Jean Garcia slows down in accepting villain roles

Pumirma muli ng two-year guaranteed contract bilang Kapuso ang aktres na si Jean Garcia. Sabi niya, "Ang ganda ng pag-alaga nila sa akin dito sa GMA-7 at wala akong reklamo. Nasabi ko naman before, walang magiging problema sa akin kung papirmahin nila ako ulit dahil sobra akong satisfied sa mga ibinibigay nilang trabaho sa akin. Ngayon, certified Kapuso na naman tayo kaya tuluy-tuloy lang ang pagtrabaho natin.”


Masayang ibinalita ni Jean Garcia na nag-renew siya ng kanyang kontrata sa GMA-7 noong nakaraang linggo. Ibig sabihin nito ay tuluy-tuloy na mapapanood si Jean sa Kapuso network.

Nagtapos noong June ang pinirmahang two-year guaranteed contract ni Jean noong 2011. Pero bago pa ito mag-expire ay inalok ulit siya ng panibagong guaranteed contract na ikinatuwa naman ng award-winning actress.

Sabi ni Jean sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Sino ba naman ang hindi matutuwa, di ba?

"Ang ganda ng pag-alaga nila sa akin dito sa GMA-7 at wala akong reklamo.

“Nasabi ko naman before, walang magiging problema sa akin kung papirmahin nila ako ulit dahil sobra akong satisfied sa mga ibinibigay nilang trabaho sa akin.

“Ngayon, certified Kapuso na naman tayo kaya tuluy-tuloy lang ang pagtrabaho natin.”

Nakausap ng PEP si Jean sa taping ng GMA News TV program na Personalan last June 27 sa GMA Network Center.

KAKAMBAL NI ELIANA. Kasalukuyang napapanood si Jean sa toprating afternoon drama series ng GMA-7 na Kakambal Ni Eliana bilang si Isabel, ina ng bidang si Kim Rodriguez.

Isa sa inaabangan sa programa ay ang confrontation scenes nina Jean at Sherilyn Reyes, na gumaganap naman bilang si Nora.

Sabi ni Jean, “Laging high blood sa akin si Nora dito. Hindi lang dahil sa rivals kami sa business kundi pati na sa iisang lalake na si Eman [played by Jomari Yllana].

“Ngayon kasi, mabait na roles na tinatanggap ko. Gusto kong bigyan nila ng chance ang iba na subukan ang mga ginagawa ko noon.

“Like si Sherilyn nga, mahusay siyang kontrabida. As in maiinis ka sa kanya talaga.

“Todo-bigay kasi si Sherilyn at lahat ng parte ng mukha at katawan niya umaarte.

“Kaya sa mga confrontations namin, nagbibigayan kami. Since dapat ako ang underdog, I give way sa ginagawa ni Sherilyn.

“Kapag eksena niya, ibinibigay ko sa kanya iyon. Kapag eksena ko naman, ibinibigay na iyon ni Sherilyn sa akin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kaya maganda ang rapport naming dalawa. Walang nagsasapawan, walang agawan ng eksena.”

PERSONALAN. Bukod sa Kakambal Ni Eliana, abala rin si Jean sa reality tabloid talk show na Personalan.

Inamin ni Jean na enjoy na enjoy siyang gawin ang Personalan dahil nabigyan siya ng pagkakataon na maging isang talk show host, isang dream na matagal na niyang gustong gawin.

Saad niya, “Noong pumasok naman ako sa showbiz, ang maging isang TV host ang unang gusto kong gawin.

"Pero siyempre, nauna ang pag-aartista natin.

“Nabigyan naman ako ng chance na maging TV host ni Kuya Germs [German Moreno]. Inilagay niya ako sa GMA Supershow tapos nakapag-Student Canteen pa ako.

“Ang luma na, di ba?” sabay tawa niya.

Patuloy ni Jean, “Pero doon sa mga shows na iyon na-hone ang skills ko sa pagiging isang TV host.

“Since nabigyan na ako ng opportunity, talagang pinaghusayan ko na. Ilang years ko rin ginawa iyon hanggang sa nag-focus ulit tayo sa pag-arte.

“Then noong 2012 nga, nabigyan ulit tayo ng chance na maging TV host via Personalan with Jolina Magdangal.

“Dito naman, mas malawak na ang experiences ko kaya nakaka-relate naman ako sa mga problema na pilit naming i-resolve sa show.”

Importante nga raw ang maging good listener ang isang talk show host.

“One pointer nga na natutunan ko in being an effective talk show host, importante ay yung nakikinig ka at iniintindi mo ang sinasabi ng kausap mo.

“Hindi pala tama yung daldal ka lang nang daldal, chika ka lang nang chika. Pero hindi mo naman napakinggan ang gustong sabihin ng kausap mo.

“Dito sa Personalan kasi, ang main focus namin ay ang mga guest namin na may mga kakaibang domestic problems, may mga nakakatawang situations.

"Pero yun ‘yon, e. Nangyayari talaga.

“Sometimes, akala mo na sa pelikula lang or sa isang TV drama mo napapanood ang mga gano’ng pangyayari. Pero in real life, nangyayari pala talaga iyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kaya ako, nakikinig talaga ako nang mabuti sa kuwento ng guests namin at inaalam ko ang pakiramdam niya sa pagkakataong iyon.

“It helps them a lot kasi alam nilang hindi lang sila nakaupo doon kundi napapakinggan ang mga gusto nilang sabihin.”

Nami-miss nga ni Jean ang nawala ngang public service show nila ni Manny Pacquaio na Para Sa ‘Yo Ang Laban Na Ito.

Sa naturang show raw nabukas ang mata ni Jean sa mas maraming problema ng tao, hindi lang sa loob ng kanilang pamamahay kundi pati sa paligid nila.

“When I did that show with Kuya Manny, doon ako nagsimula na hindi na muna tumanggap ng kontrabida roles.

“Gusto ko na yung mga nakakapanood sa akin sa show with Kuya Manny ay hindi ako napapanood bilang kontrabida.

“Conflicting nga naman, di ba? Kahit na sabihin pa nila na role lang iyon, still, I want them to see me sa ibang image naman.

“Yung show kasi with Kuya Manny, marami kaming natulungan. Hindi lang financially kundi spiritually as well.

“Yung makarinig lang sila ng words of encouragement mula sa amin, napapangiti na namin sila. Gumaganda na ang pananaw nila sa buhay.

“Sabi nga nila, food for the soul ang bigay namin sa show.

“Sana nga maibalik ulit ang gano’ng show dahil masaya kaming nakakatulong sa maraming tao, hindi lang sa mga basic na pangangailangan nila kundi pati na sa ikabubuti pa ng buhay nila spiritually.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN