Carmina Villarroel reconnects with godson Daniel Padilla in Got To Believe

Umaasa si Carmina Villarroel na magkaroon sila ng bonding moment ng kanyang inaanak na si Daniel Padilla habang ginagawa nila ang ABS-CBN primetime series na Got To Believe, kung saan gumaganap silang mag-ina. Sabi ni Carmina, “I hope with this project, sana makabawi ako. Kasi hindi lang naman iyan yung pinansiyal, yung materyal, yung mga gifts. Kasi ganun naman ang ninang, e, parang ikaw yung tatayong second mom. Nanay din ako, e, so gusto ko kung ano yun


Ang pagkakaroon ng mas maraming acting projects sa telebisyon at pelikula bukod sa hosting jobs ang isa sa mga dahilan ni Carmina Villaroel kaya siya nagdesisyong bumalik sa ABS-CBN.

Natupad naman ito dahil nagkasunud-sunod ang mga teleseryeng ginawa niya gaya ng Lorenzo’s Time, May Isang Pangarap, at ang pinakabagong ginagawa niya ay ang Got To Believe, na mapapanood na sa ABS-CBN Primetime Bida ngayong Hulyo.

Reaksiyon ni Carmina dito, “Sobrang happy kasi ever since talaga na lumipat ako dito, parang lagi ko ngang sinasabi bumalik ako sa pinanggalingan ko, bumalik ako sa bahay ko.

“Not only sa trabaho, but pati sa people dito sa ABS-CBN, yung ramdam mong pamilya talaga.

“I really feel na parang bumalik ako sa pamilya ko.

“So, I’m very happy and thankful na simula noong lumipat ako dire-diretso yung mga teleseryeng ibinibigay sa akin.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Carmina sa grand presscon ng Got To Believe kagabi, Hulyo 2, sa Dolphy Theater sa loob ng ABS-CBN compound.

Masasabi niya ba na muling sumigla ang pagiging aktres niya sa ABS-CBN?

“Oo. Siguro nung when I transferred doon sa kabila (GMA-7) siguro mas nag-concentrate ako sa hosting.

“Tapos siguro, after how many years na talagang nag-host ako, parang na-miss ko… ‘Ay, na-miss ko yatang umarte.’

“Kaya nung pagbalik ko rito, ayun, lumabas na ulit ang pagiging aktres ko.”



WORKING WITH DANIEL & KATHRYN. Makakasama ni Carmina sa Got To Believe ang reigning “Teen King and Queen” na sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo.

Ginagampanan ni Carmina ang role ni Juliana, ang protective mom ni Joaquin (Daniel) sa istorya.

Aware naman daw siya na kasama niya sa serye ang isa sa hottest loveteams ngayon.

Ano ang feeling niya na katrabaho niya sina Daniel at Kathryn?

Sagot ng actress-TV host, “Siyempre, I’m happy kasi grabe yung nangyari sa Princess And I, di ba, na makikita mo talaga kung paano sila tangkilikin ng mga tao.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, I’m just very lucky na makakasama ko sila rito.

“Hindi lang yung makita kung paano sila as a loveteam pero kung paano sila… yung personal nila.

“Kung sino ba talaga si DJ [Daniel], kung sino ba talaga si Kathryn?

“I’m really looking forward na makilala talaga sila nang mabuti not because sila ay hot, not because sila yung super popular loveteam.

“Hindi, gusto kong makilala yung kumbaga yung different side of them.

“At saka tulad nung sinasabi nga nila, parang on- and off-cam, makikita mo talaga, there’s really chemistry, there’s really magic.

“Yung talagang pati ikaw mapapa-wow, mapapa-‘Hay!’

“There’s no pretensions, no put-ons, wala, e.”

Nagkaroon na rin daw ng pagkakataon na ma-interview nang mahaba ni Carmina sina Daniel at Kathryn para sa Showbiz Inside Report, at doon nga niya nakita ang magandang personalidad at ugali ng dalawa.

Saad niya, “Kaya nga doon sa few times na nag-usap kami, doon ko nakita na they’re very humble kahit na sabihin mong sobrang sikat na sila, grabe yung ano nila [following] everywhere they go.

“Nakita mo na they’re very grounded, very down-to-earth. Hindi yung feeling artista, wala akong na-feel na ganun.

“Kaya tama siguro yung ipinapayo sa kanila ng mga magulang nila na sana huwag ilagay yung fame sa kanilang ulo.

“Natutuwa naman ako kasi siyempre bata pa sila, e, puwedeng yung fame, umakyat agad sa ulo.

“Pero with them, they’re very grounded, napakamagalang, laging bumabati sa iyo.”



DANIEL’S NINANG. Gusto raw mapalapit ni Carmina sa dalawa, lalo na kay Daniel, na kailan lang siya na-remind na inaanak pala niya sa totoong buhay.

For a time ay naging pamangkin din niya ito noong asawa pa niya ang ex-husband na si Rustom Padilla, na ngayon ay mas kilala bilang si BB Gandanghari.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Actually, inaanak ko siya.

“Alam ko naman yun, kaso ang tagal na rin naming hindi nagkita ni Karla [Estrada, nanay ni Daniel].

“Alam ko kaso ang tagal na rin noon, mga teenager pa kami noon, you know.

“Matagal kaming hindi nagkita ni Karla kaya ang tagal ko ring… parang nawala sa utak ko na inaanak ko pala siya.

“Tapos nung one night, in-interview ko si DJ para sa Showbiz Inside Report, yun nga, si Karla, ‘Inaanak mo iyan.’

“‘Hindi nga? Joke ba ito o ano?’

“Noong kinausap ko po ang nanay nito… kaya pala mare ang tawagan namin sa isa’t isa, nakalimutan ko.

“So, okay naman, wala namang problema kung Padilla siya.”

Ano ang feeling niya na ang inaanak niya ay sikat na ngayon?

“Oo nga, e, nahihiya ako, ang dami ko na kasing utang sa kanya.

“Kaya sa tuwing nakikita ko siya, ‘My God, may utang pa akong mga regalo sa kanya.’

“Ilang birthdays yun at ilang Christmas, di ba?

“But since mas mayaman ka naman sa akin, hayaan mo na lang, ha,” sabi ni Carmina kay Daniel, na nakangiti lang.

Ayon kay Carmina, gusto niya rin daw bumawi kay Daniel bilang ninang nito. Sana nga raw ay magawa niya ito ngayong magkasama sila sa Got To Believe.

“I really hope na this will be the start.

“Kasi, like I said, ang tagal naming hindi nagkita ni Karla. Kumbaga, we had our separate ways, we had our separate lives.

“So, I hope with this project, sana makabawi ako.

“Kasi hindi lang naman iyan yung pinansiyal, yung materyal, yung mga gifts.

“Kasi ganun naman ang ninang, e, parang ikaw yung tatayong second mom.

“Nanay din ako, e, so gusto ko kung ano yung makabubuti sa kanya, not only kay DJ, pati rin kay Kathryn.

“Gusto ko yung bonded na kami. Gusto ko yung mapagsasabihan ko siya ng konti.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

So, posibleng mabigyan niya rin ang dalawa ng love advice dahil sa mga pinagdaanan niyang karanasan?

Sagot ni Carmina, “Well, kung hihingi naman sila ng payo, kung hihingi sila ng tulong sa akin, why not?

“But definitely not only sa lovelife, pagdating din sa trabaho, kasi ako I started young also.

“So, kung meron silang mga tanong about, you know, dito sa business natin or how to handle intrigue, basta nandito lang ako for them.”



JOKING ABOUT THE PAST. Hindi pa rin maiwasang matanong si Carmina tungkol sa kanyang nakaraan kay Rustom, lalo na sa tuwing may nakakatrabaho siyang Padilla gaya noong makasama niya sa Lorenzo’s Time si Rommel Padilla at ngayon nga si Daniel dito sa Got To Believe.

Ano ang nararamdaman niya na hanggang ngayon ay natatanong siya tungkol sa dati niyang pag-ibig?

“Oo nga, e. Siguro hindi na mawawala yun, especially now siyempre Padilla ulit ang kasama ko dito, di ba?

“Hindi na naman ako apektado.

“Siguro kanina, hindi na ganun ka-serious na para sagutin ko pa ng ano… parang katuwaan na lang yun.

“Siguro kasama na iyan talaga sa buhay ko!” natatawa na lang sabi ni Carmina.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN