Carlo J. Caparas ordered arrested over tax evasion case

Nagpalabas ng warrant of arrest ang Quezon City Tax of Appeals laban sa direktor at comicbook artist na si Carlo J. Caparas kaugnay ng hindi diumano nito pagpa-file ng VAT at pagbabayad ng tamang buwis.


Hawak na raw ng National Bureau of Investigation (NBI) ang warrant of arrest para sa direktor at comicbook artist na si Carlo J. Caparas.

Inilabas ng Quezon City Tax of Appeals ang naturang warrant noon pang nakaraang buwan matapos lumabas sa preliminary investigation ng korte na hindi nakapagbayad ng VAT (Value Added Tax) si Caparas.

Sa ulat ng TV Patrol ngayong gabi, July 3, sinabi ni NBI Director Atty. Nonnatus Rojas na walang celebrity treatment na ibibigay ang ahensiya kay Caparas.

Aniya, “Pare-pareho naman ang treatment namin sa mga naisyuhan ng warrant of arrest, celebrity man o hindi.”

Kaya mas mabuti raw na harapin na lamang ni Caparas ang kaso sa NBI o maaari ring idaan niya sa kanyang abugado.

Dagdag pa ni Atty. Rojas, “Puwede naman sumuko, puwede rin siyang magpiyansa.”

Eighty thousand pesos ang inirekomendang piyansa ng korte para sa apat na warrant of arrest kay Caparas.

Ayon naman sa Bureau of Internal Revenue (BIR), bukod sa hindi nakapag-file ng VAT si Caparas ay hindi rin daw ito nagbayad ng tamang buwis.

Ayon pa sa ahensiya, posible pang madagdagan ang mga kasong isasampa laban dito.

Sabi ni BIR Commissioner Kim Henares, “They said they filed, but based on our record, there’s none. So that’s another case. It might create another criminal case.”

Tumangging magbigay ng panayam si Caparas.

Pero ayon sa kanyang staff, nasa probinsiya lang daw ito at hindi nagtatago. Babalik daw ito sa Maynila para harapin ang kanyang mga kaso.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN