Former sexy star Ramona Revilla gives birth to triplets

by Arniel C. Serato
Jul 4, 2013
Nagsilang ng triplets via caesarean section ang dating sexy star na si Ramona Revilla sa isang hospital sa Makati noong July 2, Martes.

Nagsilang ng triplets via caesarean section ang dating sexy star na si Ramona Revilla sa isang hospital sa Makati noong July 2, Martes.

Ayon sa ulat ng 24 Oras ngayong gabi, July 4, hirap pang tumayo si Ramona mula sa kanyang hospital bed nang dalawin ng GMA News.

Hindi raw naging madali ang pagbubuntis ni Ramona.

Kuwento niya, “Normal pregnancy, siguro mag-u-ultrasound ka once a month, [pero] I’m seeing my doctor already for like twice a week, complete ultrasound and everything.”

Puro babae ang tatlong sanggol na isinilang ni Ramona.

Maayos naman daw ang kalagayan ng mga ito, kahit nasa incubator pa dahil kulang sila sa buwan.

Dagdag pa ni Ramona, “The triplets now are in the ICU [Intensive Care Unit], they’re monitored.

"But now they’re getting strong and they’re okay now.”

Tutok naman daw sa pagbabantay sa asawa at mga anak ang asawa ni Ramona na si Frederick Farell, isang Amerikano.

Continue reading below ↓

Ayon kay Frederick, “I’m very excited as a long journey begins here.

"We were not expecting to be at this point, until probably a month, but it came a little early and we're just very blessed.

"And we’re very happy and we appreciate all the blessings and congratulations that everyone is giving us and the prayers.”

Lalabas na raw si Ramona ng ospital kapag pinayagan siya ng mga doktor, pero mananatili raw muna ang triplets sa ospital hanggang nasa tamang araw na ang mga ito para maiuwi na nila ng asawa sa Amerika kung saan sila naka-based.

Read Next
Read More Stories About
Ramona Revilla
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nagsilang ng triplets via caesarean section ang dating sexy star na si Ramona Revilla sa isang hospital sa Makati noong July 2, Martes.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results