Rachelle Ann Go wants to take a break from musicals after doing Tarzan

Pagkatapos ng matagumpay niyang paglabas sa musical play na Tarzan, gusto munang magpahinga ni Rachelle Ann Go mula sa teatro. Sabi niya, “Siguro after a year naman ulit kasi medyo nakakapagod ito, e! Kailangan kasi talaga ng mahaba-habang preparation for theater. So sana, next year yung maging kasunod.”


Bakas sa mukha ni Rachelle Ann Go ang saya kaugnay ng tagumpay ng latest musical play na ginawa niya, ang Tarzan.

Gumanap siya rito bilang leading lady na si Jane at nakapareha naman niya, bilang Tarzan, ang Broadway actor na si Dan Domenech.

Sabi ni Rachelle, “Sobrang sarap ng pakiramdam na natapos na namin.

“Pero siyempre, sad din kasi ang ganda ng pinagsamahan namin nung cast. Mami-miss ko ‘yon.

“Yung Broadway actor na nakapareha ko rito, lumabas na rin siya sa Glee.

“Ang ganda! Ang ganda-ganda ng show. Nakakatuwa.

“Sobra akong proud sa mga nakatrabaho ko.

“Ang ganda ng production... oo!”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entrtainment Portal) si Rachelle pagkatapos ng Sunday All Stars (SAS) kahapon, Linggo, June 30.

BREAK FROM THEATER. Although fulfilling at nai-enjoy ni Rachelle ang paglabas sa mga musical play, hindi raw niya gugustuhing agad-agad ay may may kasunod na namang bago.

“Siguro after a year naman ulit kasi medyo nakakapagod ito, e!” sabay-tawa niya.

“Kailangan kasi talaga ng mahaba-habang preparation for theater.

"So sana, next year yung maging kasunod.”

Anong tema naman ng musical ang gugustuhin niyang gawin sa susunod?

“Siguro hindi na muna Disney. Nakakadalawang Disney na ako, e—yung Little Mermaid at saka ito ngang Tarzan.

“Gusto ko siguro ano naman, mas mature. Yung medyo heavy drama."

Gusto rin niya ng Broadway musical?

“Yes, siyempre naman. Pangarap ko ‘yan—yung sa Broadway din.”

Matatandaang nag-audition si Rachelle para sa revival ng West End production ng Miss Saigon. Nakapasa siya, kasama sina Frencheska Farr at Aicelle Santos, hanggang final call back ngunit hanggang ngayon ay hinihintay pa nila ang resulta kung pasok sila sa final casting.

SUNDAY ALL STARS. Sa labanan naman ng production numbers ng apat na grupo sa Sunday All Stars kahapon, ang grupo nila Rachelle, headed by Mark Bautista, ang nanalo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Masayang-masaya raw si Rachelle at mga kasama niya sa kanilang team.

Sabi ng singer, “Kami naman talaga, gusto lang talaga naming ibigay ang best namin sa bawat performance na gagawin namin.

“It doesn’t matter, sabi nga namin, kung manalo man kami o matalo, di ba?

"Basta alam naming naibigay namin ang lahat namin dun sa performance, okey na kami do’n.”

After ng episode ng SAS next Sunday, July 7, magpapalit na ng team leader at group members sa pamamagitan ng palabunutan.

At hindi malayong isa si Rachelle sa susunod na maging leader ng bagong grupo kung saan siya mapapabilang.

“Tingnan natin!” sambit ni Rachel. “Sana kayanin ko, ‘no?

“Nakikita ko kasi yung pressure sa mga team leaders ngayon ng bawat group.

“Pero masaya, exciting ito.”

Mahirap daw talaga ang proseso ng pagbuo ng isang production number linggo-linggo.

Sabi ni Rachelle, “Alam n’yo, ngayon pa lang, nagmi-meeting na kami ng tungkol sa magiging production number namin for next week.

“Kaming mga artists din kasi ang nag-iisip ng konsepto... lahat, pati music.

“So, malaki yung parteng ibinibigay namin dito.”

Is she looking forward na makasama naman niya sa grupo ang ex-boyfriend niyang si Christian Bautista?

“Bakit hindi? Oo. At wala naman sigurong magiging isyu!” napahalkhak pang biro niya.

Patuloy ni Rachelle, “Bakit hindi? Kumbaga, kumportable naman kaming magkatrabaho so magiging masaya ‘yon.”

Bukod sa SAS at sa katatapos lang na paglabas niya sa Tarzan, ano pa ang aabangan sa kanya?

“Pinag-uusapan po namin yung bago kong album and also… concert.

“So, abangan na lang po. Isa-isa po muna.”

What about yung muling pagsabak niya sa acting?

“A… hindi pa po napag-uusapan ‘yan sa GMA. Pero sana. Sana meron pong project din,” sabi ni Rachelle.

Huling napanood si Rachelle sa epicserye na Indio.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN