Glaiza de Castro takes advantage of long-awaited vacation to tour U.S., Canada, and Dubai

Pagkatapos ng sunud-sunod na trabaho ay nakapagbakasyon na rin sa wakas ang aktres na si Glaiza de Castro. Kasunod ng pagdalo sa ilang events ng GMA Pinoy TV sa U.S. at Canada, ay idiniretso na ng aktres ang pagbabakasyon.


Ngayong araw, July 5, ang uwi ng Kapuso actress na si Glaiza de Castro mula sa kanyang matagal nang hinihiling na bakasyon sa iba’t ibang bansa.

Matagal nang plano ni Glaiza na makapagbiyahe at mag-enjoy sa iba’t ibang bansa. At deserving naman ang aktres na magbakasyon dahil sa sunud-sunod na trabaho niya.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Glaiza sa pamamagitan ng direct messaging sa social networking site na Twitter.

Aniya, “Masasabi ko na I deserve this vacation.

“Matagal ko nang pinlano ito at ilang beses na ring hindi natuloy dahil biglang may pumapasok na trabaho.

“Okey lang naman dahil kailangan perfect timing din ang pagbakasyon. I make sure na wala akong masasagasaan na trabaho.

“Nagkataon naman na okey na ang schedules ko at napayagan akong bumiyahe.

“Kaya sobra kong in-enjoy ang bawat moment ng vacation ko.”



PHILIPPINE INDEPENDENCE DAY IN U.S. AND CANADA. Pero bago ma-enjoy ni Glaiza ang kanyang bakasyon, um-attend muna siya, kasama ang ilang Kapuso stars, sa Philippine Independence Day celebration sa U.S. noong nakaraang buwan.

Masayang-masaya si Glaiza dahil nagkaroon siya ng pagkakataon na makita ang ilang U.S.-based Pinoys na mga tagahanga niya.

Sabi ni Glaiza, “Nakakatuwa kasi napapanood nila ang mga show namin over GMA Pinoy TV at GMA Life TV.

“Yung pinaka-latest nga ay yung Temptation of Wife namin nina Marian Rivera, Dennis Trillo, at Rafael Rosell.

“Pero napapanood pa rin nila yung mga dati ko pang mga series tulad ng Stairway To Heaven, Grazilda, Kung Aagawin Mo Ang Lahat Sa Akin, Biritera, Diva, at Amaya.

“Tuwang-tuwa sila nang makita nila kami doon sa celebration nila.

“Kami naman, masaya rin dahil ramdam namin yung suporta nila sa GMA-7.”

Ang unang dinaluhan nina Glaiza ay ang Pista Sa Nayon sa Vallejo, California, noong June 1, na inorganisa ng Philippine Cultural Committee.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sumunod naman ay ang Pagdiriwang Philippine Festival sa Seattle, Washington, noong June 8 and 9. Inorganisa naman ito ng Filipino Cultural Heritage Society of Washington.

Sa dalawang naturang events ay nakasama ni Glaiza si Dennis Trillo.

Nakasama naman ni Glaiza sina Dennis, Marian, Rafael, at Julie Anne San Jose sa Toronto, Canada noong June 22 sa Pinoy Fiesta and Trade Show. Sponsored ito ng Philippine Canadian Charitable Foundation at Philippine Chambers of Commerce Toronto.

Pagkatapos nito ay lumipad si Glaiza sa New Jersey para daluhan ang Philippine-American Friendship Parade and Festival sa Jersey City.

Tumanggap pa nga ng recognition si Glaiza at ang GMA International dahil sa kanilang participation sa kanilang yearly event.

Sponsored ang naturang events ng GMA Pinoy TV, GMA Life TV, at GMA TV International.



VACATION TIME. Pagkatapos ng lahat ng trabaho ni Glaiza, doon na siya nakapamasyal at nakabisita sa ilang mga kamag-anak niya sa California at Toronto.

Kuwento ng Kapuso actress, “Masaya ang naging experience ko sa U.S. dahil nandoon ang maraming kababayan natin na sumusuporta sa mga shows ng Kapuso network.

“Gusto ko nga na every year ay nakakapunta ako sa mga events nila para mapasaya sila.

“Noong bisitahin ko naman ang relatives namin, parang fiesta pa rin dahil sama-sama silang mga Pinoy at nagkakaisa silang lahat.”

Bukod sa U.S. at Canada, lumipad din si Glaiza papuntang Dubai, UAE last June 26 upang ituloy ang mga natitirang araw ng kanyang bakasyon.

“Actually, rumaket din ako doon!” pambubuko ni Glaiza sa sarili.

“Nagkaroon ako ng show doon sa Chikka Grill na A Night With Glaiza de Castro.

“Successful ang show dahil ang daming mga Pinoy doon. Sarap na i-entertain ang mga Pinoy dahil miss na miss nila ang local entertainers natin.

“Sobra akong natuwa na nagawa ko iyon para sa kanila.

“Tapos nabisita ko rin ang ilang kamag-anak namin na naka-base doon.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



BACK TO WORK. Pag-uwi ni Glaiza sa Pilipinas ay haharap na ulit siya sa taping ng sitcom na Vampire Ang Daddy Ko at rehearsals para sa Sunday All Stars.

Wala pang sisimulan na bagong series si Glaiza, pero sinabihan na siya tungkol sa susunod niyang teleserye.

“Nakaka-miss na rin ang mag-taping. Yung last ko nga was Temptation of Wife pa.

“Pero twice na akong nakapag-taping ng Magpakailanman.

“At least doon ay nakakapag-drama ako habang naghihintay ako ng bagong sisimulan na drama series.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN