Phillip Salvador wants son with Kris Aquino and son with wife Emma Ledesma to meet

Phillip Salvador on former girlfriend Kris Aquino: “[S]he deserves to be happy. Mabait siyang ina, maraming tinutulungan, maraming nagmamahal sa kanya.”


Godfather ng mga sindikato ang karakter na ginagampanan ni Phillip Salvador sa bagong action series ng TV5, ang Undercover.

Siya ang kontrabida ni Derek Ramsay sa ikalawang teleserye ng huli sa Kapatid network.

Paglalarawan niya sa kanyang role, “I’m playing Amang, godfather ng sindikato.

“Challenging ang role ko rito, maraming mga twists, so aaralin mo talaga.

“Magkalaban kami ni Derek dito.

“Ang kagandahan nito, ang twists nga ng istorya, maraming action.

“Pero hindi mawawala siyempre ang drama at hindi mawawala ang mga love scenes.”

May love scenes din siya rito?

“Ang dami! Mga 840!” natatawang biro ng veteran actor.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Phillip sa taping ng Undercover noong June 26 sa New Manila, Quezon City.

ACTING VS. DIRECTING. Ito raw ang unang pagkakataon na nagkasama sila ni Derek sa isang proyekto, at maging ng direktor nilang si Topel Lee.

Ikatlong proyekto naman ni Phillip ang Undercover sa TV5.

Masaya raw siya sa Kapatid network kaya bumabalik-balik siya kahit na nakakagawa rin siya sa ibang network.

Marami na ngayong mga kilala at mahuhusay na aktor na nagdidirek ng mga teleserye sa telebisyon. Ilan sa mga ito ay sina Ricky Davao at Gina Alajar, na mga kaibigan at naging direktor na rin ni Phillip.

Hindi ba niya naiisip na magdirek na rin ng teleserye?

Tugon niya, “Yes, if I will be given a chance, why not, you know?

“Pero siyempre, kapag tinanong ako ng mataas sa network, ’Would you like to?’ ’Pero, ano ang materyal?’

“Yun agad ang tatanungin ko, kung ano ang material.”

Kung sakali, ano ang mas gusto niyang idirek—action o drama?

“Gusto ko, drama muna,” sabi niya.

Magiging istriktong direktor kaya siya?

Tugon ni Phillip, “No naman, ang sa akin lang, if I see my children doing the job, meaning my actors, on time and they are focused, walang magiging problema.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“It’s because I don’t want the production to have a problem.

“Lahat kami, dapat hindi nagbibigay ng problema sa production.”

Sa ngayon, masasabi ba niyang nag-e-enjoy pa rin siya bilang isang aktor?

Tugon ni Phillip, “I’m always hungry for more.

“You know, kapag may dumating na project at na-excite ako, talagang kakarerin ko yun. Ganoon lang naman, e.

“Kapag alam ko na parang hindi ko gusto, sinasabi ko nang diretso para mabigyan ng chance ang ibang artista.”



INTIMIDATED. Nabanggit naman ni Derek, sa hiwalay na panayam, na sa mga artistang nakatrabaho niya ay bukod-tanging kay Phillip pa lang siya na-intimidate.

Ano ba ang ginawa ni Phillip para ma-intimidate si Derek sa kanya?

“Wala!” natawang sagot ni Phillip.

“Well, honestly, I always tell him naman na, ‘Do your thing, basta ako, adjust—mataas siya, bababa ako.

“Para, meaning, moment niya, ibibigay ko sa kanya ang moment niya. Hindi yung sasapawan mo ang eksena.

“You know, I don’t do that. It’s being disrespectful kapag ganoon sa kapwa ko artista.”

Pero puring-puri rin naman ni Phillip si Derek.

Aniya, “He’s a good actor.

“At saka, mabait na tao ‘yang si Derek.

“Na-excite kami pareho kasi action-drama. Gusto niyang mag-action talaga.”



PROUD FATHER. Naitanong din ng PEP kay Phillip ang anak niya kay Kris Aquino na si Joshua.

Aware daw ang aktor na malaki na ang ipinayat ng anak.

Masaya niyang sabi, “He runs, he swims, so gusto ninyong makakita ng mini-me?”

Ipinakita rin ni Phillip ang larawan naman ng anak nila ng asawang si Emma Ledesma na si Phillip Jr. o Pics.

Mahigit dalawang taon na raw si Pics.

Yun nga lang, hindi pa raw nagkakaroon ng pagkakataon na magkita sina Josh at Pics.

“Pero siyempre, Diyos lang ang puwedeng makagawa noon.

“Kapag Diyos ang kumilos, mangyayari ang lahat.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero right now, we’re happy.

"I’m very happy with my wife. I’m very happy with Josh.

“So, wala na akong hahanapin pa.

“Ang ano ko lang, sana dumating din ang araw na magkita-kita silang magkakapatid.”

Biro pa niya, “Kasi ano siya, 286 silang magkakapatid.”

Pero dugtong din niya, “One hundred two kaming magkakapatid, forty-nine mothers ‘yan.”



LARGE CLAN. Ang ama ni Phillip ay ang namayapa nang athlete at stage producer na si Lou Salvador.

Ilan sa mga kapatid ni Phillip na sumabak din sa showbiz ay sina Alona Alegre, Leroy Salvador, Lou Salvador, Jr., Jobelle Salvador, Ross Rival, at Deborah Sun. Pamangkin naman nila ang Kapamilya actress na si Maja Salvador.

Kung ganoon, hindi pala si Ramon Revilla Sr., ama ni Bong Revilla, ang may pinakamaraming anak na taga-showbiz?

Sabi ni Phillip, “Marami rin siya, pero noong mamatay ang father namin, doon pa lang, puno na ang National [Funeral Homes].

“Our brothers and sisters from Europe, from the States, all over... Germany, Spain... nagpuntahan, umuwi rito.

“Nagpapakilala sila na, ’I’m your brother, I’m your sister.’”

Pero masaya ba siya na maraming Salvador sa showbiz?

“Oo naman,” nakangiting sagot ni Phillip.

“Alam ninyo kasi, ang showbiz, masaya, malungkot.

"Pero yung lungkot, dapat kalimutan natin, kasi the show must go on.

“What do we do? We entertain. In our performances, they can see hope.

“Maganda yun para sa atin.

“Maging maganda kang ehemplo sa kanila, para matulungan mo sila sa totoong buhay nila.”

PRAYING FOR KRIS. Nabanggit ni Phillip na masaya siya ngayon sa piling ng kanyang asawa na si Emma Ledesma.

Gusto rin ba niyang maging masaya na ang dati niyang nakarelasyon na si Kris Aquino sa lalaking mamahalin nito habambuhay?

“Oo naman, yes, she deserves to be happy,” mabilis niyang sagot.

Dugtong pa niya, “Mabait siyang ina, maraming tinutulungan, maraming nagmamahal sa kanya.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nalulungkot ba siya kapag nakakarinig o nakakabalita siya ng mga isyu tungkol kay Karis at dating mister nito na si James Yap.

Sabi ni Phillip, “Nasa-sad ako. If there’s something like that, ako, I believe in prayers, e.”

Ipinagdarasal niya si Kris?

“Always, always… lahat sila.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN