Kim Rodriguez on advantage of her beautiful face: "Puwede mo akong pabatain, pero puwede rin gawing mature."

Sa pagkapanalo niya ng acting award, lalo raw gagalingan ni Kim Rodriguez ang kanyang trabaho. Sabi niya, “Kahit sino siguro ay gustong maging magaling. Hindi naman ako yung tipong makikipagsiklaban sa iba, wala naman akong iniisip na ganyan.”


Sinamantala ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na kumustahin ang lead star ng Kakambal Ni Eliana na si Kim Rodriguez habang naghihintay siyang kunan sa taping ng pinagbibidahang afternoon soap ng GMA-7.

Ayon sa 18-year-old Kapuso actress, “Ay, okay naman kami, okay naman kami lahat sa set—isang pamilya.

“Pag may taping, excited kami lahat pumasok at aga-aga naming dumating lagi.

“Yung una, nagkakailangan kami, kasi first time ko lahat sila makatrabaho.

“Pero si Kristoffer Martin [her leading man], nakatrabaho ko na siya before, kaya kumportable na ako sa kanya.

“Pero mas kumportable ako sa kanya ngayon.”



FORMER CO-STAR. Nagkasama na ang dalawa sa youth-oriented show na Tween Hearts sa GMA-7.

Dagdag pa ni Kim, “Si Kristoffer kasi, mas naging close kami ngayon.

“Kahit halimbawa, galing kami noong isang araw at magte-taping uli kami kinabukasan, kapag nagkita kami, ‘Hoy, kumusta ka?’ Ganoon kami.

“Tapos, bibung- bibo pa ‘yan at energetic.

“Dati, hindi kami naghahampasan, pero ngayon ay naghahampasan na kami. Pero biro lang.

“Kahit sina Enzo [Pineda], masaya kaming magkakasama.”

Sa isang panayam kay Kristoffer ay inamin nito na hindi malayo ang posibilidad na magka-crush ito kay Kim.

Reaksiyon ni Kim dito, “Ayaw kong isipin, kasi nirerespeto ko naman sila ni Joyce [Ching, girlfriend ni Kristoffer].

“At saka, parehas ko silang kaibigan, e.

“Kung may problema sila, sasabihin lang niya sa akin na nag-away sila.

“Pero hindi... kasi si Kristoffer na kapag may problema ay sasabihin niya lahat-lahat?

"Tahimik lang siya, pero minsan ay nag-o-open up din.”



ACTING AWARDS. Meron nang acting award si Kristoffer nang manalo itong Best Supporting Actor para sa pelikulang Oros sa Golden Screen Awards noong April.

Ano ang masasabi ni Kim na isa nang "award-winning actor" ang kapareha niya?

Sagot niya, “Sobrang tuwa ko talaga noong manalo siya.

“Ka-text ko nga siya noon. Sabi niya, ‘Uy, nanalo ako!’ Sabi ko naman, ‘Congrats!’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sobrang proud ako sa kanya. Kinakantiyawan ko nga, dapat mas lalo pa niyang galingan.

“Hindi naman siya nagbago kung sa ugali after manalo siya.

“Yung iba kasi ay, di ba, parang nag-iiba na?

“Siya hindi, e, ganoon pa rin. Pero, mas lalo niyang ginalingan.”

Si Kim ay nanalo namang New Movie Actress of the Year sa 29th PMPC Star Awards for Movies para sa pagganap niya sa pelikulang Mga Mumunting Lihim.

Sabi niya, “Sa akin kasi, gusto ko ay magtuluy-tuloy na, mas lalo ko pinagbubutihan.

“Kailangang mag-i-improve ka, di ba, kapag nare-recognize ka?

“Kung may nang-intriga man sa pagkapanalo ko noon, siguro hindi ko na lang papansinin.

“Nakaka-stress lang yun. Kailangan kasi ay good vibes ako lagi.

“Pero so far, wala naman akong naririnig.”



LOLA’S INFLUENCE. Sobrang positibo ang outlook ni Kim sa buhay at ito ay dahil na rin sa kanyang lola na siyang nagpalaki sa kanya.

Kuwento ng young actress, “Yun kasi ang laging sinasabi sa akin ng lola ko, lalo na nang maging independent na ako.

“Siguro, dahil marami rin akong napagdaanan kaysa sa ibang artista.

“Yun ang parang maipagmamalaki ko, kasi thirteen years old pa lang ako ay nagtatrabaho na ako.

“Kaya kahit ngayong wala na siya, lagi ko pa ring naaalala ang mga payo niya.”

Kasama raw sa pangarap sa kanya ng lola niya ang maging isang artista.

Sabi ni Kim, “Kaming dalawa talaga. Lahat ng lakad ko, kasama ko siya noon.

“Pero noong naka-wheelchair na siya, hindi ko na siya nakakasama sa audition-audition.

“Nagsimula rin ako sa pagiging talent, palakad-lakad sa tapings.

“Tapos, napansin na ako, nabigyan na akong opportunity.”

Taong 2009 pa namayapa ang kanyang lola sa edad na 73.

Sinabi ni Kim na adjusted na siya sa takbo ng showbiz at maging sa schedules niya.

“A, oo. Kasi hindi lang naman po ang Kakambal ang ginagawa ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Meron ding events na minsan ay nagkakapatung-patong na ang schedules.

“Actually, yung nag-aayos niyan ay ang handler ko.

“Kumbaga, nire-relay na lang amin kung ano ang gagawin o pupuntahan namin.”

THE FACE. Isa sa ipinagmamalaki ni Kim ay ang mukha niyang puwede sa iba’t ibang papel.

“Sabi nga nila, yun daw ang advantage ng mukha ko—puwede mo akong pabatain, pero puwede rin gawing mature.

“Pero yung age ko ay parang nagdadalaga na, going matured na talaga.

“Sabi nga nila, parang going to awkward stage na ako.

“Buti naman at meron pa ring roles na nababagay sa akin."

Dugtong pa ng 18-year-old actress, “Tungkol naman sa acting ko, so far, so good naman po.

“Kasi, kapag nagtatanong ako sa mga ka-work ko, yung sa production, sabi nila ay okay naman.

“Kahit sino siguro ay gustong maging magaling.

“Hindi naman ako yung tipong makikipagsiklaban sa iba, wala naman akong iniisip na ganyan.”

Ano naman sa tingin niya ang advantage niya sa ibang baguhang artista?

Sagot ni Kim, “Ako kasi, hindi naman ako yung tipong ikinukumpara ko sarili ko sa iba.

“Basta kung ano ang trabahong ibinibigay sa akin, ginagawa ko lang kung ano ang dapat kong gawin.

“Siguro kahit sino naman, bago man o hindi, gustong mag-excel.

“Kasi nga, hindi lahat ay nabibigyan ng chance na magkaroon ng projects.

“Kaya sabi ko nga, noong nagsisimula ako, laging sinasabi ng lola ko na laging kasama ko, lagi lang daw akong mag-pray.

“Tapos, yung lagi ko lang alagaan ang sarili ko.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN