Matt Evans sets aside plans to acquire American citizenship

Binalikang-tanaw ni Matt Evans ang posibleng dahilan ng mga hindi magandang pinagdaanan niya at ng dating karelasyon na si Johnelline Hickins. Sabi niya: “Medyo masyado kaming nagmadali, fast-forward ng ten times bigla yung nangyari sa amin, almost two years din kami.”


Sa press visit sa set ng Muling Buksan Ang Puso, na-interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Matt Evans na gumaganap bilang Pancho sa teleserye.

Napag-usapan ang kalagayan niya matapos ang kontrobersiyang kinasangkutan niya at ng dating live-in partner na si Johnelline Hickins o Jelline.

Matatandaang nakulong si Matt ng dalawang araw noong isang taon dahil sa reklamo ng kapatid ni Jelline na slight physical injury

Kasabay din nito ang reklamong inihain ni Jelline na violation ng Anti-Violence against Women and Children Act.

Ani Matt, muntik na siyang nagkaroon ng sariling pamilya kung hindi lamang sila nagkaroon ng matinding away ng dating kasintahan.

Kuwento niya, “Plinano namin, kasi nandoon na rin yung baby— hindi maiwasan na hindi pag-usapan.

“Dapat, before na manganak, tapos napag-usapan rin na dapat 2014 pakakasal or mag-iipon muna.”



WHAT WENT WRONG? Bukod sa pagiging bata, naging malaking factor din sa magulong relasyon ng dalawa ang kanilang pinagmulan.

Ayon kay Matt, “Siguro dahil pareho kaming breadwinner, siguro ano lang, kailangang mag-work pareho kaya hindi alam kung paano.

“Saka medyo masyado kaming nagmadali, fast-forward ng ten times bigla yung nangyari sa amin, almost two years din kami.”

Bukod sa magkasintahan, may mga iba pa silang kasama sa bahay.

Hindi kaya ang mga taong nakapaligid sa kanila ang nagpagulo ng kanilang relasyon?

“Marami, marami. Ganoon naman kami, hindi kaming dalawa lang. Marami sa paligid namin na nakakasama namin at nakakausap na bawat tao.”

Nang nagkaroon ng matinding away ang magkasintahan, napag-alaman din na kasama nila sa bahay ang kapatid ni Jelline.

“Oo, may kapatid siya,” kumpirma ni Matt.

“Minsan may mga kaibigan din. Ako din, minsan may mga kaibigan din.”



LESSONS LEARNED. Ano ang natutunan ni Matt mula sa mga pangyayari?

“... Kasi ang natutunan ko na kapag pumasok ako sa pag-aasawa, kailangan bumukod ka ng sarili mo…

“Para magkaroon ka ng sarili mong desisyon at sa pamilya mo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kung magpa-pamilya ako, bukod talaga.”

Ang pakikipaghiwalay ng tirahan ni Matt kay Jelline ay itinuturing nitong panibagong buhay.

Sa ngayon, ang kaibigang matalik at kababata na lang ang kasa-kasama ni Matt sa bahay nito sa Quezon City.

Bilang aktor, ano naman ang naidulot na maganda ng mga pinagdaanan niyang isyu sa buhay?

“Naku, marami akong pinaghuhugutan niyan, kasi nga, marami ang hindi nagtatanong, yun nga, medyo mabigat itong 2013...

"Yung lolo ko namatay na nitong May, ’tapos, ‘etong June, namatay naman ang lola ko— sobrang malapit ako sa kanila, sobra.

“Kaya medyo mabigat sa akin ‘etong taon na ito,” pilit ang mga ngiting banggit ni Matt.

Dagdag pa niya, “Iyon yung mga nagpalaki sa akin, at saka bugbog rin sa gastos kaya medyo ano…”

Si Matt ang sumagot sa gastusin sa pagpapalibing sa kanyang grandparents.

Siya na ang breadwinner ng kanyang pamilya, sinusustentuhan pa niya ang kanyang anak at dagdag pa ang personal expenses.

Paano niya nama-manage ang lahat ng mga gastusin?

“Yun nga po ang ipinagtataka noong lahat kung paano napagdudugtong-dugtong.

“Wala, pananalig lang talaga.

“Buti hindi ako magastos, simple living lang, praktikal lang talaga.

“Hindi naman ako sosyal, hindi ako mahilig sa fashion things.”



AMERICAN ROOTS. Hindi na nakita ni Matt ang Amerikanong ama na dating US Air Force Serviceman dahil namatay na ito noong 2010.

Gusto niya sanang makipag-ugnayan sa pamilya ng ama para maayos ang kanyang citizenship status.

Kuwento ni Matt, “Hinanap ko siya pero noong nahanap ng Tito ko, nakita na lang niya sa website ng obituary.

“’Tapos, doon nalaman, ’tapos nakausap ko yung lola ko sa States.

“’Tapos, wala, e, kailangan pa ng DNA para… parang doon lang ako naano.

“E, talagang ganoon yung policy nila sa States, kailangan ng DNA.

“Dumating rin ako sa point na kailangan ko lang i-turn down yung citizenship ko.

“Kasi ang hirap, e. Kasi kung ipu-push ko siya, kakain ng oras, ng buwan, gastos rin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Then, kailangan ko ring mag-stay sa US for six months, e, ang trabaho nandito… mahirap.

“Na-recognize naman ako ng lola ko, kasi noong kinausap ko siya, ‘Why now? Ang tagal ka na namin hinahanap—21 years.’

“Hindi ko alam kung bakit hindi nagkaka-connect yung paghahanapan namin, hindi ko lang alam.”

Naniniwala si Matt na maayos ang buhay ng kanyang ama sa Amerika.

“Sa tingin ko, may kaya ang dad ko, e, kasi Air Force siya, e, may mga pension siguro yun.”

Pagpapatuloy pang detalye ni Matt sa kanyang American origin, “May kapatid ako sa Okinawa, Japan, babae, dalawa lang kami.”

Nangangahulugan na alam ng lola niya sa Amerika na meron siyang apo dito sa Pilipinas?

“Oo. Actually, noong bata ako, nagpapadala siya ng mga in kinds.”

Bakit hindi na lang ang lola niya ang pumunta dito sa ’Pinas para hanapin at makilala siya?

“Yun din ang malaking tanong ko, pero hindi ko na pinahaba ang usapan, e.”

Balak pa ba niyang kunin ang American citizenship para sa kinabukasan ng anak at sa magiging sarili niyang pamilya?

“Siguro pag may time na, pag medyo matanda na ako.

“Yung ninang ko naman, willing akong tulungan anytime, so hindi rin naman ganoon kahirap.

“Hindi na imposible sa panahon ngayon, madali nang gawin lalo kung napatunayan talaga.”



IN DAD’S MEMORY. Bilang pagkilala ni Matt sa kanyang ama, isang ambigram tattoo ang ipinalagay niya sa kanyang pulso.

Makkita rito ang pangalan ng kanyang ama na si Thalmage Eugene Evans o Tony, pag binaligtad, ang tunay na pangalan ng aktor na Mathew naman ang makikita.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN