Joyce Ching attributes lack of endorsements to kontrabida image

Isiniwalat ni Joyce Ching na mahigit dalawang taon na ang relasyon nila ng kanyang boyfriend na si Kristoffer Martin. Pag-alala ng tween actress, “Medyo emosyunal kasi si Kristoffer, sobrang malambing ‘yan at sweet kaya sinagot ko na. Iyon yung magandang characteristic ni Kristoffer—yung pagiging malambing niya sa mga babaeng nakakasama niya.”


Kampante at very vocal na ang Kapuso tween star na si Joyce Ching na pag-usapan ang tunay nilang relasyon ni Kristoffer Martin.

Paliwanag niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Dati kasi, masyadong maaga pa para aminin.

"Nagsisimula pa lang kami noon, so parang ang hirap talaga umamin.

“Kaya nagkasundo na lang kami na wala munang aamin, kaya sinikreto na lang muna namin.

“Hanggang sa madami na ang nagtatanong, parang ang hirap na mag- deny kasi nakikita naman ng mga tao na sweet kami sa isa’t isa. At lagi kaming magkasama.

"Kaya nag-usap kami na next time na may magtatanong, aamin na kami.

“Kaya noong may nagtanong kay Tonton [palayaw ni Kristoffer], umamin na siya.

“At noong ako naman yung tinanong about us, umamin na rin ako.

“Feeling kasi namin, masyadong matagal na rin yung relasyon namin kaya sabi namin, puwede na sigurong aminin.

“Two years and five months na kami kaya medyo matagal-tagal na rin.”



YES TO KRISTOFFER. Kailan niya sinagot si Kristoffer?

Sabi ni Joyce, “January 24, 2011 ko siya sinagot.

“Medyo emosyunal kasi si Kristoffer, sobrang malambing ‘yan at sweet kaya sinagot ko na.

“Iyon yung magandang characteristic ni Kristoffer—yung pagiging malambing niya sa mga babaeng nakakasama niya.”

Noon pa ba ay alam na ng kanilang mga magulang na sila?

“Oo naman po!" bulalas ni Joyce.

"Wala naman kasi akong inililihim sa parents ko. Okay naman sa kanila si Kristoffer kaya alam ko na walang problema."

Kapag magkasama sila, saan sila malimit pumunta?

“Nagmu-malling, nanonood ng sine... ganoon lang.

“Pero minsan lang namin nagagawa, kasi medyo busy din, marami kaming trabaho.

“Kaya pag may time, doon lang kami nakakalabas, minsan kasama yung mga friends namin.

“O kaya minsan, dumadalaw naman siya sa set ng taping namin o kaya pumapasyal siya sa bahay.”



JEALOUS FRIENDS. Hindi ba pinagseselosan ni Kristoffer yung ibang mga lalaking nakakatrabaho niya, gaya ni Hiro Magalona na katambal niya sa Anna KareNina?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi ni Joyce, “Hindi naman, kasi alam naman niyang trabaho yun.

“Kahit naman ako, hindi ako nagseselos kasi alam ko rin namang trabaho lang yung ginagawa namin.

“Pareho naman kasi kaming priority ang trabaho, kaya hindi namin pinapasok yung personal namin sa trabaho.

“Tsaka magkaibigan sina Hiro at Kristoffer kasi parehas sila ng manager.

“Si Kristoffer pa nga ang tumawag kay Hiro na ‘wag maku-conscious sa mga sweet na eksena namin, kasi trabaho lang yung ginagawa namin.”

Bakit, may time ba na naramdaman niya na naiilang si Hiro sa mga eksena nila?

Sabi ni Joyce, “Oo. Siguro hindi ko rin siya masisisi kasi nga naman, alam niya na boyfriend ko si Tonton kaya medyo may ilang factor.

“Pero noong kinausap na siya ni Kristoffer, wala na at okay na pag magkasama kami sa eksena.

“Tsaka nagka-partner na rin naman kami ni Hiro sa Tween Hearts noong nagsisimula pa lang siya.

“Kaya kahit papa’no, may pinagsamahan na kami.”



ENDORSEMENTS. Nalulungkot lang si Joyce dahil mukhang mailap daw ang dating sa kanya ng endorsements.

Hindi tulad ng kanyang co-tween stars na sina Bea Binene at Barbie Forteza na maraming endorsements.

Aniya, “Nakakalungkot nga, kasi ang tagal ko na rin, pero wala pa akong endorsements like Bea at Barbie.”

Ano sa tingin niya ang rason kung bakit matumal ang dating ng endorsement sa kanya?

“Siguro ang reason kung bakit hindi nila ako kinukuhang endorser ay dahil puro kontrabida yung role na napupunta sa akin—malaking factor siguro yun.

“Siguro, gusto nila yung pa-sweet yung image, yung pangbida, kasi mostly ng maraming endorsements, yung ganoong image.”

Pero ngayong nagbibida na siya, sa tingin niya ba magkakaroon na rin siya ng endorsements?

“Siguro, baka. Kasi bida na ako!" tawa niya.

“Kaya nga thankful ako sa Anna KareNina kasi sa wakas, bida na ako.

“At baka nga may kumuha na sa akin para mag-endorse ng kanilang produkto.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sana nga mai-push, para may endorsement na rin ako katulad nina Bea at Barbie!”



KONTRABIDA ROLES. Pero if ever ba na bigyan siya ng soap na kontrabida ulit ang kanyang role, tatanggapin pa rin niya?

Tugon ni Joyce, “Oo naman, kasi trabaho yun.

"Ako naman kasi, workaholic ako, gusto ko lagi may trabaho.

“Tsaka, di ba, yung kontrabida role yung challenging?

“Kasi, marami kang puwedeng gawin at puwede ka mag-eksperimento.

“Basta sa akin, may tabaho lang, kahit anong role, okay lang.

“Pero kung mabibigyan nila ako ng another bida role, mas okay siguro yun.

“Pero kung ano ang ibigay sa akin ng GMA-7, okay lang.

“Basta katulad ng sinabi ko, mas ganda yung may trabaho ka at hindi nababakante.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN