Hayden Kho on breakup with Vicki Belo: “Kailangan naming mag-fast from each other just to heal and just to forget things.”

Hayden Kho says he and Dr. Vicki Belo are still okay even after their breakup. However, he admits, “We don’t talk as often as possible because it’s part of the our agreement. If we want to part ways, kailangan naming mag-fast from each other just to heal and just to forget things.”


Matagal nang on-and-off ang relasyon ng controversial celebrity couple na sina Hayden Kho Jr. at Dr. Vicki Belo, pero kamakailan ay tuluyan na itong tinuldukan ng kilalang cosmetic surgeon.

Sa eksklusibong panayam ng Startalk TX kay Dra. Belo noong Mayo, sinabi niya na pareho nilang napagdesisyunan ni Hayden na maging magkaibigan na lamang.

Aniya, “I think it’s time na rin... it’s time na rin for him to get married and have kids. I told him that.

“Ako naman, how can I? I can’t have kids anymore.

“So, it’s better na lang to stay as friends.”

(Read: Dr. Vicki Belo finally puts closure on relationship with Hayden Kho)

Pinatotohanan ni Hayden ang nasabi ng kanyang dating girlfriend.

“Matagal na ‘yon. Matagal na ‘yon,” ani Hayden nang sandali siyang makapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa launch ng bagong RIP:60 training ng Gold’s Gym sa branch nito sa Acropolis, Quezon City, kahapon, July 1.

Dagdag niya, “Matagal lang kasing di naniniwala yung mga tao kaya siguro once and for all, kailangan na rin niyang sabihin.”

Bagamat maayos ang naging paghihiwalay, inamin naman ni Hayden na hindi na sila masyadong nakapag-uusap ni Dra. Belo.

Sabi ng 33-year-old celebrity businessman, “We don’t talk as often as possible because it’s part of our agreement.

“If we want to part ways, kailangan naming mag-fast from each other just to heal and just to forget things.

“Eventually, hopefully, we can be friends.”



REMAINS SINGLE. Pagkatapos ng relasyon niya kay Dr. Belo, na nagsimula noong 2005, sa tingin ni Hayden ay matatagalan bago ito masundan.

Sabi niya, “I think it is a choice.

“I don’t think it’ll be fair for me to be dating when I just came from a relationship.

“May risk na rebound yung relationship or hindi pa ako naghi-heal or hindi pa nakaka-get over totally to be with another relationship.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I guess it’s just healthy for me and for my partner in the future, and also for Vicki, na to stay away muna from dating.”

Pero hindi itinanggi ni Hayden na paminsan-minsan ay may nami-meet siyang mga tao.

“I meet people. I meet friends. But to formally say that I’m dating, no,” paglilinaw niya.

At kahit wala na siyang karelasyon ngayon, sinabi ni Hayden na, “Life goes on. Kung ano yung ginagawa ko dati, ‘yon pa rin ang ginagawa ko.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN