Daiana Menezes clarifies alleged suicide attempt of husband did not stem from their recent rift

Nakiusap ang Brazilian model na si Daiana Menezes sa mga tao na huwag munang manghusga sa sinapit ng asawa na si dating Congressman Benjo Benaldo, at hintayin na lamang ang official statement nito.


Nilinaw ni Daiana Menezes sa kanyang official statement na ang nangyaring pagbaril diumano sa sarili ng asawa niyang si former Cagayan de Oro first district Representative Benjo Benaldo noong June 27, Huwebes, ay walang kinalaman sa naging away nila ilang linggo na ang nakararaan.

Isinugod sa New Era Hospital sa may Commonwealth, Quezon City si Benaldo matapos siyang makitang duguan noong June 27 sa opisina nito sa Batasang Pambansa.

Tinitingnan ngayon ng mga pulis ang anggulong attempted suicide ni Benaldo dahil may natagpuan umanong dalawang suicide notes at perang nagkakahalaga ng P100,000 sa opisina ng pulitiko sa House of Representatives kung saan nangyari ang insidente.

(Read: Suicide notes and money found at Congressman Benjo Benaldo’s office, says source)

Ayon pa sa Brazilian model-turned-celebrity, ang nangyaring insidente sa kanyang kabiyak ay may kinalaman umano sa mga adbokasiyang ipinaglalaban nito.

“What I can relay to you however is that reason behind the incident are the advocacies he strongly believes in as relayed to me by Benjo last Saturday,” ayon sa official statement ni Daiana na ipinadala sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ibang miyembro ng press, July 1, Lunes.

Nakiusap si Daiana sa mga tao na huwag munang husgahan ang kanyang mister at hintayin ang ilalabas na official statement ng kabiyak na ibibigay raw niya kapag bumuti na ang kalagayan niya.

Noong nakaraang eleksyon ay natalo si Benaldo nang muli itong tumakbo bilang kongresista.

Narito ang kabuuan ng official statement ni Daiana:

“First of all, I would like to clarify that any statement or interview aired by the media prior to this statement is totally unreliable as this is my FIRST and ONLY statement relative to what happened last Thursday.

"While my husband is still recovering from his injuries, his family and I would like to personally appeal to everybody to please grant us some much needed privacy as we go through this difficult time.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"As to what transpired last June 27, my husband, Benjo assured me that he himself would address all of you regarding the matter when he is fit do to so. What I can relay to you however is that reason behind the incident are the advocacies he strongly believes in as relayed to me by Benjo last Saturday.

"For now, we plead that you reserve both conclusions and judgments until after an official statement is issued by my husband.

"Meanwhile, I would just like to say with certainty that whatever reasons surrounded this misfortune, they do not include any reasons stemming from our relationship as a married couple. In spite of our recent differences, we still continue to love each other. We have vowed to remain committed to each other and to support one another as we weather this storm together.

"Lastly, our families humbly ask that you offer prayers for his speedy recovery.

"Thank you very much.”

Sa dulo ng official statement ay may lagda ng Brazilian model.


COUPLE’S RIFT. Ilang linggo bago mangyari ang insidenteng ito, nagkaroon ng kontrobersiya sa pagitan ng mag-asawa matapos mag-post ng sunud-sunod si Daiana na nagmumungkahi ng domestic violence.

Subalit bandang huli ay sinabi ni Daiana na ninais lamang niyang kunin ang pansin ng kanyang asawa at sa bandang huli ay ipinahayag na nagkaayos din sila at patuloy ang pagmamahalan nilang dalawa.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN