LJ Reyes avoids questions about status of relationship with Paulo Avelino

While LJ Reyes does not want to go into details about the status of her relationship with partner Paolo Avelino, the actress is all-praises to the actor for being a “good dad.”


Rock chic ang getup ni LJ Reyes sa kanyang black leather outfit nang dumating siya sa GMA Artist Center Digital Media Launch kagabi, July 2, Martes, sa Aracama Restaurant sa Bonifacio Global City, Taguig.

Nang purihin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang magandang pangangatawan niya ngayon, sinabi ng Kapuso actress na pinagpaguran niya ito sa pamamagitan ng workout at healthy diet.

Kumusta naman kaya ang kanyang lovelife?

“Lovelife? Mamaya na ang lovelife!” sabay tawa ni LJ.

Nitong mga nakalipas na buwan ay naging usap-usapan ang diumano’y paghihiwalay nila ng kanyang partner at ama ng kanyang anak na si Paulo Avelino.

Pero ano nga ba ang status nila?

“Happy naman,” maiksing tugon ni LJ.

May katotohanan ba ang balitang nagkakalabuan na sila ni Paulo?

“Basta happy. Ha-ha-ha!” patuloy niyang pag-iwas.

Pagdidiin pa niya, “Basta happy ang lahat, yun ang importante.”

PAULO IS A GOOD DAD. Dahil ayaw magsalita ni LJ tungkol sa kalagayan ng relasyon nila ni Paulo, kinumusta na lang sa aktres kung nagagampanan ba ng Kapamilya actor ang kanyang tungkulin bilang ama ng kanilang anak na si Ethan Akio.

“He actually is a good dad. Wala naman akong masasabi do’n,” tugon ng StarStruck Season 2 alumna.

Nabibigyan ba ng oras ni Paulo ang kanilang anak?

“Yes, meron. He makes time,” pagkumpira ni LJ.

Sinabi rin ng aktres na naa-appreciate niya ang efforts na ito ni Paulo.

Sinabi ni LJ na magtatatlong taon na ngayong buwan si Ethan Akio.

Kung sakaling man daw na gusto nitong pasukin ang showbiz in the future ay magiging supportive si LJ sa kanya.

UPCOMING TELESERYE. Ang huling teleserye ni LJ sa GMA-7 ay ang Aso Ni San Roque pa, kaya masaya niyang ibinalita na mayroon na siya ulit gagawing teleserye.

Hindi pa raw sigurado si LJ kung puwede na siyang magdetalye tungkol dito, pero excited daw siya rito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Exciting siya ‘coz yung dalawang makakatrabaho ko, nakatrabaho ko na siya before.

"And then yung isa, super gusto ko siyang makatrabaho,” pagbabahagi niya.

Sa hiwalay na panayam ng PEP kay Kris Bernal, sinabi nitong makakasama nila ni Aljur Abrenica sa Prinsesa Ng Masa si LJ.

May ginagawa na ba siyang preparations para sa kanyang nalalapit na proyekto?

Sabi ni LJ, “We’re gonna do workshops.

“Hindi pa kasi kami nag-i-storycon pero once na malaman ko na yung full characters, from then on, yung preparations magtutuloy-tuloy na.”

Lately ay lumilikha ng ingay ang ilang teleserye ng GMA-7, kagaya ng umeere ngayong My Husband’s Lover at ganoon din ang now-defunct primetime teleserye na Temptation of Wife.

Dagdag-pressure ba ito kay LJ para maging hit ang kanyang nalalapit na teleserye?

Tugon niya, “Feeling pressure is good, it’s like feeling nervous.

"Siyempre kailangan kapag gagawa ka ng isang project, kailangan meron ka pa ring kaba; kailangan may pressure pa rin para gagalingan mo.

“You have to step up, di ba gano’n?

“Di naman puwedeng masyado kang kampante—yun ang delikado.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN