Marian Rivera on staying or leaving GMA-7: "Kung ano pong mas makakabuti at mas makakaganda sa career ko."

Iginiit ni Marian Rivera na tapos na ang isyu sa kanila ni Mother Lily Monteverde. Saad ng Kapuso actress, “Nalinaw na po ni Mother ang lahat, natapos na po ‘yan lahat. Kahit nga ako, na-shock din ako sa mga nangyayari, pero naiintindihan ko po si Mother Lily—Mother Lily is Mother Lily ‘yan.”


Wala pang final decision si Marian Rivera kung mananatili siyang Kapuso kapag nag-expire na ang kanyang kontrata sa Agosto.

Ito ang sinabi ni Marian sa radio program ni German “Kuya Germs” Moreno sa dzBB via phone patch last Wednesday, July 3.

Saad ng Kapuso Primetime Queen, “Ang kontrata ko po sa GMA hanggang August pa, kaya hanggang August pa po ako sa kanila.

“Mahaba-haba pa po ang panahon. May manager naman din po ako na nagde-decide para po sa akin.

“Kung ano pong mas makakabuti at mas makakaganda sa career ko.

“Pero bilang respeto din po sa GMA, hanggang August pa po ako sa kanila at napakabait at mahal nila ako.

“Yun naman talaga ang masasabi ko sa Kapuso.”

Sa pagkakaalam din ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ay may sisimulan pang teleserye si Marian sa GMA-7 na maaaring ipalabas sa September hanggang sa pagtatapos ng taong kasalukuyan.



BEAUTY SECRET. Nagawi naman ang usapan sa beauty regimen ng Kapuso star.

Ano ba ang sikreto niya at napapanatili niya ang kanyang kagandahan?

Sagot ni Marian, “Sikreto? Hindi siguro. Sabihin na lang natin na maalaga talaga ako sa sarili ko, lalo na pagdating sa mukha ko.

“Tapos siguro, ano lang, mahalin mo yung sarili mo at magbigay ligaya ka sa ibang tao.

“Kailangan, lagi ka naka-smile, especially bungisngis ako!” sabay tawa niya.

“Yun si Marian Rivera, hindi puwedeng hindi laging naka-smile si Marian.”



NEW MOVIE, OLD LOVETEAM. Matagal-tagal na rin ang unang pelikulang pinagtambalan nila ni Richard Gutierrez, ang My Bestfriend’s Girlfriend.

Pagkaraan ng limang taon ay nagsama silang muli sa pelikula sa pamamagitan ng showing ngayong My Lady Boss.

Bagamat hindi naman sila sa totoong buhay, bakit marami pa rin ang kinikilig sa tambalan nila ni Rochard?

Tugon ni Marian, “Siguro dahil magkaibigan kami ni Chard.

“Kahit matagal kaming hindi nagkatrabaho, may mga panahong nag-i- invite siya, ‘O, Yan, baka puwede kang pumunta, may event kami,’ ganyan-ganyan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi nawala yung communications namin at ang mahalaga sa amin, malaki ang respeto namin sa bawat isa at lalong-lalo na sa bawat partner namin.”

Ano ang pagkakaiba ng My Lady Boss sa una nilang pelikula?

“Malaki po ang pagkakaiba. Kasi, first time ko lang gumanap sa isang pelikula na boss.

“At dito sa pelikulang ito makikita nila na ang isang boss, hindi kailangang sobrang yaman at sobrang talino, kailangan maganda manamit.

“Yung ibang anggulo ng pagka-boss, na lahat ng tao ay maaaring maging boss, basta marunong ka lang magsikap at mahalin mo yung trabaho mo, darating yung time sa pagsisikap mo magiging boss ka rin.

“Para maiba naman yung pelikula namin, kasi lagi na lang tayong nakatuon sa labas…

“So itong pelikula namin ni Chard, binigyan naming pansin yung mga nasa opisina na napakalaki din naman ng halaga sa atin.”



REAL LOVETEAM. Kailan naman sila magtatambal muli ng kanyang boyfriend na si Dingdong Dantes?

Sabi ni Marian, “Naku, magsasama? Mukhang medyo matatagalan pa po.

“Ako po’y may mga naka-lineup pang projects sa Regal, tapos baka may gawin din akong soap opera.

“Si Dingdong po ngayon, may ginagawa po siyang soap opera, yung Genesis at kasama niya diyan si Rhian Ramos.

“Tapos, magkakaroon pa siya ng movie with Bea Alonzo naman.

“At least, may kanya-kanya din kaming mga career at ang importante po ay sinusuportahan po namin ang isa’t isa.”

Pareho ba silang kabisado ang mga schedules at projects na gagawin nila?

“Oo naman po, ganyan kami ka-open sa isa’t isa.

“Para kung anong project ko at project niya, alam namin.

“Kasi, doon po nagsisimula ang magandang pag-uusap at pagkakaunawaan.

“Para po mas maging maayos yung relationship namin at suportahan po talaga sa isa’t isa.”



ISSUE WITH REGAL. Noong mga nakaraang linggo ay naging malaking balita ang tampo diumano kay Marian ng Regal matriarch na si Mother Lily Monteverde.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dahil sa pagtanggi diumano ni Marian na gawin ang pelikula kasama si Judy Ann Santos kaya walang entry ang Regal sa Metro Manila Film Festival ngayong taon.

Mabilis namang naayos ng magkabilang kampo ang isyu, ngunit may lumalabas pa ring balita na hindi pa rin sila okay.

Ano ba ang totoo rito?

Sabi ni Marian, “Naku po, alam ninyo po, hindi ko rin alam kung saan nanggagaling yung balitang ‘yan.

“Siguro, may ibang mga tao na hindi po nila nalaman na natapos na po ‘yan.

“Noong nag-presscon po ako, nalinaw na po ni Mother ang lahat, natapos na po ‘yan lahat.

“Kahit nga ako, na-shock din ako sa mga nangyayari, pero naiintindihan ko po si Mother Lily—Mother Lily is Mother Lily ‘yan.

“Kaya kahit ano pong mangyari, iintindihin ko ‘yan, mahal ko ‘yang si Mother.

“At ang importante po, nakapag-usap sila ni Tatay, ni Mr. T [Tony Tuviera], kaya naman naayos ang lahat.

“Na wala namang dapat ipag-alala at meron pa po akong dalawang pelikula na gagawin sa kanila.

“Siguro ganyan talaga ang buhay, kahit saan ka mang sulok pumunta ay may ganyan talagang tao.

“Ipagdasal na lang natin sila na maging masaya yung buhay nila.

“Kasi walang saya ang buhay kapag nakita mo ang isang tao na umaangat at nagiging masaya siya sa buhay niya.

“So pag-pray na lang natin sila, i-good vibes natin sila.”

LESSONS LEARNED. Ano ang mga natutunan niya sa showbiz habang tumatagal sa industriyang ito?

Saad ni Marian, “Ang natutunan ko po sa showbiz, na napakasarap pong mabuhay lalo na kung marami kang napapasayang ibang tao.

“Parang nagkakaroon ng saysay ang pagiging artista, kapag may napapangiti kang tao, yun po ang para sa akin.”

Ano na yung mga naipundar niya bilang artista?

“Ayoko pong pag-usapan yung mga naipon o naipundar ko, ayoko na po isa-isahin kung anu-ano ang na-invest ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ang importante po sa akin, tinutulungan po ako nila Mama kung papano ko i-invest yung kinita ko.

“At yun po yung masuwerte ako dahil may nagga-guide po sa akin kung ano ang dapat kong gawin sa mga naiipon ko po.

“Dapat balance, mag-iipon po, pero kailangan ding ini-enjoy nila yung kinikita nila.

“Bibili ka ng gusto mo, parang regalo mo na rin sa sarili mo.

“Kasi kailangan po yun bilang artista para ma-inspire naman sila na, ‘Ay yung kinikita ko ay ganito,’ para pantay po.

“Dapat pahalagahan nila yung kinita nila na ma-balance nila, magpundar at mag-invest.

“At the same time, bumili ng mga bagay na gusto mong bilhin pero may control para na rin sa sarili nila.”



FHM’S SEXIEST. Samantala, sigurado na ang pagrampa ni Marian sa July 10 bilang Sexiest Woman ng FHM ngayong taon.

Sabi niya, “Ay, opo, bilang ganti po sa mga talagang bumoto at nagmahal sa akin, rarampa po ako sa July 10. Makikita po nila ako sa fashion show.”

Gaano kaimportante sa kanya ang kanyang mga tagahanga?

“Ang importante po, lagi ko pong sinasabi, na kahit anong ganda mo at kahit anong talented mo at kahit anong sexy mo, kung walang mga sumusuporta sa iyo, wala ka talaga.

“So, nang dahil din sa bukod sa talent at kung anong meron po ako ngayon ay utang ko din po sa mga fans.

“Na talagang dinala ako sa taas at tinanggap ako bilang ako.”



MESSAGE TO FANS. Ano ang mensahe ni Marian sa kanyang mga tagasuporta?

“Doon po sa mga nakapanood na ng My Lady Boss, maraming-maraming salamat po sa kanila.

“Doon sa iba na nasa mga opisina at eskuwelahan, sana manood din sila after ng klase at trabaho nila.

“Natutuwa po ako, kasi sa Instagram ko, ang daming magagandang mensahe ang ipinapadala nila sa akin, ang mga followers ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nakikita ko yung suporta nila sa akin, sinasabi nila na manonood daw sila ng My Lady Boss, ’napanood na namin yung Lady Boss.’

“Kaya naman sa lahat ng followers ko sa Instagram na sobrang napakaganda po ng kinu-comment, maraming-marami pong salamat sa kanila.

“Nawa’y pagpalain po sila ni God, dahil ang suwerte ko dahil nagkaroon ako ng ganyang kababait na tao na followers ko.

“Na, nakakapag-palakas ng loob lagi sa akin,” saad ni Marian.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN