Another "kissing photo" of two actresses surfaces on Instagram

Ilang araw pagkatapos gumawa ng ingay ang "kissing photo" ng magpinsang Isabelle Daza at Georgina Wilson, lumabas naman ang "kissing photo" nina Eugene Domingo at Iza Calzado. Ang nasabing larawan ay kuha mula sa indie film na Kuwentong Barbero.


Naging mainit ang usapin ng halikan ng magpinsang sina Isabelle Daza at Georgina Wilson sa lumabas na litrato nila bilang suporta raw sa gay rights.

Lumabas ang naturang larawan sa Instagram ni Isabelle last Thursday, June 27.

(Read: Photo of Isabelle Daza’s take on equality for gay rights draws mixed reactions)

Noong July 1 naman, isang "kissing photo" din ng dalawang babae ang lumabas sa Instagram.

This time, sina Eugene Domingo at Iza Calzado naman ang "naghalikan."

Kuha ito sa isang eksena ng dalawa sa pelikulang Kuwentong Barbero, na isinulat at idinirek ni Jun Lana.

Ang nag-post ng larawang ito ay si Noel Ferrer, manager ni Iza.

Sa larawan ay makikitang magkalapat ang mga labi ng dalawa habang nakapikit.

May caption itong ‘INSTAGRAM PREMIERE: ‘Sa halik mo ako’y lalaya…” Jun Lana (“Kuwentong Barbero)…Coming soon."

Matatandaang sinabi ni Eugene noon na "matapang na babae" ang kanyang role sa pelikula.

Aniya, “Napakatapang ng pelikulang ito, at ito ay minsan lang darating, at least ang artistang katulad ko ay mabigyan at mapagkatiwalaan ng papel ni Marilou dito sa Kuwentong Barbero kaya nagpapasalamat ako na napasama ako.”

Ang role na ito ay unang inalok kay Kris Aquino, pero tumanggi ito dahil ayaw niyang magpakalbo.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN