Alma Concepcion on feud with Melissa Mendez: "Di na kami mga bata para pag-awayan pa ’yan."

Tumangging magbigay ng detalyadong pahayag ang former beauty queen na si Alma Concepcion tungkol sa alitan nila ng aktres na si Melissa Mendez. Ngunit ayon kay Alma, "petty issues" lamang ito.


Tahimik na raw ang buhay ng aktres at dating beauty queen na si Alma Concepcion.

Masaya raw siya sa buhay niya ngayon, lalo pa’t graduating na siya sa kurso niyang Interior Design sa University of The Philippines.

Ngunit kahapon, July 3, umingay muli ang pangalan ni Alma nang mag-post ang aktres ding si Melissa Mendez sa Instagram ng mga salitang tila may hindi sila pagkakaintindihan tungkol sa negosyo.

(Read: Melissa Mendez and Alma Concepcion exchange tirades on Instagram over business-related feud)

Ngayong araw, July 4, sa pamamagitan ng text messaging at tawag sa telepono ay nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Alma.

Ngunit mahigpit niyang bilin na off the record ang lahat ng aming naging usapan.

Hindi rin nagsalita si Alma kung ano ang puno’t dulo ng tila hindi nila pagkakaintindihan ni Melissa.

Tanging sabi niya, "petty issues" na huwag nang dapat palakihin.

Sinabihan na rin daw siya ng kanyang mga abugado na huwag nang magsalita tungkol sa isyu.

Sa text niya sa PEP, sinabi ni Alma, "Di na kami mga bata para pag-awayan pa ’yan."

Bukas ang PEP sa panig ni Melissa kung may nais itong ipahayag.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN