Director Cathy Garcia-Molina on "magic" of KathNiel loveteam: "They really have it."

Pagkatapos ng ilang taon ay nagbabalik sa primetime television ang direktor na si Cathy Garcia-Molina sa pamamagitan ng Got To Believe. Sabi niya tungkol dito, “More than mag-rate, sana it creates good feedback from the people. Sana ma-entertain namin kayo, mapakilig namin kayo, make you believe in love once more, or make you want to love again... Always, always… yun naman po ang aming intensiyon."


Mula sa tagumpay ng pelikulang Four Sisters And A Wedding—na patuloy pa ring tumatabo sa takilya—ay isa namang primetime series ang idinidirek ngayon ni Cathy Garcia-Molina.

Ito ay ang Got To Believe na tinatampukan ng isa sa pinakamainit na loveteams ng ABS-CBN—sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Sa presscon ng teleserye noong July 2, nilinaw ni Direk Cathy na ang Got To Believe nina Kathryn at Daniel ay hindi remake ng pelikulang Got 2 Believe ni Claudine Barretto at ng yumaong si Rico Yan noong 2002.

Sabi ng box-office director, “Oo, ibang-iba po.

“Theme song [‘Got To Believe In Magic’], pero kahit yung rendition nito ay very different. Pareho lang na genre.”

Bukod sa mga tambalang John Lloyd Cruz-Bea Alonzo at John Lloyd-Sarah Geronimo, sina Kathryn at Daniel na ba ang susunod niyang paboritong loveteam?

Nagbibirong sabi ni Direk Cathy, “That I have to see.

“Hello, ewan ko sa dalawang ’to! Sabi ni [Daniel]... favorite ko daw sila.

“I have worked with them for ilang days pa lang. So, more time and effort pa.

“Sinabi sa akin na... yung tsismis sa akin na, ‘Naku, Direk, makulit ‘to [Daniel]!’

“Pero masaya na makulit. Ang maganda sa kanya is he explores.

“Si Kathryn naman kasi, bata pa ‘to, nakatrabaho ko ito…

“So, hindi kami ka-alien to each other, ’no. Hindi kami strangers.

“Heto talaga si Daniel ang alien!” pagbibiro pa niya sa young actor.

“Pero nakita ko ‘to sa Pililla, Rizal [location ng Got To Believe], dyusko, nakita ko kung paano naging crowd-drawer ang taong ’to!

"Pero I hope, I hope… I can only wish the best for the two.

“Nakita ko yung potential nila na maging ‘the next,’ ’no.

"Nasa kanila na lang yung... kung bakit nila ginagawa ’to. Why do they do this? Why do they want to be actors? Why do they want to give good shows? Yun lang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Other than these, they have it... they really have it.

“They have the magic to be... got to believe in magic nga, e."



DISCIPLINARIAN. Kilala si Direk Cathy bilang isang disciplinarian na film and TV director.

In fact, bago magsimula ang unang taping nila ay nagpahayag si Daniel ng kaba at pang-aalangan dahil sa imahe ng direktor.

Paliwanag naman ni Direk Cathy, "Well, actually, it’s not the first.

“Most of my actors really know that I am. And, I am, pero I hope in good way, ’no.

"I only act like that to them, for the show… bringing out the best in them, emote.

“Kasi siyempre, kasi teenagers itong mga hawak ko.

"So, I have this responsibility na feeling mother na sana, ’no, na hindi lamang ang matutong umarte ang matututunan nila sa akin.

“Sana matutunan din nila para mabuhay, paano giyahin ng konti.

"I’m not their mother but I can be of help para mas tama ang landas na tatahakin nitong dalawa."



THERE IS MAGIC. Pero naniniwala ba si Direk Cathy na may magic ang loveteam nina Kathryn at Daniel, tulad ng magic ng loveteams nina Claudine-Rico, John Lloyd-Bea, at John Lloyd-Sarah?

Tugon niya, “Oo! Opo, totoo. Tamang-tama ang title sa kanila.

"Actually po, heto, a bit of chika, I always see them together.

“Sabi ko, ’Lumayo nga kayo sa isa’t isa.’

“Sa story conference, pinaglayo ko na sila, ‘Dun ka… dun ka... diyan ka… diyan ka.’

"Wala, parang... a little bit of bubble that there’s just for the two of them.

“Masaya naman.

“If it happens, maganda naman. Maganda for them, maganda for us.

“Huwag mag-aaway sana. Lagot sa akin ’to!" biro pa niya.

Paano maiaangat ni Direk Cathy ang kilig factor kina Kathryn at Daniel, lalo na’t marami na siyang naidirek na pelikulang kinilig ang mga manonood?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sagot niya, "Paano nga ba?... Don’t take it negatively ’coz I was doing It Takes A Man And A Woman habang ang Princess And I ay ipinalalabas, so hindi ko po alam.

"Wala akong idea kung ano ang kilig na ino-offer ng Daniel at Kathryn, which may be good for me kasi ang libre ko.

“Ang libre ko na gawin ang kahit ano.

"It comes naman po, di ba... kasi ako naman yung type of the director na somehow ay organic.

“Which means, when I’m on the set, I’d do what is there.

"So, kung ano ang mabigay sa akin ng dalawa kong artista, I will just enhance it.

“Kung ano ang script na naibigay ng creative team, nagdadagdag na lang ako ng akin.

"All I’m saying is, naniniwala ako na, ibang tao, ibang klaseng kilig. Ibang characters, ibang kuwento.

“So, I don’t think it will ever be the same.

"So definitely, it will be different kind of kilig."



BACK ON TV. Bago ang Got To Believe, ang huling primetime series na idinirek ni Direk Cathy ay ang Lobo noong 2008, bagamat pagkatapos nito ay gumawa siya ng ilang episodes para sa Precious Hearts Romances Presents series.

Nitong mga nakalipas na taon ay nag-concentrate si Direk Cathy sa paggawa ng mga pelikula.

Sabi niya tungkol dito, "It’s good to be back. I am excited with this soap kasi it’s been a while.

“My last was Lobo. And then yung Lobo, nagitnaan pa ng One More Chance kaya hindi buo.

"But I’ve been doing Precious Hearts for a while, so hindi nawala yung kati sa paggawa ko sa telebisyon.

“Pero ngayon, excited. I’m very, very excited.

"I’m so blessed to work with these fine actors… sobra pong ang babait nila. I admire their professionalism.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I can’t say anything na pangit about them.

"I have a very good cast, strong one."

Kasama rin sa cast ng Got To Believe sina Carmina Villarroel, Ian Veneracion, Manilyn Reynes, at Benjie Paras.

Hiling ni Direk Cathy, katulad ng mga pelikula niya at sa Princess And I nina Daniel at Kathryn, ay tangkilikin din ito ng mga manonood.

"Of course!" bulalas niya.

“Kahit sino naman... any director would wish that her soap would be successful.

"But this one... lagi naman, di ba, on top of your nose, sana tanggapin ng tao.

“More than mag-rate, sana it creates good feedback from the people.

"Sana ma-entertain namin kayo, mapakilig namin kayo, make you believe in love once more, or make you want to love again...

“Always, always… yun naman po ang aming intensiyon."



DIREK CATHY’S “MAGIC.” Ano naman kaya ang “magic” ng isang Cathy Garcia-Molina na halos lahat ng mga proyekto ay pumapatok?

"May magic ako?" natatawang reaksiyon niya.

"Hindi ko alam. Hindi ko alam na may magic ako.

"It’s for them to see and not for me to say.

"Heto, turf ko ’to, rom-com [romantic-comedy].

“Natutuwa ako na isalin sa telebisyon ang ’rom-com feel’ na alam ko at ginagalawan ko.

"So excited ako na i-rom-com sina Benjie at Manilyn, si Mina at si Ian po.

"So, nakakatuwa na hindi lamang sa bida nanggagaling ang kilig, hindi lamang sa young ones o teenagers.

“Natuwa naman po ako," pagtatapos niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN