Enchong Dee on ex-girlfriend Julia Montes: “We’re personally okay with each other.”

Enchong Dee says he and former flame Julia Montes are better off as friends because, “Nae-enjoy na namin ngayon kung ano yung naayos namin. Kaya siguro huwag na nating balikan kung ano man yung dati. Kaya even the past, we don’t talk about it anymore.”


Aminado ang dating magkasintahan na sina Enchong Dee at Julia Montes na nagkaroon ng ilangan sa kanilang dalawa matapos ang hindi pagkakaunawaan.

Kaya naman pareho raw silang nagulat nang sabihan ng ABS-CBN management na makakasama nila ang isa’t isa sa susunod nilang proyekto—ang primetime series na Muling Buksan ang Puso.

Sa press conference ng programa noong July 2, sinabi ni Julia na noong malaman niyang magiging magkatrabaho sila ni Enchong, “Natatakot talaga ako kasi nandoon talaga kami sa point na ilangan talaga kami before.

“Ang iniisip ko, ano ang mangyayari sa amin kapag nagte-taping na.

“Ang hirap-hirap umarte na as if walang problema or as if okay na okay kayo, na kumbaga professionalism lang.

“Hindi totoo na professionalism lang ang gagawin ninyo, hindi totoo ‘yon.”

Ayon naman kay Enchong, “Sinimulan namin ito by requesting from the management na sana magkaroon kami ng bonding, magkaroon kami ng time para makapag-usap kami ni Julia.

“Even before the taping, even before the shoot, the management allowed us to have that time.”

Ayon din sa 24-year-old actor, hiniling nila ang pagkakataong magkaayos muna bago simulan ang teleserye dahil "personal masyado yung pinanggalingan [namin]."

Dagdag niya, “Ayaw kong masira yung isang ganito kagandang kuwento nang dahil lang sa aming dalawa.

“Kaya sinigurado ko muna na maayos sa amin ang lahat bago namin sinimulan.

“Kaya isa rin sa mga bagay, sabi ko, napakaliit na bagay para hindi ko tanggapin ang bagay na ito, napakaganda.”

Matapos magkaayos, sabi pa ni Enchong, “Sa maniwala po kayo o sa hindi, napakaganda na ngayon ng relasyon namin ni Julia.

“Nakakatuwa kasi after that, nailabas na namin lahat, nakapag-usap na kami, maganda na [ang relasyon].

“I assure everyone na we’re not just professionally okay, we’re personally okay with each other.”

Sang-ayon naman dito ang 18-year-old actress, “Naging way din ito, naging positive ang outcome ng Muling Buksan ang Puso for the both of us kasi naging okay kami.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



BETTER TO STAY FRIENDS. Ngayong maayos na muli ang relasyon nina Enchong at Julia, bilang magkaibigan, ayaw na muna nila isipin na muling hahantong ito sa mas espesyal na pagtitinginan.

Ani Enchong, “Naging maganda na kasi ang pagsasamahan namin ngayon.

“Ayaw ko nang maiba pa ang pagkakaibigan namin kasi we were able to fix that, na karaniwan sa mga dating nagkaroon ng linking ay hindi nagkakaroon ng magandang outcome.

“So, hanggang doon na lang po.

“Hayaan na lang po natin na hanggang doon na lang sa pagkakaibigan kasi ayaw na naming sayangin.

"Kasi nagkaayos na kami kaya hanggang doon na lang po.”

Ganito rin ang naging pananaw ni Julia.

Aniya, “Gaya ng sabi niya, okay po ang friendship namin ngayon.

“I can say na ang friendship relationship, hindi kasi nabi-break at hindi nasisira.

“So, mas okay po na mas patatagin po namin ang pagiging magkaibigan namin.”

Dagdag pa ni Enchong, mas makabubuti rin para sa kanilang dalawa na huwag nang balikan ang nakaraan.

Paliwanag niya, “Siguro kasi nae-enjoy na namin ngayon kung ano yung naayos namin.

“Kaya siguro huwag na nating balikan kung ano man yung dati.

“Kaya even the past, we don’t talk about it anymore.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN