Jennylyn Mercado on settling down with Luis Manzano: “Basta alam mo sa sarili mo na nararamdaman mong handa ka na, iyon na ‘yon.”

Hindi raw nagdalawang-salita si Jennylyn Mercado kay Batangas Governor Vilma Santos na magkaroon ng special appearance sa production number nila kahapon, June 30, sa Sunday All Stars ng GMA-7.


Tumitindi ang competition ng apat na grupo na nagpapasiklaban linggo-linggo sa bagong musical-variety show ng GMA-7, ang Sunday All Stars (SAS).

Sa pilot episode ay ang team headed by Jennylyn Mercado ang nanalo; ang grupo naman nina Kris Bernal ang nanalo sa second week, at kahapon, June 30, ang pinamumunuang team ni Mark Bautista ang nanalo.

Bawat grupo, lalo na ang mga team leader nito, talagang kina-career at pinag-iispang mabuti kung ano bubuuing concept ng gagawing production number.

Si Jennylyn nga, umabot pa sa point na ginamit ang koneksiyon o impluwensiya niya kay Batangas Governor Vilma Santos, na ina ng boyfriend niyang si Luis Manzano.

Sa production number kasi nila kahapon ay may cameo appearance ang Star For All Seasons, kung saan inabot nito kay Jennylyn ang isang "bato."

“Hindi naman,” nangiting reaksiyon ng Kapuso actress-singer nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilan pang miyembro ng media pagkatapos ng SAS kahapon.

Patuloy niya, “Kaya lang kasi… di ba? Kanya-kanyang ano, e…

"Sabi nga, malikot daw ang isip ko.

“So, kapag nag-iisip kami ng concept, gusto namin iba.

"Ayaw namin ng kapag sinabing eto yung theme, dun lang kami magpu-focus.

“Ang gusto namin, yung binabale. Yung nag-aano talaga kami… flip talaga. Yung gano’n.”

Napi-pressure ba siya sa pagiging team leader niya sa kanilang grupo? Na every week ay siya ang nangunguna sa nag-iisip kung ano ang susunod nilang gagawin?

Tugon ni Jennylyn, “Oo naman. Kasi, walang biro.

"Talagang idea mo at ng mga kasama mo sa grupo, kailangan.

“Hindi kami puwedeng magpaturo. Hindi kami puwedeng umasa sa mga staff o sa production.

“Kailangan, kami-kami lang talaga. Effort talagang sa buong team.

“Pero at least, nati-train kami. Alam na namin ngayon ang ginagawa ng buong production—na napakahirap. Hindi biro. Hindi talaga biro.”

CLOSE TO GOVERNOR VI. Paano niya napapayag si Governor Vi na magkaroon ng special appearance sa kanilang VTR? Ganun ba kadali?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi ni Jennylyn, “Sobrang happy kami at thankful kasi talagang favor namin talaga iyon kay Governor Vi.

“Talagang sobrang happy kami at grateful na pumayag siya nang walang kuwestiyon. Basta… oo!

“Kaya sabi ko, ’Ay, thank you Lord!’”

Hindi siya nagdalawang-salita kay Governor Vi dahil na rin nga siguro sa sinasabi ng Star For All Seasons na sobrang gaan ng loob nito sa kanya, na hindi umano nito kayang tanggihan ang kasintahan ng anak.

“Naks!” bulalas naman ni Jennylyn. “Thank you!

“Ano naman po, e… wala kaming kumbaga parang… naubusan na kami ng idea, e.

“Na parang… eto na ang pinaka-power namin. Kailangang gumana ‘to!”

Gano’n na talaga sila ka-close sa isa’t isa?

“Siyempre ano, e… kailangang… kasi siyempre pinakamamahal ‘yan ng mahal ko rin,” pagtukoy niya sa Star For All Seasons at sa boyfriend niyang si Luis.

“Kaya siyempre dapat… di ba?” sabay ngiti ulit ni Jennylyn, na ang ibig tukuyin ay dapat lang na maging maganda ang samahan nila.

SETTLING DOWN. Balitang may nasabi si Governor Vi sa interview ng ilang taga-media kamakailan na gusto na raw nitong magkaapo kay Luis.

Si Jennylyn ang girlfriend ngayon ni Luis. So, ibig sabihin nito ay gusto na ni Vilma na mag-settle down na sila at magkaanak na.

Tumatawa-tawa lang si Jennylyn nang hingan ng reaksiyon tungkol dito.

Sabi niya, “Hindi naman po. Basta ang sa akin lang… wala akong specific time or date kung kailan talaga.

“Darating din naman yung takdang oras, di ba? Yung tamang panahon para sa ganyang bagay.

“Basta alam mo sa sarili mo na nararamdaman mong handa ka na, iyon na ‘yon.”

Hindi pa siya ready ngayon?

“Hindi naman. Basta ano lang… ayoko lang magmadali.

"Basta gusto ko, laging perfect timing.

“Basta mararamdaman mo na lang ‘yon. Iyon lang ‘yon, e—mararamdaman mo na lang.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi pa ba nagpaparamdam sa kanya si Luis about settling down?

“Wala pa!” tawa ulit niya. “Wala pa.”

Kadalasan, ang nangyayari, biglang nasosorpresa ang babae na hindi inaasahang magpu-prose na sa kanya ng kasal ang lalaki. Malay niya kung gano’n din ang gawin ni Luis sa kanya?

“Dapat nga… hindi ko alam! Di ba?" tawa na naman ni Jennylyn.

“Pero huwag i-expect, huwag masyadong mag-expect! Baka ano… ha-ha-ha!”

Pero kung sakaling biglang mag-propose sa kanya si Luis, will she be ready?

“E, sa ngayon, hindi ko pa nga alam. Hindi ko pa masasabi,” sagot niya.

HOT MOMMA. Si Jennylyn ang cover girl ng FHM for the month of June. Kasali rin siya sa Top 10 Sexiest Women poll ng nasabing men’s magazine ngayong taon.

Siya lang ang bukod-tanging celebrity mom sa Top 10, kung saan nasa number one muli si Marian Rivera.

Pupunta ba siya sa victory party ng FHM sa July 10?

Sabi ni Jennylyn, “Hindi po ako makakapunta kasi may trabaho ako.

“Alam po nila [people behind FHM] na may trabaho ako sa araw na iyon, kaya sinabi po kaagad namin na hindi ako makakapunta.

“And siyempre, thankful ako na kaisa-isa akong mommy sa Top 10, di ba? Nakakatuwa naman!”

MARK-JEN LOVETEAM. Natutuwa rin daw si Jennylyn na maganda ang feedback sa pagbabalik-tambalan nila ni Mark Herras sa latest episode ng Magpakailanman na ipinalabas noong Sabado, June 29.

Is she looking forward na magkatrabaho din ulit sila ng dating ka-loveteam at ex-boyfriend sa isang serye?

“Siyempre, kasi matagal din kaming hindi nagkasama, e.

“Last namin yung sa Ikaw Sana kung saan kasama namin si Pauleen [Luna]. Four years [ago] na yata ‘yon.

“Nakaka-miss din.”

Ang girlfriend ni Mark na si Ynna Asistio, aminadong fan ng tambalang Jennylyn at Mark.

Banggit ni Jennylyn, “Nando’n nga siya sa taping namin ni Mark sa Magpakailanman.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero hindi naman siguro para magbantay kay Mark kaya nando’n ito sa set?

“Hindi ko alam!” sabay tawa ni Jennylyn. “Basta nando’n siya. Dumalaw sa taping namin."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN