Rocco Nacino hopes to work with Marian Rivera as leading lady: “Ay, naku, nasa bucket list ko po yun!”

Pagkatapos niyang gumanap na kontrabida sa pelikulang My Lady Boss, gusto raw ni Rocco Nacino na magkaroon ng ganitong klaseng roles. Sabi niya, “Iba kasi pag nasubukan mo lahat, para at the end, puwede mong sabihin na lahat ng role na gusto kong gawin, nagawa ko na.”


First time magkontrabida ni Rocco Nacino sa pelikulang My Lady Boss ng GMA Films at Regal Entertainment.

Sa pagganap niya rito, naging open tuloy si Rocco na gumawa pa ng ibang projects na hindi siya bida.

Ayon kay Rocco, nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), mas challenging pala ang kontrabida role dahil kailangang mag-exert ng effort para maging effective.

Saad niya, “Bale first time ko kasi nagkontrabida at dito pa yun sa My Lady Boss.

“At nag-enjoy ako nang husto sa role ko kasi iba talaga sa kalimitang ginagawa ko.

“Talagang salbaheng-salbaheng boss talaga ako doon, pero in a funny way—nakakatawa po yung pagka-salbahe ko.

“May nagbiro nga sa akin at sinabi na, ’Ang salbahe mo naman sa My Lady Boss!’

“Natawa na lang ako at sinabi ko na, ’Role lang po yun, pero in real life mabait ako.’”



AUDIENCE RESPONSE. Sa mga nakapanood na ng My Lady Boss noong premiere nito last Sunday, June 30, marami ang nag-react sa kakaiba at bagong role na ginampanan ni Rocco.

Reaksiyon niya dito, “Nakakatuwa kapag may mga ganoong makakapansin sa ginawa mo, kasi ibig sabihin effective yung acting mo kasi may na-touch ka.

“Kaya nga in every project na ibinibigay sa akin, lagi kong ibinibigay yung best ko.

“Para naman maganda yung maging outcome at mag-enjoy yung tao na makakapanood nito.

“Katulad nga dito sa My Lady Boss na naramdaman ng mga tao yung character ko, kaya happy ako doon, kasi pakiramdam ko nabigay ko yung best ko.”



KONTRABIDA ROLES. Pagkatapos ba ng My Lady Boss ay willing siyang gumawa ng TV project na kontrabida ang role niya?

“Probably yes," tugon ni Rocco.

"Pero siyempre, depende sa management, depende sa story, kung anong klaseng kontrabida ba ang gagampanan ko.

“Pero nasa plans ko rin yun na—although naa-appreciate ko na nala-lineup ako ng GMA-7 as bida roles—gusto ko ring maka-experience ng kontrabida role.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Para maiba naman at para versatile na kahit anong role puwedeng gampanan, para for the experience din.

“Iba kasi pag nasubukan mo lahat, para at the end, puwede mong sabihin na lahat ng role na gusto kong gawin, nagawa ko na.

“Tsaka minsan, it’s nice to experience something dark yung character na gagampanan mo, dahil malayung-malayo sa lagi mong ginagawa."

MARIAN AND RICHARD. Kumusta naman ang naging experience ni Rocco working with Marian Rivera and Richard Gutierrez sa My Lady Boss?

Kuwento ng StarStruck alumnus, “Ang maganda kasi kina Marian Rivera at Richard Guttierez, kapag hindi pa kami kinukunan, nakikipag-usap sila sa amin.

“Hindi sila yung tipong nagkukulong sa tent. Lumalabas sila para makasama kami, nagkukuwentuhan kami.

“Kaya nga nagugulat kami, kasi Marian Rivera na ‘yan at Richard Gutierrez.

“Pero sila pa yung pumupunta sa amin para makipagkuwentuhan.

“Si Richard Gutierrez, nakakatuwa siya, kasi kahit alam nating si Richard Gutierrez na ‘yan, pero pag nakausap namin siya, parang magbabarkada lang kami.

“Very easy to talk to pala si Richard, walang kaere-ere, napaka-humble, at mabait.

“First time ko siya makatrabaho, pero naging madali lahat sa akin kasi mabait siya at magaang katrabaho.

“Parehas pa kaming may business na boxing gym kaya yun ang napag- uusapan namin madalas, kaya mabilis yung pag-start ng pagkakaibigan namin.

“Maging si Marian, masarap ding katrabaho dahil mabait siya at kalog, tsaka ang ganda-ganda talaga ni Marian."



DREAM LEADING LADY. Gusto ba ni Rocco na maging leading lady si Marian balang-araw?

“Ay, naku, nasa bucket list ko po yun!" bulalas niya.

“Sino ba namang ayaw makatrabaho at maging leading lady si Marian?

“Lahat yata ng mga katulad kong nagsisimula, gustong makatrabaho man lamang siya.

“Bukod kasi sa maganda at mabait, magaling din siyang umarte.

“Sana mabigyan ako ng chance na makatrabaho siya as leading lady.

“Siguro may chance, kasi pareho naman kaming under ng GMA-7.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sana magkatotoo.”

Pero sa susunod na project ni Rocco, ang primetime series na Akin Pa Rin Ang Bukas, ay si Lovi Poe ulit ang makakapareha niya. Ang nasabing soap ay ididirek ng premyadong film director at aktres na si Laurice Guillen.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN