Agot Isidro returns to ABS-CBN

Agot Isidro on opening her heart again: “[K]ahit naman yung tao, sa twilight years, di ba, talagang they have to be in love? Pero siguro, sa tamang panahon, sa tamang tao, sa tamang circumstances.”


Muling nagbabalik si Agot Isidro sa ABS-CBN, ang orihinal niyang tahanan, sa pamamagitan ng bagong primetime series na Muling Buksan Ang Puso.

Sa press conference ng Muling Buksan Ang Puso noong Martes, July 2, ipinakilala ang ikalawang batch ng cast na kinabibilangan nina Agot at Cherie Gil.

Si Cherie, tulad ni Agot, ay balik-Kapamilya rin.

Noong isang taon ay pumirma ng kontrata si Agot sa GMA-7, na naging hudyat para masubukan niyang magtrabaho sa ibang bakuran.

Ginawa niya rito ang mga primetime series na One True Love, Paroa: Ang Kwento Ni Mariposa, at Indio.

Kaya umpisa pa lamang ng press conference ay agad nausisa si Agot kung ano ang dahilan at napabalik niya sa ABS-CBN.

Sagot ng actress-singer, “Paano mo naman tatanggihan ang project na ito?

“How can you turn down a project, a big project like this and working with stellar actors such as Tita Susan [Roces]?

“So, noong ini-offer sa akin ito, ‘Oo naman, oo naman!”



MAINSTAY? Posible ba siyang manatiling Kapamilya?

Sagot ni Agot, “As for staying, basta maganda ang mga projects, bakit naman hindi?”

Ang maganda kay Agot, hindi siya nai-stuck sa isang klase lang ng karakter.

Napapanood at natatanggap siya ng manonood bilang inaapi at nang-aapi.

Pero ngayon, mabait daw ang karakter niya.

“Mabait, mabait na mabait.

“Kasi, anak ako ni Tita Susan, so bakit naman ako hindi babait?

“Grace Poe-Llamanzares lang ang peg ko rito,” pagtukoy ni Agot sa anak na senador ni Susan.



ROLE MODEL. Ibang-iba raw ang karakter ni Agot sa Muling Buksan Ang Puso na kinailangan pa niyang mag-isip o humanap ng ibang puwede niyang paggayahan o puwede siyang maka-relate.

“Ano yun e, yung kimi-kimian na role.

“Maghahanap ka lang ng someone who is close to you or someone who’s very close to the character, lalo na kapag hindi pareho mo ang character.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Like yung character ni Carissa, ano ‘yan, e, ’Yes Mom, yes Mom’ sa Mommy niya, then suddenly na-in love.

“Pinigilan niya, e, hindi naman ako ganoon, medyo strong mind ako.”

Bigla namang sumagot si Cherie na, “Ako ang peg niya!”

Natatawang tanggi ni Agot, “Hindi, hindi si Cherie ang peg ko, definitely.

“At saka, iniisip ko, what Cherie does, hindi rin yun ang gagawin ko.

“Pero, yun lang, hahanap ka lang ng tao kung paano mo gagawing realistic ang character.”



RIGHT TIME. Hindi natapos ang press conference na hindi maitanong kay Agot ang kinahinatnan ng marriage niya kay Manu Sandejas.

Matagal-tagal na panahon na kasing hindi nagsalita o nagkuwento si Agot tungkol sa sampung taon nilang pagsasama.

Base sa titulo ng kanilang teleserye, posible bang muli niyang buksan ang puso?

“Sana naman, sana naman!” natatawang sabi niya.

“I mean, hindi pa naman kami… I mean, kahit naman yung tao, sa twilight years, di ba, talagang they have to be in love?

“Sana naman, mabubuksan siya.

“Pero siguro, sa tamang panahon, sa tamang tao, sa tamang circumstances, di ba?”

Naniniwala ba siyang "weather-weather" lang?

“Weather-weather lang ‘yan!” pagsang-ayon ni Agot.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN