Sam Concepcion on Jasmine Curtis Smith: “She’s very, very special to me.”

“We’re not trying to keep anything private naman, e. What they see, that’s it,” says Sam Concepcion, who is seen going out with Jasmine Curtis Smith several times.


Tikom ang bibig ng young actress na si Jasmine Curtis Smith sa tuwing natatanong tungkol sa estado ng relasyon nila ng young singer-actor na si Sam Concepcion.

Ilang beses ding sinabi ni Jasmine sa mga nakaraang panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na mas mabuti kung si Sam na lang mismo ang tanungin tungkol dito.

(Read: Jasmine Curtis refuses to divulge real score with Sam Concepcion)

Kaya naman nang makapanayam ng PEP si Sam sa launch ng bagong training program ng Gold’s Gym na Rip: 60 kahapon ng tanghali, July 1, tinanong namin kung ano na ang relasyon nila ng nakababatang kapatid ni Anne Curtis.

Napangiti ang binata at tulad ni Jasmine, hindi niya rin ito direktang nasagot.

Sa halip, sinabi ni Sam, “We’re doing really well. She’s very, very special to me.

“I’m glad to be able to spend time with her. You know, despite our busy schedule, we still find time to see each other.

“Masaya ako and inspired.”

Natuwa naman si Sam nang mabanggit namin na maganda ang paglalarawan sa kanya ni Anne bilang isang malapit na kaibigan ni Jasmine.

(Read: Anne Curtis on settling down with Erwan Heussaff: “The ball isn’t in my court.)

Ani Sam, “Well, I guess that’s a good thing.

“Siyempre, family niya ‘yon.

“Hindi lang naman siya yung kailangan kong i-please o ligawan kumbaga.

“Siyempre, natutuwa ako for her family to like me.”

Nang tanungin kung nalagpasan na ba niya ang stage ng ligawan, biglang napaisip ang Kapamilya singer-actor.

“Hindi ko alam kung ano, e. Ano ba yung ligaw?

“I just make sure I’m there for her. Kapag may kailangan siya, I’m there,” sagot ni Sam.

Dagdag pa niya, “We’ve known each other for a while na. Medyo matagal na kaming nagha-hangout.”

Bagamat tila hirap si Sam na magbigay na tiyak na sagot tungkol sa estado ng relasyon nila ni Jasmine, sinabi naman niya na wala silang itinatago.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“We’re not trying to keep anything private naman, e. What they see, that’s it.

“Siguro it’s inevitable na you’ll see us in public.

“Siguro naman, makikita n’yo kami diyan-diyan.”



PROUD SPECIAL FRIEND. Samantala, todo-suporta naman ang binata sa mga magagandang nangyayari sa showbiz career ngayon ni Jasmine.

Bukod sa bagong teleserye ng TV5 na Undercover, magiging tampok din si Jasmine dalawang indie films na Transit (Cinemalaya) at Puti (CineFilipino).

Sabi ni Sam, “Actually, I’m very excited to see yung mga movies.

“I’m really glad sa career niya kung saan siya papunta.

“I’m really excited to see her shine.

“I’m very proud of her, marami siyang naa-achieve.

“You know, she’s really working her way up sa career niya.

“And she’s doing a tremendous job at achieving it.”

Posible kaya na magkasama silang dalawa ni Jasmine sa isang proyekto kahit na magkaiba ang TV networks na kanilang kinabibilangan?

Sagot ni Sam, “Possible naman lahat mangyari.

“If the right project arrives, if it’s gonna be good for her career and gonna be good with mine, why not?”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN