Kathryn Bernardo says relationship with Daniel Padilla has not yet "levelled up"

Daniel Padilla on supposedly having a list of do’s and don’ts for Kathryn Bernardo: "Hindi nga ako mahilig magsulat, gagawa pa ako ng listahan? Binanggit ko na lang. Ganito kasi yun, kapag nagbabawal ako, hindi lang bawal nang bawal, may kapalit na dahilan."


Matapos ang tagumpay ng teleseryeng Princess And I at pelikulang Must Be... Love, muling magsasama sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla sa upcoming teleserye ng ABS-CBN na Got To Believe.

Kabilang din sa cast ng primetime show na ito sina Carmina Villarroel, Ian Veneracion, Manilyn Reynes, at Benjie Paras. Mula ito sa direksiyon ni Cathy Garcia-Molina.

Gaganap dito si Kathryn bilang si Chichay, isang simpleng dalaga na ipapanganak sa isang perya at magiging kaibigan si Joaquin (Daniel Padilla).

Hindi maitatangging ang KathNiel ang isa sa pinakamainit na loveteam sa kasalukuyang henerasyon kaya naman sunud-sunod ang projects nila.

Dahil dito ay hindi rin maiwasang paulit-ulit na tanungin ang estado ng relasyon ng dalawa.

Nang muling ipahayag ni Daniel na espesyal para sa kanya si Kathryn, reaksiyon ng 17-year-old actress, “Nakakatuwa lang kasi consistent naman po si DJ [palayaw ni Daniel].”

Sa mga nakaraang interview ay inamin ng dalawa na sila ay magka-MU o may mutual understanding na.

Ngunit nang tanungin kung “nag-level up” na ba ang relasyon nila, mariing pagtanggi ni Kathryn, “Hindi pa. Hindi pa po talaga.”



WORKING RELATIONSHIP. Sa ilang beses na nilang pakikipagtrabaho ay kilalang-kilala na marahil nina Kathryn at Daniel ang isa’t isa.

Nang kumustahin ang kanilang working relationship, pagbabahagi ni Kathryn, “Siguro ina-admire ko yung pagiging responsible po ni DJ.

“Hindi lang sa ’kin pero nararamdaman ko rin sa lahat po ng taong nakakatrabaho niya or kahit yung mga staff namin.

“Nakikita mo sa kanila na super-maalaga talaga siya sa kahit sino. Para siyang tatay, e.

“In a good way, kasi yung pagsasabihan ka niya, yung kung ano yung ginawa mo… kung maganda ba yun o hindi, yung sa suot mo.

“Yung sa lahat ng bagay na alam ko naman na ginagawa niya yun for me.

“So, bihirang lalaki lang naman talaga yung hindi mambobola... na totoong tao talaga si DJ.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So isa ’yan sa ina-admire ko sa kanya.”

Mayroon ba silang gustong baguhin o i-improve sa isa’t isa?

Tugon ni Kathryn, “Yung unang-una talaga, yung sa time po talaga. Inamin na naman niya.

“Kasi ayoko talagang naghihintay, ako yung taong ayoko naghihintay.

"Kaya tuwing nale-late siya, super… ayun, nag-aaway kami dahil dun.

“Pero ayun, nag-i-improve na siya ngayon.

"Hindi naman yung away na sigawan. Ako kasi, tahimik lang, tahimik lang.

“Ganun din siya, pag galit siya, parang tahimik lang kami.

"So mararamdaman or makikita na lang.”

Kung meron man daw nais baguhin si Daniel kay Kathryn, gusto raw nito na maging mas open-minded ang dalaga.

Tinanong ang dalawa kung totoo ba na may mga listahan si Daniel ng mga puwede at hindi puwedeng gawin ni Kathryn.

Sagot ng young actor, “Hindi nga ako mahilig magsulat, gagawa pa ako ng listahan?

“Binanggit ko na lang.

"Ganito kasi yun, kapag nagbabawal ako, hindi lang bawal nang bawal, may kapalit na dahilan.”

Sang-ayon naman si Kathryn dito.

Aniya, “Mari-realize mo na tama naman talaga siya, talagang may point talaga.

“Siguro yung ano lang, yung maging open-minded ako sa mga bagay. Kasi very ano ako, e…”

Patuloy ni Daniel, “Masyado siyang naku-caught sa moment parati. Hindi niya naiisip yung mga bagay na kailangang gawin niya.

“So, sinasabi ko sa kanya, ’Maging sensitive ka sa mga ganyan, sa mga aksyon.’”

Sang-ayon ba si Daniel sa sinabi ni Kathryn na para itong tatay sa kanya?

Sagot ng binata, “Oo naman. E, kung mas bata pa isip ko, ano nang mangyayari sa ’min?”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN