JM de Guzman’s dad debunks "vagrant" rumors; says actor-son "will be a better man when he emerges and he himself will tell the whole true story”

Mr. Ronniel de Guzman on his son JM’s whereabouts: “He’s somewhere, not yet stable but getting better. A few more months and he will be okay. Maybe by December, he will be recovered. He will be a better man when he emerges and he himself will tell the whole true story.”


“He is not well-off but surely he’s not dirt poor,” ang naging reaction ng ama ni JM de Guzman na si Ronniel sa balitang nanlilimahid at pakalat-kalat ang anak at diumano’y namamalimos na lang para sa kanyang pamasahe.

Sa kuwento ni Mang Ronniel kay Ricky Lo sa column nitong Funfare sa Philippine Star ngayong Sabado, July 6, sinabi nitong nasasaktan siya sa mga naglabasang intriga patungkol sa anak.

Aniya, “As a father, I am hurt by those untrue stories. Like any father, I love my son.”

Ang ama ni JM ay desk editor ng Tempo tabloid.

Sinabi pa nito na nakakasiguro siyang malalampasan ng anak ang mga pinagdadaanan nito.

Kuwento pa niya, “Malalampasan niya ang mga demonyo sa buhay niya.”

THE BREAK-UP. Ang hiwalayan nga ba nina JM at ang dating girlfriend nito of two years na si Jessy Mendiola ang isa sa pinakamalaking dahilan kung bakit napariwara ito diumano?

Tugon ni Mang Ronniel, “I don’t want to blame anybody for what happened to JM. He’s 24 and, like any adult, he’s responsible for his actions.”

Dagdag pa niya, “I can say that JM was never disrespectful to me or to anybody. He didn’t bother anybody.

“If at all, sarili lang niya ang naperhuwisyo niya. I love my son so much that’s why it hurts me to read or hear bad stories about him that are not true.”

“As I said, JM is not dirt poor. Star Magic [with which JM is under contract] is taking care of his earnings as it does with those of other contract stars.

“Ten percent of what JM was earnings from his shows, gigs and mall tours have been set aside as his savings at the BDO branch in ABS-CBN and he cannot withdraw from it without the consent of [Johnny] Mr. M. [Manahan].

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nagpapasalamat nga ako sa ABS-CBN na nagtatabi sila ng pera ng mga contract stars nila. I want to make it clear that JM doesn’t support our family. His earnings are his own.”

SECOND-HAND FORD. Last month lang daw ay nakabili ang anak niya ng second-hand Ford sa halagang P350.000.

Kaya daw, sabi pa ni Mang Ronniel, “So I guess he can go around in his private car,” taliwas sa mga naglabasang balitang sumasakay diumano sa mga bus si JM at pumupuwesto sa bandang likuran habang naggi-gitara sa buong biyahe.

Dagdag pa ng ama, “He has also his personal savings sa ATM. He was so small when he was a kid that we jokingly called him Butiki.”

Sa tanong kung “emotionally weak” ba ang kanyang anak, sagot ni Mang Ronniel, “Yes, kaya nga mahusay siyang artista because he is emotional. Otherwise, instead of becoming an artist, he would have become a banker.”

Sa ngayon daw ay nagpapagaling pa si JM kaya minabuti nilang hindi na ituloy ang proyektong Pedro Calungsod para sa 2013 Metro Manila Film Festival.

Dagdag pa ni Mang Ronniel, “He’s somewhere, not yet stable but getting better. A few more months and he will be okay.

“Maybe by December, he will be recovered. He will be a better man when he emerges and he himself will tell the whole true story.”

Huling nakita daw ni Mang Ronniel ang anak may dalawang linggo na ang nakaraan.

Pagtatapos niyang saad, “He raised his left arm and gave me the peace sign, I told him how much I love him.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN