Vice Ganda plans to “slow down” next year

Vice Ganda on being on the cover of Preview magazine’s "Best Dressed" issue: "Parang ako nga yung first gay na nag-cover sa isang fashion magazine na hindi puchu-puchu [basta-basta], na nakakatuwa. At saka Best Dressed edition ‘yon, parang equal footing na babae o transgender, equal footing lang.”


Tuwang-tuwa si Vice Ganda dahil napabilang siya sa cover ng July 2013 issue ng Preview magazine.

Kasama niya sa cover ng "Best Dressed issue" sina Bea Alonzo, Liz Uy, at Isabelle Daza.

Sabi ni Vice, “Yung LGBT [Lesbian Gay Bisexual Transsexual] community, sobrang proud sa pagko-cover ko ng Preview magazine.

“Very timely, kasi sa Amerika napasa na yung batas for gay marriage, tapos nagse-celebrate tayo ng gay pride, tapos nag-cover ako ng Preview magazine...

"Parang celebration of ano, di ba?

“Kasi, parang ako nga yung first gay na nag-cover sa isang fashion magazine na hindi puchu-puchu [basta-basta], na nakakatuwa.

“At saka Best Dressed edition ‘yon, parang equal footing na babae o transgender, equal footing lang.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment press si Vice sa set ng Juan dela Cruz sa Kalayaan Road, Quezon City, noong July 3.



OVERCOMING DEPRESSION. Samantala, kinumusta naman si Vice tungkol sa pinagdaanan niyang depression kamakailan.

Matatandaan na noong Mayo, sinabi ng Kapamilya comedian-host na nakaranas siya ng “depression” o labis na pagkalungkot.

(Read: Vice Ganda reveals going through depression despite successful career)

“Okay na,” nakangiting sagot ni Vice nang tanungin kung nakakaranas pa rin siya ng depression.

Paliwanag niya, “Kasi, ‘yon nga yung subsob sa trabaho...

"Parang ganito na lang, routine na lang ang buhay ko—papasok ako sa Showtime o di kaya mag-GGV ako, magre-recording, raraket.

"Parang hindi ko na nagagawa yung gusto ko.

“Tapos, parang ang dami ko na palang napabayaan—napabayaan ko yung lolo ko, napabayaan ko yung pamilya ko, di ko na pala sila napupuntahan sa bahay namin.

“Kasi nagpagawa ako ng bahay para sa kanila, pinilit ko, nag-strive ako para mabuo ang pamilya ko.

"Tapos nang mabuo ko sila, ako naman pala ang wala.

“So, hindi ko rin pala nabuo, kasi ako na lang din ang kulang sa bahay na ‘yon.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aminado si Vice na hindi naging madali sa kanya ang dinanas niyang depression, na naibsan lamang nang makapiling na niya ang kanyang lolo.

Naikuwento ni Vice noon na isang linggo siyang nawala dahil sinundo niya sa La Union ang kanyang lolo para ipasyal ito at iba pa niyang kapamilya.

Pero ngayon, mas masaya na raw ang komedyante dahil kasama na niya sa bahay ang kanyang lolo.

“Naka-unload ako ng stress,” sabi niya.

“Kaya pala ako malungkot... Tawa ako nang tawa lagi, nakakasama ko pa rin ang mga bakla, pero tuwing uuwi ako, parang may missing sa akin, yung pamilya ko, may emptiness akong nararamdaman.”

LIE LOW IN SHOWBIZ? Kaya naman matapos ang lahat ng pinagdaanan niya, at dahil naging subsob din siya sa trabaho, naiisip daw ni Vice na mag-lie low muna sa showbiz.

Katunayan, nabanggit niya daw ito sa executives ng ABS-CBN noong kausapin siya ng mga ito tungkol sa kontrata niyang magtatapos na sa December 2013.

Kuwento ni Vice, “Kasi mag-e-expire yung [contract] ko sa December. ‘Tas ang sabi, ‘O, anong plano mo?’

“Kasi ang nakakatuwa sa ABS, nung nag-present sila sa akin ng career plan sa loob ng dalawang taon, ‘Ito ang plano namin sa ‘yo, ito ang gusto namin ma-achieve mo, ito dapat mangyari sa career mo...’

"Na-achieve nilang lahat bago pa matapos ang December!

“Ngayon, matatapos ang December, ‘Ano mga plano mo? Ano ba gusto mo?’

"’Tas nag-isip ako, parang wala pa akong plano.

“Sabi ko, ‘Parang gusto ko mag-slow down next year.’

"Sabi ni Sir Deo [Endrinal], ‘Anong slow down ang pinagsasasabi mo?’

"Sabi ko, ‘Parang napagod na po ako.’

"Sabi niya, ‘Mag-isip-isip ka ngang bakla ka, baka nababaliw ka na naman!’” sabay tawa ni Vice.

Bagamat nakapag-isip na raw siya at sinabing gusto pa rin niyang ipagpatuloy ang kanyang showbiz career, hindi pa rin daw mawaglit sa isipan ni Vice ang ideya ng pagla-lie low sa showbiz.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tingin naman daw kasi niya, “Puwede pa naman siguro ako magtrabaho na hindi kinakailangan na pupunta ka na sa stroke kakatrabaho.

“Puwede naman na… ‘yon nga, balansehin ko lahat.

"Alam ko dapat ang ipa-prioritize ko, kasi pinrioritize [prioritize] ko yuong career ko, na na-achieve naman.

“So, sa sususnod na taon, na hindi ko kailangan iwan ang trabaho ko, at mapabayaan ang trabaho ko.”

Gayunman, karamihan sa mga gumawa nito sa showbiz ay nahirapan nang bumalik.

Alam naman daw ito ni Vice kaya, aniya, “Kailangan pag-isipan, kung paano natin gagawin na mag-lie low ka sa trabaho pero yung init mo sa tao, e, hindi nababawasan, hindi ka lumalamlam, hindi mo lalausin ang sarili mo.”

Ang isa sa naiisip niyang paraan ay ang bawasan ang kanyang mga raket at paggawa ng pelikula.

Dahilan niya, “Ang hirap no’n, nagpepelikula ka nang sabay-sabay, nang magkasunod, nang walang pahinga.

“Nag-overlap pa nga ‘yon, e, yung This Guy’s In Love With You Mare tapos yung Sisterakas, nag-overlap.

"So, sabi ko ngayon, isa lang, isang pelikula lang gagawin ko sa isang taon.

“Siguro hindi yung [TV] show, yung ibang ginagawa ko.

“Kasi iba yung ano, e, mas madaling magbawas ng pelikula kaysa magbawas ng TV show.

"Kasi ang popularity mas name-maintain kapag mas visible ka sa TV kaysa sa pelikula, e.

“Kasi dati, di ba, iba yung movie stars sa TV stars?

"E, ngayon, parang ang hirap mo maging movie star pag hindi ka TV star.

"Kaya dapat mas mag-concentrate ka sa TV kaysa sa iba.”

Ngayong taon ay isa sa entries sa Metro Manila Film Festival ang gagawing pelikula ni Vice na Girl Boy Bakla Tomboy, kung saan makakasama niya si Maricel Soriano.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN