Enrique Gil on successful showbiz career: "Heto ako, suwerte lang. Nagustuhan ng tao."

Tanggap daw ni Enrique Gil na sa likod ng tinatamasa niyang tagumpay ay ang mga intriga at kontobersiya. Saad niya, "Kapag artista ka, part talaga yun. Maraming perks ang pagiging artista—fame, money… ano pa ba? Pero yung sa kabila nito ay yung intrigues nga. Hindi nila alam na yung sa perks na yun, meron ding downside yun. Yung alam mong hindi lahat ay magaganda ang masasabi sa ’yo. Kapag may nangyari sa ’yo na isang sablay, mas marami ang mas


Isa sa pinakamainit na male stars ngayon sa bakuran ng ABS-CBN si Enrique Gil.

Patunay nga nito ang pagbibigay sa kanya ng titulo ng kanyang home studio bilang “The Next Ultimate Leading Man.”

Pero ano nga ba ang kaibahan ni Enrique sa ibang male stars?

“’Yan ang hindi ko alam. Tao lang siguro ang makakapagsabi.

“Kasi ako, ipinapakita ko lang kung sino ako, e. Of course, si Enrique na mahilig sumayaw.

“Kung gusto n’yo, di gusto n’yo; kung hindi, hindi!" natatawang sagot niya.

Dagdag ni Enrique, “Basta ako, ginagawa ko lang kung ano ang dapat kong gawin.

"Ang dapat kasi, kapag may ibinigay sa ’yong project, ibigay mo lahat— as in lahat-lahat.

“Kasi kapag nakita ka ng network na, ’Oy, kaya nito!’ bibigyan at bibigyan ka nila.

"Kasi may kanya-kanyang rason, e. Kaya ka nila pinili dahil alam nila na kaya mo.

“Kaya kung kaya mo, gawin mong tama.

“At kung tama ang ginawa mo, may papansin sa ’yo.

"Yung iba, alam ko na meron ding silang ginagawa. I’m just being real.

“Heto ako, suwerte lang. Nagustuhan ng tao."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Enrique sa presscon ng bagong primetime series ng ABS-CBN, ang Muling Buksan Ang Puso, noong Martes, July 2.

Paano naman kaya niya mapapanatili ang magandang impresyon sa kanya ng mga tagahanga?

Pahayag ng Kapamilya actor, "Kung ano man ako sa pagkakakilala nila, yun pa rin naman ako.

"Kasi ang sikreto ko lagi ay skills, hardwork, and patience. Pero kailangan alam mo kung saan ka para magawa mo yun.

"Yun ang tingin ko sa buhay, kasi isa lang ang buhay mo, e.

“Kung sino ka, ipakita mo.

"Kasi may tao na hindi sila yung totoong ipinapakita. Parang nag-iibang tao.

“Feelng ko, iisa na lang ang buhay mo, ipakita mo na kung sino ka. Sayang naman.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Heto na yung chance para ma-appreciate ka ng tao, mapamahal ka ng tao, so grab mo na."



UNDER THE SEA. Napag-usapan din namin ang kanyang aspiration sa buhay noong hindi pa siya artista.

Pagbabahagi niya sa PEP, “Noon, ang gusto ko talaga na maging, isang marine biologist.

“Kasi, yun sana ang isa sa mga gusto kong gawin.

"Pero siyempre, hindi na mangyayari yun. Artista na ako at sa ibang bansa lang yun puwede.

"Kasi, ewan ko… Alam mo, sa ilalim ng dagat natin, 20 percent pa lang ang parang naano natin… nai-explore.

“Yung 80 percent, hindi natin alam kung ano’ng meron.

"Ewan ko, ganun ako ka-concern sa environment at marine life.

“Kasi every time sa news na parang may nadi-discover na kung anu-ano, ’so ano pa kaya ang down there,’ di ba?

“Para siyang ibang planet, e.

"At saka nakapag-diving na rin ako, iba ang pakiramdam, e."

Kailan nagsimula ang interes niyang ito at paano ito na-develop sa kanya?

Paliwanag ng 21-year-old actor, "Yung mom ko [Bambi Gil] kasi is from Cebu.

“So, every time na birthday ko, Christmas o holiday, sa beach kami every day.

“I grew up sa beach—that’s how much I love it.

"Hindi lang ako sa marine life interested, sa animals din. Kahit anong animals, mahilig ako… ewan ko kung bakit.

"Tapos, nang maging artista na ako, kahit nandun pa rin ang interest ko, pero siyempre sa sobrang pagka-busy ko na, nawawala na rin sa loob ko.

"Kaya parang bumalik uli nang tanungin n’yo ako."

Wala naman daw siyang pinagsisihan na hindi ito natupad.

Sabi ni Enrique, "Wala naman. Hindi lang ako prepared na iniwanan ko ang old life ko.

"Hindi ko alam kung paano ko iiwanan ang dating kinaugalian ko o kinasanayan ko.

"Ibinigay sa akin yung buhay ko ngayon na parang, ’Wow, ang bilis naman!’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero to be honest, masaya na ako kung nasaan man ako ngayon."



ISSUES AND CONTROVERSIES. Dumako naman ang usapan tungkol sa mga naisusulat sa kanya—mayroong maganda ngunit hindi rin nawawala ang mga isyu at kontrobersiya.

Ano ang masasabi niya dito?

Saad ni Enrique, "Ang nasa isip ko kasi, kapag artista ka, part talaga yun.

“Maraming perks ang pagiging artista—fame, money… ano pa ba?

“Pero yung sa kabila nito ay yung intrigues nga.

"Hindi nila alam na yung sa perks na yun, meron ding downside yun.

"Yung alam mong hindi lahat ay magaganda ang masasabi sa ’yo.

“Kapag may nangyari sa ’yo na isang sablay, mas marami ang masasabi kasi kilala ka nga ng tao."

Dagdag niya, "Kaya ako, tuwing may ginagawa ako, ang naiisip ko yung mga nanonood sa akin.

“Alam ko na hindi lahat magugustuhan ako.

"Salamat sa mga nagkakagusto, salamat din sa mga bumabatikos—magkapatid ’yan sa industriya."

Ang iba kasi, ang tingin sa mga artista ay “demigods” na hindi puwedeng magkamali at kailangan ay perpekto.

Pagsang-ayon ni Enrique, "Ganoon nga, kasi artista ka. Nawawala sa isip nila na tao pa rin kami.

"Kaya kung meron kaming nagagawa na hindi maganda, hindi sila makapaniwala. Parang, ’Ginawa niya ’yan?’

"Kaya sabi ko nga, blessings talaga yung fame and money, pero curse din yun.

“Kasi sobra din ang epekto kapag hindi maganda ang nagawa namin."

Nararamdaman ba niya na malaking responsibilidad ito sa kanilang mga artista?

"Oo, oo," sagot niya.

"Para kaming gold fish. Ang lahat ng tao ay nakatingin sa bowl pero wala kaming magawa.

"Kahit nasa mall ka, lahat ay nakikita. Lahat ng galaw mo ay napapansin nila.

"Minsan naiisip mo na, ’Bakit ba?’ Pero eto ang pinasok mo, e.

“Iniisip ko na lang na, ’Ganun talaga. I-enjoy mo na lang.’

"At least, alam mo na. May something sa ’yo na gusto ng tao. Okay na yun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“At least nandito ka. Alam mo na may purpose ka."



ENJOYING THE ATTENTION. Sa kabilang banda ay nae-enjoy rin naman daw ni Enrique ang atensiyon na ibinibigay sa kanya ng publiko.

Aniya, "Oo, iba yung power na may napapasaya ka nang marami sa isang ’hello.’ Iba yun.

"Ako, kung anuman ang mangyari sa akin pagkatapos nito, okay lang ako.

"Basta kung ano ang ibibigay nila sa akin, I’ll do the best that I can do."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN