John Lloyd Cruz on relationship with Angelica Panganiban: “Sobra talagang walang problema.”

“Right now, my life has never been better. Kahit naman in the past months, wala namang isyu talaga,” says John Lloyd Cruz clearing the negative issues about his relationship with Angelica Panganiban.


“Magical moment” na itinuturing ni John Lloyd Cruz ang kanyang nakaraang 30thbirthday celebrations.

Dalawang araw bago ang kanyang mismong kaarawan noong June 24, nagkaroon ng back-to-back celebrations ang Box-Office King.

Noong June 22, nakasama ni John Lloyd sina Billy Crawford at Luis Manzano at iba pang malalapit na kaibigan sa birthday treat na inihanda ng kanyang iniendorsong watch brand.

Noong sumunod na araw, June 23, ang girlfriend naman niyang si Angelica ang naging punong-abala para sa isa pang surprise birthday party para kay John Lloyd.

(VIEW GALLERY: John Lloyd Cruz celebrates 30th birthday)

Naging sikreto sa publiko at ilang media ang nasabing mga selebrasyon, ngunit nagbigay ng kaunting paglalarawan si John Lloyd tungkol dito sa ginanap na press launch ng bagong campaign ads ng iniindorso naman niyang Magic Flakes kanina, July 5, sa Crowne Plaza Hotel, sa Ortigas, Mandaluyong City.

“That night was truly magical talaga,” panimula ng Kapamilya actor.

“Parang at 30, parang nakuha ko lahat ng wishes ko that day.

“Nakuha ko ‘yong inflatables ko, nakuha ko ‘yong Velcro wall ko, nakuha ko ‘yong air hockey table ko.

“Tapos nandoon lahat ng closest friends, my family, my newfound friends nandoon.

“So, talagang napaka-special noong gabing ‘yon.”

Ipinaalam din ni John Lloyd sa media kung gaano siya napasaya ni Angelica sa ikalawang gabi ng selebrasyon ng kanyang kaarawan.

Sabi ng award-winning actor, “Wala na akong inasikaso, lahat trinabaho na ni Angelica.

“So, kung lalaki ka, napakalaking bagay na no’n. I think you would understand kung ano ang sinasabi ko.

“It was a magical moment for me, for myself on my very special day together with all the closest [people] in my life.”



NO MORE REWARD. Dahil sa kanyang mga natatanggap na blessing, ani John Lloyd, wala nang dahilan para humiling pa siya ng anuman para sa kanyang sarili.

Sabi niya, “Alam mo, for the past so many years, I’ve been so blessed and finding a way to reward myself.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I don’t know, parang abuso na. Medyo abuso na ako doon.”

Kaya naman para kay John Lloyd, malaking reward nang maituturing ang pinaplano niyang bakasyon sa Thailand.

“Magkaroon lang ako ng time… Like ngayon, magkakaroon ako ng time to go to Bangkok with my cousins, my brother, and with Angelica.

“This is a good reward that I consider.”

Pagkatapos ay inulit ng aktor na hindi na niya kailangang humiling pa para sa kanyang kaarawan.

“To actually ask for something para sa birthday ko, siguro hindi na.

“Every birthday naman is always a good time to give back, especially sa mga nagmamahal sa ’yo at sumusuporta sa ’yo, to the fans especially.

“I know it sounds cliché, pero kung wala namang fans na sumusuporta sa ’yo, di ba, saan ka pupulutin.”



“WALANG PROBLEMA.” Samantala, naging bahagyang sensitibo si John Lloyd nang kumustahin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang kanyang lovelife.

Inamin ni John Lloyd na “offending” na ang mga mali at negatibong isyu na lumalabas tungkol sa relasyon nila ni Angelica.

Mariing nilinaw ni John Lloyd, “Right now, my life has never been better. Kahit naman in the past months, wala namang isyu talaga.

“You know, ‘yong sa amin ni Angelica na pilit ginagawan ng isyu, nakakasawa na nga.”

Pagkatapos ay binanggit ni John Lloyd na madalas ay galing na mismo sa ilang media ang mga naglalabasang negative issues tungkol sa kanila ng kasintahan.

Aniya, “You know, minsan kasi hindi na kami ang gumagawa. Minsan media na ang gumagawa.

“Minsan, nagtataka ka kung saan nanggagaling. Wala naman talaga kaming problema pero kapag iniinterbyu kami…

"It’s quite offensive, ha?

“Parang people can assume na may pinagdadaanan ka. Parang, ‘Paano n’yo nalaman?’ Parang, ‘Ano’ng alam n’yo?’

“Kaya siya nakaka-offend kasi parang it’s in a way of putting words into our mouths.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



“WEIGHT ON OUR SHOULDERS.” Nais ni John Lloyd na kung maaari ay matigil na ang paglalabas ng anumang hindi maganda at hindi totoong balita tungkol sa kanya at sa relasyon niya kay Angelica.

Paalala ni John Lloyd, “May mga taong nag-aalala for us, may mga fans na nag-aalala.

“And mind you, ang tao, especially ‘yong mga nagbabasa ng tabloids, kung ano ‘yong pini-feed mo sa kanila, every day pini-feed mo, sometimes naniniwala sila, e.

“So, parang dapat mas ma-exercise ‘yong kung ano’ng klase ng journalism ba ang kailangan, kasi parang hindi na rin maganda.”

Dagdag pa ng aktor, “In a way, parang nagbabayad kami sa mga maling balita na ipinapakalat ng mga tao.

“Kagaya ninyo, tao rin kami na may family, may family abroad, na kapag nakarinig ng mga balita na hindi maganda, nag-aalala.

“So, that’s weight on us, on our shoulders.”

Para bigyang-diin, muling sinabi ni John Lloyd, “Mula noon hanggang ngayon, masayang-masaya kami.

“Siguro, kaya rin siguro para bigyan kulay ng iba, parang, ‘Sige, batuhin natin sila. Gawan natin sila ng istorya na hindi sila masaya.’

"Siguro, ganun talaga ang mundo.

“But minsan lang kasi, nag-aalala ‘yong ibang tao.

"I always get a text na, ‘Okay lang ba kayo?’

"Nagtataka ako minsan kapag may nakita ako, ‘Okay ka lang?’ Sabi ko, ‘Bakit?’

“Sobra talagang walang problema.

"Sobrang we get along, pamilya namin walang problema.

"I mean, walang rason talaga.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN