PEP EXCLUSIVE. Isabelle Daza on kissing photo with Georgina Wilson: “I knew it was going to be talked about.”

Hindi raw pinagsisisihan ni Isabelle Daza ang pag-post ng controversial kissing photo nila ng pinsang si Georgina Wilson sa microblogging site na Instagram noong June 27.


Hindi pinagsisisihan ni Isabelle Daza ang pag-post niya ng “kissing photo” nila ng pinsang si Georgina Wilson sa kanyang Instagram account noong June 27, Thursday, sa kabila ng pag-ani nito ng iba’t ibang reaksiyon mula sa netizens.

Naninindigan ang anak ni former Miss Universe Gloria Diaz na ang larawan ay may malalim na pakahulugan at ito ay ang pagsuporta sa gay rights.

(Read: Photo of Isabelle Daza’s take on equality for gay rights draws mixed reactions)

Matapang na pahayag pa ni Isabelle tungkol sa photo, “I’m so happy and I wouldn’t take it back. And I’m proud to be supportive of the gay community.”

Eksklusibong nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Isabelle kaninang hapon, July 3, Miyerkules, pagkatapos ng Eat Bulaga!, kung saan isa siya sa mga co-host.

ARTISTIC. Iba-iba ang reaksiyon ng mga tao sa nasabing larawan.

Kung ang iba ay sinusuportahan ito, marami rin ang bumatikos dahil “incestuous” daw ito dahil magpinsan sina Isabelle at Georgina.

Reaksiyon dito ni Isabelle, “I think people are taking it too literal.

“I think that if you understand where Georgina comes from, where I come from, we’re from the fashion industry...

"You know, it was very artistic and you’re not supposed to look at it literal, you know what I mean, because magpinsan kami.”

Diin pa ni Isabelle, “It’s not supposed to be taken literally and it’s supposed to show what we stand up for, which is gay rights.

“I think it was done tastefully, but I also realized in this [issue] that you really cannot please everyone… na marami talagang...

"There are a lot of people that won’t be happy; there are a lot of people that understands it and [are] happy [about it], yeah.”


“WE DID IT FOR FUN.” Ipinaliwanag ni Isabelle na kinunan ang controversial picture sa photo shoot nila para sa clothing brand na kanilang iniendorso, at naisip nila ni Georgina na gawing memorable ang nasabing pictorial.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Lahad niya, “We were shooting for Bench, we have a Bench campaign and we did it for fun, kasi… wala lang… we wanted a memory or something artistic for us.

"And then I decided to release it because it was in timing of the gay rights in California same-sex marriage, so that’s it.”

Dagdag pa niya, “I knew it was going to be talked about.”

Ibig ba niyang sabihin ay nagkaroon siya ng ideya na magiging isyu ang larawan na kanyang inilabas sa Instagram?

Sagot niya, “I mean, like if I post it, it’s not like people are gonna ignore.

"But I didn’t know that it would cause such a commotion na for me it’s okay.

“I think the Philippines was a bit shocked by [the photo].

“We’re very conservative, like, things like this can shock us.

“I don’t know, I think you should look at it with an open mind.”

Bilang panghuling tanong, ano ang natutunan o kaya ay realization ni Isabelle sa isyung ito?

“I think my realization is that you can’t please everybody and there are always people who don’t agree with your opinion or what you like, and there will be people to support it. Yun lang,” sagot niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN