Bianca Gonzalez wants to personally settle issue with Amalia Fuentes

Ito raw ang pinakamalaking natutunan ni Bianca Gonzalez tungkol sa pakikipagrelasyon: “Di ba, sometimes you try to impress the person? Gusto mo kung ano’ng gusto niya, kunyari yun din yung gusto mo. Kunyari interest mo rin. Pero in the end, magkakaalaman din, e. Kaya mabuti na from the very start, kung sino ka, yun na, ito na yun. Take it or leave it.”


Lagpas isang taon na ang libel case na isinampa ng veteran actress na si Amalia Fuentes laban sa TV host na si Bianca Gonzalez.

Kaugnay ito sa artikulong isinulat ni Bianca sa Philippine Star na may titulong “Love, Laughter & Intrigues with Eddie & Annabelle,” na lumabas noong February 12, 2012.

Sa launching ni Bianca bilang bagong endorser ng Betadine noong Martes, July 2, sa Crowne Plaza Hotel, sa may Ortigas, nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Ang Latest ng TV5 ang TV host.

Kinumusta namin kay Bianca ang libel case na isinampa laban sa kanya ni Amalia.

Sabi niya, “Nagkasundo na si Miss Amalia and si Tita Annabelle [Rama].

“Yung akin naman, parang there was an appeal, pero parang wala pa akong naririnig after that.

“Oo, kasi they file and then you counter an affidavit, and then parang na-dismiss and then may appeal.

“Pero I don’t know kung kasama doon yung nagkasundo na sila ni Tita Annabelle after.”



FIRST LIBEL CASE. Marami raw natutunan si Bianca sa usaping legal pagkatapos niyang masangkot sa kaso.

Saad niya, “Ang dami kong natutunan sa law.

“First libel case na takot na takot na takot ako… totoo nga, I was so scared.

“Kasi, ang nagsabi pa sa akin, si Ginger Conejero [ABS-CBN showbiz reporter].

“Sabi niya, ‘Bianca, can I interview you about your libel case?’

“Nasa PBB [Pinoy Big Brother] house ako nun. Sabi ko, ‘Ano ginagawa ko, libel case?’

“Tapos inaalala ko talaga lahat nung mga na-interview ko, kung may sinabi ako sa TV, ganyan.

“So, sinabi ko kay Ginger na, ‘Sorry, I have no idea what you’re talking about, can I call you?’

“So si Ginger pa sa lahat ang unang nagsabi sa akin.

“And then I remember the first person that I called is Tito Boy [Abunda, her manager].

“‘Tito Boy, I have something to tell you…’ Takot na takot ako, ganyan-ganyan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sabi niya, ‘Don’t worry, Bianca…’ Parang ‘congratulations…’ Kinongratulate pa ako kasi apparently, may ganun na honor effect pala yun.

“Yun pala yung industry tsika about libel.”

May kasabihan sa showbiz na ang isang manunulat ay “naka-arrive” na bilang writer kapag nagkaroon na ito ng kasong libelo.

Feeling ni Bianca, “baptism of fire” ito sa kanya.

Saad niya, “Baptism of fire siya.

“Hindi siya parang you’ll watch what you’ll say more, more of at least na alam mo nang may consequence kung may sakaling ginawa ka.”

Sa ngayon, umaasa pa rin si Bianca na makausap nang personal si Amalia.

“I actually thought na kung gagawa siya ng soap sa ABS-CBN, na baka may tsansa na ma-interview ko siya. But the opportunity hasn’t come yet.

“So when this thing happened, that was the first thing we say naman— we really apologize.

“Kumbaga, as much as possible, gusto ko sana maayos in person between two camps… we’ll see.

“Siyempre, it’s her right naman to do what she wants.”



DREAM INTERVIEW. Napunta naman ang usapan sa kanyang trabaho—bilang TV host, magazine editor and columnist.

Sino ang kanyang dream interview?

Tugon ni Bianca, “Si Tito Boy. I’ve never interviewed Tito Boy pa, takot ako.

“In fact, today, dahil I hardly… ito yata yung first launch ko na siya yung nag-host.

"Feeling ko, nagti-thesis defense ako kasi manager ko yung...

“Yung feeling ko na kailangan ko siyang ma-impress, ‘Kasi ikaw yung inaalagaan ko, ikaw yung tinrain ko.’

“So, nakaka-tense.

“So he would really be a dream interview.”

Kung mangyayari ito, ano kaya ang magiging first question niya?

Ani Bianca, “Oh, my God, that’s so hard!

“’Ito ang magic mirror…’ hindi... siguro ano... kasi, di ba, he has it all?

“Parang, ’What’s the worst thing about being Boy Abunda or hardest thing?’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, yun, I think nire-reserve ko for a milestone.

“Kasi, parang for me, I have so much respect for Tito Boy na parang siya yung nagkupkop sa akin noong walang naniwala sa akin.

“So parang, for me, siya yung sa rurok pag may napaka-important na kailangan kong gawin.”

Sa ex-boyfriends niya, sino ang gusto niyang ma-interview?

“Si Lino…” sagot ni Bianca bilang pagtukoy sa direktor na si Lino Cayetano, na ngayon ay congressman na ng Taguig City.

“E, siya lang naman yung public personality.

“First question? More of what would it take for him to settle down.”

Ayon kay Bianca, okay na ang pagkakaibigan nila ngayon ng dating kasintahan.

“Yes, we’re okay.

“But before, mga two years ata kaming hindi kami nag-usap after the breakup. May ganun, e.

“Parang kailangang may ganun bago kayo maging friends ulit.

“That’s the nice thing about it, di ba?

“Dati affected na affected, pero after, puwede n’yo na pagtawanan.”



LOVE AND JC INTAL. Tungkol naman sa pag-ibig, ano ang natutunan ni Bianca ngayong nag-mature na siya?

Tugon niya, “Siguro, yung show kung sino ka from the very start.

“Di ba, sometimes you try to impress the person?

"Gusto mo kung ano’ng gusto niya, kunyari yun din yung gusto mo. Kunyari interest mo rin.

“Pero in the end, magkakaalaman din, e.

“Kaya mabuti na from the very start, kung sino ka, yun na, ito na yun. Take it or leave it.”

Bagamat super in love sila ng boyfriend niya ngayong si JC Intal, isang basketbolista, wala pa raw sa isipan nila ang lumagay sa tahimik.

Sa Instagram account naman nila ay palagi silang nagpu-post ng road trips nila.

Sabi ni Bianca, “Yes, kasi now that I do the morning show, may weekend na usually for me.

“Yun, tulad ng ginagawa ng normal na tao, kung wala nang office pag wekeend, ayan, rampa.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dagdag pa niya, “Kaya naman pala more than anything, kaya naman pala i-balance.

“And then, pag schedule naman ng tama, kayang gumawa ng mga short trips kapag weekend.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN