Krista Kleiner engaged to non-showbiz boyfriend

Krista Kleiner is engaged to her non-showbiz boyfriend Patrick Grove. The two made the formal announcement to their family and friends last June 15 at Il Cielo restaurant in Beverly Hills, California.


Engaged na ang beauty queen-singer na si Krista Kleiner sa kanyang non-showbiz boyfriend na si Patrick Grove.

Si Patrick, ayon sa paglalarawan ni Krista, ay isang “Singaporean/Australian Internet and a new media entrepreneur, CEO and co-founder of numerous successful business companies on the stock exchange.”

Ayon sa Funfare column ni Ricky Lo sa local daily broadsheet na Philippine Star ngayong araw, Hulyo 1, naganap ang engagement nina Krista at Patrick noong Hunyo 15, sa Il Cielo restaurant, sa Beverly Hills, California.

Isinabay ang announcement ng kanilang engagement sa birthday celebration ni Krista, na nagdiwang ng kanyang 24th birthday noong Hunyo 12.

Dinaluhan daw ang selebrasyon na iyon ng mga kapamilya at ilang malalapit na kaibigan ng magkasintahan.

Sa kanyang speech, ibinahagi ng ama ni Krista na si Dr. Brian Kleiner kung paano sila kinausap ni Patrick upang hingin ang permiso na pakasalan ang kanilang anak.

Kasabay naman ng pag-alala ni Patrick kung paano sila nagkakilala at nagkaibigan ni Krista, nagpasalamat siya sa naging pagtanggap ng pamilya ng dating beauty queen sa kanya.

Kuwento naman ni Krista, bukod sa formal dinner na ginanap sa Il Cielo restaurant, “We rented a six-storey mansion in Bel Air on the famous Muholland Drive for the weekend for close friends to stay with us from Orange County [my hometown].

“After the dinner event, close friends or 40 people all got in a party bus that took them to the Drai’s Hollywood nightclub at the W Hotel of Hollywood. There, we enjoyed two cabana tables and celebrated the night away.”


BACK STORY. Si Krista ay ex-girlfriend ng RnB singer na si Jay-R.

Marso 2012 nang magkahiwalay ang dalawa nang walang sinasabing dahilan.

Bagamat nanatili silang magkaibigan at sinubukang isalba ang kanilang relasyon, hindi sila nagkabalikan

(Read: Jay-R and Krista Kleiner admit they are now both "single"; refuse to reveal reason of their breakup)

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hanggang noong Pebrero 25, sa radio show ni Mo Twister na Good Times With Mo Twister the Podcast ay sinabi ni Krista ang dahilan ng kanilang paghihiwalay: “The relationship was getting a little bit abusive.”

Habang ang tugon naman ni Jay-R sa rebelasyong ito ng dating nobya: “I really don’t mind the negative comments about me because it comes with the territory of showbiz. I pay it no mind.

“I wish her the best in her career and her life.”

(Read: Krista Kleiner on breakup with Jay-R: “The relationship was getting a little bit abusive.”)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN