Tom Rodriguez on TomDen loveteam: "Hindi namin alam kung paano tanggapin ni Dennis kasi pareho kaming lalaki!”

Aminado si Tom Rodriguez na mas naunawaan niya ang pinagdadaanan ng homosexuals dahil sa role niya sa My Husband’s Lover. Sabi niya, “Iyon yung nakakatuwa sa show na ito for me, personally. Ewan ko lang sa iba, pero for me, parang nabi-bridge yun. Parang nag-o-open ng avenue na at least maka-relate sa isa’t isa, na mapag-usapan ninyo na, ‘A, kayo rin pala nararamdaman ninyo rin yung ganito, pinagdadaanan ninyo din pala.&rsqu


Hindi pa rin makapaniwala si Tom Rodriguez sa sinasabing "phenomenal success" ng kauna-unahan niyang teleserye sa GMA-7, My Husband’s Lover.

Sabi ni Tom, “Sobrang naa-amaze ako at sobrang overwhelmed at nagpapasalamat sa lahat kasi hindi ko ini-expect, na nakakapanibago.

"Pero at the same time, nakakataba ng puso ang mga reaksiyon ng mga tao.

“Minsan, nakaka-ilang ano ako, hindi lang siguro double take, double take times a million sa mga nangyayari, kung totoo ba—baka mamaya nananaginip lang ako.

“Sobrang ang sarap, ang sarap ng pakiramdam!”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Tom sa taping ng My Husband’s Lover noong Miyerkules, July 3, sa Timog Avenue, Quezon City.

Maging ang pamilya ni Tom sa ibang bansa ay regular daw na pinapanood ang controversial top-rating GMA-7 soap opera nila nina Dennis Trillo at Carla Abellana.

Kuwento ni Tom, “Nanonood sila sa States at happy naman sila and they’re proud of me, so siyempre ang sarap ng feeling na yung pamilya mo proud sa ginagawa mong trabaho.

“And they can see naman daw na I’m trying to do my best lagi sa trabaho and they’re happy.

“Sabi nila, ipagpatuloy ko lang yun and stay grounded and stay humble.

"And don’t forget Him upstairs, na huwag kalimutang manalig sa Diyos lagi.”

HOMOSEXUALITY. Tungkol sa gay relationship ang tema ng My Husband’s Lover, at mahusay naitatawid ni Tom ang kanyang role bilang lalaking may asawa ngunit may kabit na bading.

Ito ay sa kabila raw ng wala siyang anumang kaalaman tungkol sa pakikipagrelasyon sa bading. Kahit noong nasa Amerika si Tom ay hindi raw siya exposed sa homosexuality.

“Actually, iyon nga ang nakakatawa, sa Amerika, wala akong masyadong nakikitang mga…

"Kung meron man, parang hindi mo sila… hindi katulad dito sa Pilipinas na makikita mo, mahahalata mo kaagad.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Dun, parang wala siya sa parang radar ng buhay mo, hindi mo makikita.

"Sa Amerika, wala akong idea, e, wala akong idea—as in, normal lang na buhay.

“Dito, nung umuwi ako dito, dito mo lang mare-realize na, ‘A, there’s a third sex pala.’

“Kasi dun makikita mo, sa movies lang, e.”

So, wala siyang eksaktong tao na ginaya o naging peg niya sa role niya bilang si Vincent?

Saad ni Tom, “Hindi naman sa ginayahan... may mga movies akong pinanood. And at the same time, ayoko naman na gayahin.

"Parang yung pinanood kong movies ’tsaka yung pag-interbyu ko, para lang maka-relate lang ako kahit papaano, kung ano yung umaandar sa utak ng isang third sex, para at least, kahit papaano, magampanan ko rin nang tama.

“At after that, sinubukan ko na lang buuin yung character ni Vincent base sa buhay niya, kung ano yung pinagdadaanan niya.

“Sa script, so kung ano yung mga sinasabi ng mga characters sa kanya, kung ano ang relasyon niya sa ibang characters, at sa sarili niya kung ano tingin niya sa sarili niya, yung mga ganun.”

TOMDEN LOVETEAM. Ano naman ang masasabi niya na marami ang kinikilig sa "TomDen loveteam"?

“Naaaliw kami, at the same time, hindi namin alam kung paano tanggapin ni Dennis kasi pareho kaming lalaki!” natatawang sabi ni Tom.

Dagdag niya, “Parang hindi kami makapaniwala, na yung ganitong klase ng pairing pala e puwedeng tangkilikin ng tao, parang na-accept nila.

“Hindi lang for the gays, pero pati yung straight men ’tsaka straight women, sila rin may nararamdaman sa mga eksena namin.

“Na pati kami nagtataka, e, na ‘Bakit? Paano yun?’

“Na parang kung mathematical equation ito siguro, zero percent yung magiging sagot namin.

"Kasi hindi namin alam kung ano, e, hindi namin ma-compute talaga!”



CBCP CONCERN. Ano naman ang opinyon ni Tom sa pagpansin ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) sa My Husband’s Lover?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tugon niya, “For me naman, everyone is entitled to their own opinion.

“Kaya, of course, the CBCP has their own opinion and I respect their opinion din, just like I respect my own opinion and the opinion of others.

“Iyon yung maganda dito sa Pilipinas, ang maganda sa pagkakaroon natin ng free will.

"May karapatan tayong magdesisyon para sa sarili natin o may karapatan tayong magkaroon ng mga sarili nating mga opinyon o pananaw sa buhay.”

Paano binago ng My Husband’s Lover ang buhay ni Tom?

“In so many ways," sagot niya.

"Hindi lang sa personal life ko, sa pag-accept sa akin ng tao sa ganun. Na sobrang naa-appreciate ko, ang sarap.

"Pero sa show itself, yung mismong tema ng show, na mas natutunan kong maki-empathize o maka-relate o mas intindihin yung third sex.

“Whereas before, gaya nga ng sabi ko dati, especially dito sa industriya natin, di ba, maraming mga gays—reporters, stylists, directors... as in lahat ng aspeto ng industriya, present.

“Pero alam mo yung pag nagkakausap na kayo, hindi naman humahantong sa ganung level na, e, na tungkol sa mga relationships, sa mga ganun.

"Lagi it’s between a guy, a straight male and a homosexual man, laging parang may barrier, na hindi nabi-bridge.

“Iyon yung nakakatuwa sa show na ito for me, personally.

"Ewan ko lang sa iba, pero for me, parang nabi-bridge yun.

“Parang nag-o-open ng avenue na at least maka-relate sa isa’t isa, na mapag-usapan ninyo na, ‘A, kayo rin pala nararamdaman ninyo rin yung ganito, pinagdadaanan ninyo din pala.’

“Na kapag napanood nila, ‘O, nakita ko yung nangyari sa inyo ni Eric, nangyari din sa akin yun.’

“Sabi ko, ‘A, talaga? Sige nga, kuwentuhan mo nga ako.’

“So magkukuwentuhan, mag-uusap.

"Sa ganung paraan, at least mas naiintindihan mo and you see them more as people.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi lang sa mababaw na way, pero mas lumalalim yung pag-iintindi mo sa acceptance at sa understanding sa third sex.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN