PEPtalk. Alden Richards compares life to Candy Crush: “The game is life and the moves are my decisions..."

Alden Richards has a profound meaning for Candy Crush: "So, kung in life, kung ihahalintulad ko siya sa buhay ko, I have these moves and I have this goal and I have this game. The game is life and the moves are my decisions, and those goals are my goals to happiness.”


Naging seryoso ang ikalawang bahagi ng panayam ng PEPtalk hosts na sina Erwin Santiago at Abby Mendoza sa tinaguriang "Pambansang Dimples" na si Alden Richards.

Sa pagkakataong ito ay binalikang-tanaw ni Alden ang mga struggles na pinagdaanan niya bago marating ang kinalalagyan niya ngayon.

Gaya ng ibang nangarap na maging artista, dumaan muna si Alden sa butas ng karayom. Naranasan din niyang pumila sa mga auditions at humarap sa maraming rejections.

Saad niya, “Ako talaga, I am always positive on rejections.

“Sinasabi ko sa sarili ko, ‘Ay, okay lang ‘yan, marami pa. Marami pang dadating kahit na ma-reject ako.’

“E, sobra-sobra naman yung dumating na rejection sa akin!”

Una, maaga raw itong natanggal sa artista search ng GMA-7 na StarStruck V. Pangalawa, hindi raw siya nakapasok sa reality show ng ABS-CBN na Pinoy Big Brother.

Kaliwa’t kanan man ang kanyang kabiguan, aniya, “But I am not blaming the Lord about this rejection, I am just blaming the situation and what happened.”

Totoo ang kasabihan na “nothing worth having comes easy” dahil matapos ang mga pagsubok na ito, dumating ang isang malaking break kay Alden—ang leading-man role sa afternoon soap ng GMA-7 na Alakdana.

Kuwento ni Alden, “Three days after the audition, dun nasabi sa akin na I got in. ‘You’re gonna be playing one of the leading men.’

“Sabi ko sa sarili ko, all throughout this rejection thing, itong isang malaking cloud of rejection sa akin and I was under it... With that reward coming from GMA, nag-vanish lahat.

“Nag-vanish yung clouds of rejection.

“Thank you... parang I just have to learn my lesson, talagang never give up, e. Yun yung lesson ng buhay ko talaga.

“Just ask for it, just believe in it. It will come.”

Inamin din ni Alden na bago siya nagkaroon ng positive mindset ay mababa ang kanyang self-esteem.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“First, kulang ako sa faith sa Lord. I am always in doubt and hindi ako confident.”

Matapos ang failures at challenges na naranasan ni Alden, naitanong ng host na si Erwin: "Kung ihahalintulad ang buhay niya sa Candy Crush [game], anong level na kaya siya ngayon?"

Agad namang sagot ni Alden, “150.”

Kailangan niya bang humingi ng "lifeline" mula sa iba?

Sagot ng binata, “Lifeline? Hindi, e. Kasi ang Candy Crush, nakaka-frustrate laruin.

“You have certain moves and then you have to achieve something.

“So, kung in life, kung ihahalintulad ko siya sa buhay ko, I have these moves and I have this goal and I have this game.

“The game is life and the moves are my decisions and those goals are my goals to happiness.”

Marami pang profound insights si Alden sa Part 3. Watch na, now na! (WATCH #ALDENonPEPtalk)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN