Enrique Gil surprised by “The Next Ultimate Leading Man” title given by ABS-CBN

Enrique Gil on Muling Buksan Ang Puso co-star Enchong Dee: “May tinginan kami ni Enchong na parang alam na namin ang ibig sabihin. May something kami ni Enchong na kami lang ang nakakaintindi."


Malaking pressure para kay Enrique Gil ang bagong titulong ibinigay sa kanya ng ABS-CBN at Dreamscape Entertainment Television bilang “The Next Ultimate Leading Man.”

Kaya naman tungkol dito ang agad naming inusisa kay Enrique nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa taping sa San Juan, Batangas ng bagong Kapamilya primetime teleseryeng Muling Buksan Ang Puso, na pinagbibidahan niya kasama sina Julia Montes at Enchong Dee.

Hindi raw ine-expect ni Enrique ang titulong “The Next Ultimate Leading Man.”

Sabi ng Kapamilya star, “Nagulat nga ako, e.

“Siyempre parang make or break ito, e, kung anuman ang mangyayari sa show [Muling Buksan Ang Puso].

“So, ako, ang gagawin ko lang is to always do my best.

“Sobrang saya ko lang na after Princess And I, ito na yung pinakamalaking show na nagawa ko.

“Parang eto na yung susunod tapos nag-level up pa.

“Kaya ulit natin ito. Feeling ko, kaya naman. I’m confident.”



WORKING WITH JULIA AND ENCHONG. Kung dati’y magbabarkada lang ang roles nina Enrique, Enchong, at Julia sa mga proyektong nagawa na nilang tatlo, dito sa Muling Buksan Ang Puso ay magka-love triangle sila.

Ayon kay Enrique, “Sanay na naman ako sa love triangle since galing ako sa Princess And I.

“Pero yun lang, kailangan lang nandun yung chemistry sa inyong tatlo para mag-work yung love triangle.

“Sana lang makasama namin yung tao doon sa love triangle namin na maapektuhan sila, na maka-relate sila.

“Yun ang gusto namin, yun ang goal namin nina Julia at Enchong.

“Kanina nagba-bonding kami sa van, nag-uusap kami.”

Ano ba ang masasabi niyang best kina Julia at Enchong?

“Si Julia, kumpara sa ibang babae, hindi siya yung tipong iisipin mo, ‘Ano kaya ang gugustuhing sorpresa nito?’

“Parang siya, kahit anong ibigay mo, maa-appreciate niya. Hindi siya maarte.

“Para siyang lalaki in a way, kumbaga one of the boys. Mas gusto ko iyon, e, relax lang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Si Enchong, ang masasabi ko sa Reunion [movie nila sa Star Cinema] pa lang, sa lahat ng kalokohan, si Enchong ang partner ko.

“May tinginan kami ni Enchong na parang alam na namin ang ibig sabihin. May something kami ni Enchong na kami lang ang nakakaintindi.

“Kasi mula sa Gigger Boys, nag-Shoutout, sa ASAP, then nung nag-The Strangers pa kaming tatlo, then The Reunion, marami na kaming pinagsamahan kumbaga.”

REAL-LIFE LOVE TRIANGLE? Hindi ba nailang si Enrique noong ialok sa kanya na magiging ka-love triangle siya nina Julia at Enchong, lalo na nga’t nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan ang dalawa matapos mag-break noon?

Sagot ni Enrique, “Siyempre noong una, nailang ako.

“Siyempre naisip ko baka maapektuhan ang trabaho dahil baka magkaroon ng ilangan sa set.

“E, wala naman kasi nag-usap na nga sila, nagkaayos na, so okay na rin ako.

“Alam ko naman mga professional sila, mabuti rin na nagkausap na sila.”

Aminado naman si Enrique na isa sa mga crush niya sa showbiz si Julia. Puwede naman daw mag-level up ang feelings na iyon kung mas makikilala niya pa ang young actress.

Para sa kanya ba ay girlfriend material si Julia?

Tugon ni Enrique, “Yeah, of course. Pero yun nga, sana mas makilala ko pa siya.”

So, puwede siyang ma-in love talaga kay Julia?

“Puwede, oo, siguro given more time nga.”

Hindi ba siya nagwo-worry na baka magkaroon sila ng conflict ni Enchong sakaling mauwi sa totohanan ang love triangle nila sa serye?

“If ever, siyempre pag-uusapan namin yun. Siyempre respeto rin, di ba?

“At saka magkaibigan kami, super close namin.

“Sa tingin ko, hindi magiging problema sa amin yun.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN