan naman niya yung natalo siya sa eleksyon, so okay naman siya.”

Pero aminado ang dalaga na nalungkot din silang supporters ng daddy niya.

“Oo naman, kasi ang hirap din ng ginawa namin.

“Almost every day kaming nangangampanya, pati ako, lalo si Daddy, may asthma pa siya. Talagang nag-work siya nang husto.

“E, ganoon naman yung turn of events, wala nang magagawa.”

Na-disillusion ba ang daddy niya?

“No naman, okay lang siya, nagpahinga lang.

“Ayaw lang niya siguro ng may kausap… alam mo yung tatanungin siya?

“So, noong natalo siya, we didn’t take it up na.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yung tinanong namin siya, wala na, kalimutan na nating lahat.

“Pero buti naman si Mama, nanalo. Ayun, busy-busy siya hanggang ngayon.

“Hindi na nga kami nagkikita, busy siya sa out of town.

“Hindi pa nga sila nagkikita ng husband niya [Marawi City Mayor Sultan Fahad "Pre" Salic], I think.

“Pero noong campaign, nagkita sila, bumisita naman. Pero ngayon, hindi.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN