Carlo J. Caparas posts bail; claims all tax evasion cases against him were dismissed

Itinanggi ng direktor na si Carlo J. Caparas na pinagtataguan niya ang batas matapos maglabas ng warrant of arrest ang Quezon City tax court laban sa kanya. Pahayag ni Caparas, “Ako kasi yung tipo ng taong hindi marunong umiwas o tumakbo kapag may sitwasyon na hindi maganda, e. Kaya ako mismo pumunta sa Court of Appeals at nagbayad ng bond."


Itinanggi ni Carlo J. Caparas na siya ay nagtatago dahil sa warrant of arrest na inilabas ng Quezon City court laban sa kanya dahil sa hindi raw nito pagbabayad ng tamang buwis at Value Added Tax (VAT).

Sa ulat ng ABS-CBN News ngayong gabi, July 5, sinabi ng direktor at comicbook artist na na-dismiss na ang kasong tax evasion case na isinampa laban sa kanya.

Aniya, “Na-dismiss na tax evasion at ang natira ay VAT returns.

"Pagkabayad mo pala ng tax at ng VAT, yung returns ay kailangan mo ipasa sa kanila.”

Idinagdag ni Caparas na naglagak na siya ng kaukulang piyansa para sa mga kasong isinampa laban sa kanya.

Saad niya, “Ako kasi yung tipo ng taong hindi marunong umiwas o tumakbo kapag may sitwasyon na hindi maganda, e.

"Kaya ako mismo pumunta sa Court of Appeals at nagbayad ng bond.”

Apat na kaso ang kinaharap ni Caparas sa Quezon City Court of Tax Appeals dahil sa diumano’y pagkabigo nito na mag-file ng VAT mula 2007 hanggang 2010.

Ngunit giit ng direktor, hindi siya nabigyan ng notice of warrants kundi nalaman na lamang niya ito sa media.

Sinabi pa ni Caparas na wala siyang dapat ikatakot sa Bureau of Internal Revenue (BIR) dahil napawalang-bisa na nga ang dati niyang tax evasion cases.

Dagdag pa niya, ang mga kontratang kanyang napirmahan para sa iba’t ibang mga proyekto ay nagsasaad na hindi siya ang dapat magbayad ng anumang buwis.

Matatandaang sinabi ng BIR na maaari pa silang magsampa ng karagdagang kaso laban sa direktor dahil sa pagkabigo nitong mag-file ng tamang buwis.

Pero ayon kay Caparas, hindi siya masyadong pamilyar sa mga requirements ng ahensiya.

Sinabi pa niyang sana ay gumawa ang ahensiya ng hakbang kunsaan isapubliko ang tax obligations at related procedures para alam ng mga tao.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN