Roxanne Barcelo revives singing career; changes screen name to "Roxee B"

Hindi akalain at sobra raw nagulat si Roxee B nang mapabilang siya sa listahan ng FHM 100 Sexiest Women ngayong taon. Sabi niya: "Sobrang shock, parang earthquake—yanig, shock."


Mula sa kanyang sweet at pagiging "ate" sa isang kiddie show ay nag-shift na si Roxanne Barcelo ng image.

Magpapa-sexy na siya ngayon at babalikan na rin niya ang pagkanta.

At kasabay nito ay ang pagbabago ng kanyang screen name. Mula sa Roxanne Barcelo ay makikilala na siya ngayon bilang "Roxee B."

Kasama si Roxee B sa 100 Sexiest Women in the World ng FHM Philippines this year, kung saan nasa No. 66 siya.

Sa presscon para sa victory party ng FHM na gaganapin sa July 10, biniro ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Roxee na parang ngayon pa lang siya nagdadalaga.

“Oo nga, late bloomer talaga!” pagsang-ayon naman niya.

“Siyempre, nagdaan ako sa children’s show, so it took a while bago ko na-realize kung ano ba talaga ang gusto ko.

“Akala ko, willing na akong mag-settle down.

“Yun pala, sa dami ko rin na nakausap na mga kaibigan, mga kamag-anak ko, lahat sinasabi, lahat ng friends ko, sinasabi na, ‘It’s time to focus on yourself. Ano ba talaga ang gusto mo?’”



CONFIDANTE. Ang kaibigan at FHM Sexiest Woman this year na si Marian Rivera ang isa raw sa hiningan ni Roxee ng payo at nagbukas ng isipan niya.

Saad ng singer-actress, “Sabi ni Yan [Marian], ‘Ano ba talaga ang gusto mo?’

“Hindi ko talaga masagot, tapos sabi niya, ‘Sige, bibigyan kita ng two weeks.’

“After two weeks, noong April, binalikan ko siya.

“Sabi ko, ‘Alam mo, Charlie, naluluha ako… kasi, ano ba talaga ang totoong gusto ko? Kumanta, magsulat ng kanta...’

“Hindi ba, pumasok tayo sa showbiz as Metropop Star Search, singer ako? Tapos, hanggang sa acting...

"Thankful naman ako sa lahat ng mga pagkakataon na ibinigay sa akin ng GMA, pati ng Pinoy Big Brother.

“Tapos, balik ako ng GMA.

“Parang lahat ng pagkakataon, thankful naman ako at grateful na pinahaba nila ang career ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi, in fairness naman, walang taon na wala akong work. Palaging every year, meron akong bagong project.

“So, may nagtitiwala pa rin.

“Natutuwa naman ako na may reason to stay in the business.

“Tapos, sabi ko, okay, enough na. It’s time na kung ano ang gusto ko talaga.”



TRAUMATIC. Kung tutuusin, hindi na bago kay Roxee ang pagiging singer dahil nakapag-launch na siya ng album noon.

Pero traumatic daw kasi ang nangyari sa kanya na may kaugnayan sa pagpanaw ng record producer na si Bella Tan.

Kuwento ni Roxee, “Noong libing niya, nasabi ko, parang hindi ko na yata kayang kumanta.

“At saka noong time na yun, siya ang naniniwala sa kakayahan ko na puwede akong maging singer.

“So, noong mamatay siya, ang feeling ko, parang sumama ang pangarap ko sa kanya, sa totoo lang.

“Parang ang tagal ko bago kumanta ulit.

“Nag-Christian ako, and then, doon, I started being singer in Church.

“Parang sila Beyonce, they started as gospel singer.

“So, parang ganoon din, nagsimula ako na ganoon.

“So, sabi ko, ‘Sige, gusto ko ulit kumanta.’ Nagsusulat ako, pero hindi ko inilalabas."

Dugtong pa niya, “She’s like my second mom.”



MUSIC VENTURE. Pero ngayon, mukhang nabuhay muli ang interes niya sa pagkanta.

Naging maganda nga ang pagtanggap ng mga tao sa kanta niyang “Wow.”

Ayon kay Roxee, “Oo, it’s time na kung ano talaga ang gusto kong sabihin sa mga tao, yun din ang sinabi ko sa Q-York.”

Ang Q-York ang ka-collaboration ni Roxee sa kantang “Wow” na ang ibig sabihin daw ay "Women of the World.”

“Sabi rin ng manager ko, si Jerome Smooth, sabi niya, ‘I’ll give you a suggestion, ang title, ’Wow.’ Kapag binaligtad mo, Wow pa rin.’

“’What does it mean to you?’ Pagkasabi niya ng ’wow,’ naisip ko, women of the world.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Tapos, sabi niya, ‘Okay, magsulat ka ng lyrics, then come back to us.’”

Ang kanta raw niya ay nasa No. 13 na sa MYX.

Hindi naman nakalimutang banggitin at pasalamatan ni Roxee ang mga tagahanga ni Marian.

Aniya, “Malaking bahagi rin sila sa pagboto sa MYX, pati ng fans ng Q-York.

“Kumbaga, kahit wala akong sariling fans, natutuwa ako na may sumusuporta rin sa song.”

Nasa YouTube at MYX pa lang daw ang kanta at tine-test pa nila kung paano ang magiging pagtanggap nito.

Sabi pa ni Roxee, “Three months ago, iniisip ko lang, ‘Women of the World.’"

At sa victory thanksgiving ng FHM sa July 10, magpe-perform si Roxee.

“Fast forward—hindi ko akalain na ito na ang theme ng FHM.”



SEXY PICTORIAL. Ano ang reaksiyon ni Roxee na kasama siya sa listahan ng FHM Sexiest Women ngayong taon?

Sabi niya, “Never, e… kaya sobrang shock, parang earthquake—yanig, shock.

"Hindi talaga ako sanay, parang ate-ate lang.

“Nagulat din ako, dahil sa kanta ko, naging theme siya, naging cover pa ako ng FHM.

“Parang ‘eto, cover ako ng FHM 100 Sexiest, e, ang itim-itim ko, sobrang kayumanggi ng kulay ko.”

May naging preparasyon ba siya sa naging pictorial niya?

“Workout lang,” sabi ni Roxee.

“Pero sa kulay, hindi naman magbabago, kasi Pinay na Pinay naman talaga ang kulay ko.

“Parang I represent the Filipinas out there na, hindi naman lahat tayo ipinanganak na flawless, di ba?”

Kasabay sa realization niya na gusto niyang kumanta at magsulat ng kanta ay ang mag-"come out" na rin.

“Yes,” sambit niya.

"Come out" na ano?

“On who I am—imperfect, pero accepted fully ang sarili.

“Mahal na mahal ko na ang sarili ko, inuuna ko muna ang sarili ko bago ang lahat.

“Kasi, paano ka magmamahal kung hindi mo mahal ang sarili mo?

"Alam ninyo, sa totoo lang, hindi naman siya mabigat na mabigat, pero yun talaga ang nangyari sa akin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Na, ‘Ano ba talaga, ’te? Anong paandar na gusto mo, ’te?’

“At yun ang sagot ko sa sarili ko—gusto kong maging popstar, yun naman talaga ang dream ko.

“Iniisip ko sa sarili ko, is it ‘Too Late Baby’ now?

“Pero, parang hindi, e. Parang gusto ko rin i-represent o i-encourage ang mga kababaihan o kahit mga kalalakihan n, at any point in your life, kahit anong pangarap mo, puwede pa rin.

“Yun ang gusto kong i-prove.”

Sa mga bagong ginagawa at ipinapakita niya ngayon, hanggang saan pa ang kaya niyang pagpapaseksi o pagpapaka-daring?

Sagot ni Roxee, “Siguro, I’ll be more open, more versatile. Kasi, sa Amaya, topless na tayo roon.”

MARIAN’S INFLUENCE. Gaano kalaki ang impluwensiya ni Marian sa kanya?

“Alam mo, malaki,” sagot ni Roxee.

“Dati, tameme ako, hindi ako lumalaban, tahimik lang ako.

“Kahit apihin ako, tapak-tapakan, lahat ng mga bagay na ganoong personality ko.

“Kahit sa PBB [Pinoy Big Brother], binabasag nila ang ganoong personality ko, pero ganoon talaga.

“Si Yan ang susi ng lahat, siya ang, ‘Te, laban naman tayo kahit konti. It’s time.

“’Kung ano ang worth mo, yun ang ilabas mo. Kasi, kung wala ka namang masamang ginagawa, e, bakit ka papaapi?

"’Kung nasa tama ka naman, bakit ka magpapaapak sa ibang tao? So ngayon, subukan mo lang, ’te.’

“Parang, more confident na ako sa sarili ko—kung ano ang dapat kong puntahan at sabihin talaga.

“In time, marami akong mga kakilalang... oo, masa-shock sila sa ginagawa ko.

“Pero ako mismo, gusto kong sabihin na happy ako.”



BREAKUP. Binalikan namin ang naging pahayag ni Roxee na akala niya ay magse-settle down na siya. Ano ang nangyari?

“Wala na,” nakangiti niyang sabi.

Nag-break na raw sila ng kanyang non-showbiz boyfriend pagkatapos ng apat na taon na relasyon.

Ang dahilan ba ng paghihiwalay nila ay ang mga realization na sinasabi niya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi ni Roxee, “Siyempre, every relationship, there are two sides.

“Sa side ko, yun, na-realize ko na ang dami ko pang gustong gawin.

“Siyempre, kapag marami kang na-realize, nag-iiba ka rin, nag-iiba ang iniisip mo, pakiramdam.

“So, lahat ‘yan, parang nagbago.”

Ano ang naging conflict nila?

“Ang naging conflict? Hindi na kami vibes, nag-iba ang vision niya, nag-iba ang vision ko.

"Hanggang sa timing talaga, e.”

Pasko ng 2012 daw ay hiwalay na sila at natatawang sabi na lang ni Roxee, “Pasko, lumuluha ako.”

Ayaw pang ipasulat ni Roxee, pero obvious na may nagpapatibok na muli ng puso niya ngayon.

Sabi niya, “Friendship muna, ako na muna.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN