Nash Aguas on being eyed as the next Daniel Padilla: “Iba po ang level ni Kuya Daniel, mataas na po.”

Nash on his being a consistent "trend-setter" on Twitter: “Siyempre po, masaya. Kasi, until now, simula noong pagkabata ko, hindi nila ako iniwan at nadaragdagan pa po sila. So, siyempre po, overwhelmed din po ako. Grabe ang mga mentions ko sa Twitter. Minsan nga po, yung Twitter ko, nagha-hang na kasi, hindi na ma-take lahat ng mention. Kaya nagulat din po ako at first, kasi hindi ko naman po ine-expect na ganoon.”


Malakas ang dating ni Nash Aguas lalo na sa mga batang fans ngayon.

Kahit ilang linggo pa lang silang napapanood sa LUV U, marami na raw request at mas mataas pa raw ang rating na naitala ng LUV U ngayon kesa sa dati.

Masasabing nag-take ng risk ang ABS-CBN sa desisyon nitong sa halip na ang orihinal na cast ng LUV U ay ang bagong batch muna ng nasabing teenserye ang pinagtuunan nila ng atensyon at binigyang pagkakataong mag-shine sa spotlight.

Mabuti na lang at naging matagumpay ang Kapamilya network at ang comedy unit na pinamumunuan ngayon ni Linggit Tan dahil sa magandang reception daw sa bagong batch nga ng mga teens.

Nang makausap naman ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Nash noong Lunes, July 1, sa taping, masaya raw ito dahil aminadong kabado talaga siya noong una.

“Masaya dahil noong una po talagang lumabas, kabadong-kabado ko.

“Siyempre po, hindi ko po alam kung ano ang response ng tao. Pero, noong maganda naman po ang feedback, nag-reflect naman po sa rating.

“Parang ako po, nasiyahan po at the same time, mas gusto ko pa pong mag-taping para mas marami pa kaming maipakita sa mga tao,” panimulang kuwento ni Nash.

Kung ang isa sa co-star niya na si Jairus Aquino ay may kumpiyansa na agad na tatanggapin sila ng manonood, iba naman ang pananaw ni Nash.

Kabado raw siya palagi tuwing eere na sila.

Aniya, “Kinakabahan po ako. Hindi ko nga po pinapanood. Kasi, parang mas gusto ko na marinig lang ang feedback kung okay ba. Pero, hindi ko siya pinapanood kasama ng family ko.”

Pero masuwerte si Nash.

Mukhang hindi lamang noong child star siya gusto ng mga manonood. Kahit ngayong pumasok na siya sa pagiging teen star, dala pa rin niya ang mga supporters niya noon.

TRENDSETTER. Nagugulat daw ang management dahil hindi pa man nagpa-pilot ang bagong batch, nagti-trending na raw si Nash. Bukod dito, sa ASAP ay isa raw si Nash sa most requested palagi na natatanggap ng staff.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Anong pakiramdam niya dito?

“Siyempre po, masaya. Kasi, until now, simula noong pagkabata ko, hindi nila ako iniwan at nadaragdagan pa po sila.

“So, siyempre po, overwhelmed din po ako. Grabe ang mga mentions ko sa Twitter.

“Minsan nga po, yung Twitter ko, nagha-hang na kasi, hindi na ma-take lahat ng mention. Kaya nagulat din po ako at first, kasi hindi ko naman po ine-expect na ganoon.

“Ang tingin ko po sa LUV U, isang Goin’ Bulilit show na pang-teens. Pero, hindi pa po siya yung launching na talaga na parang Star Magic Batch 13 na po,” nakangiti niyang sabi.

Kuwento rin ni Nash, nagugulat din daw siya na kahit may pagka-bully pa ang role niya sa LUV U, nagtataka raw sila na naaaliw pa rin ang mga fans at hina-hashtag daw siya na i-bully niya rin ang mga ito.

Natatawang kuwento ni Nash, “Ano nga po, sa Twitter, sinasabi nila na, ’Benj, i-bully mo ’ko,’ yung ganun. O kaya naman po, ’Benj, pumunta ka sa school ko, i-bully mo ’ko.’

“Yung mga response po nila, natutuwa ako. Kasi, kahit ako po, kung normal na tao na pinapanood ko si Benj, maiinis po talaga ko kasi, talagang ano, pero masaya kasi, hindi sila nagalit sa akin, tinanggap po nila.”

Sa ngayon, tila sina Nash at Alexa Ilacad ang parang naipe-pair, pero tine-test pa rin daw talaga kung ano ang mas magugustuhan ng tao.

Sabi naman ni Nash, “Actually po ngayon, kung mapapansin niyo, iba po. Kasi noong sila ate Miles [Ocampo], mas kilig-kilig. Tatlo po sila, tatlo pong may ka-partner.

“Pero dito po sa batch na ito, hindi po siya yung kilig-kilig. So, parang comedy, problem ng teens. Mas light. Masarap lang panoorin na every Sunday, aabangan niyo ang kuwento.”

CRUSH. “Sino ang may sabi?” ang pangungulit at paulit-ulit na tanong ni Nash sa amin nang ibuko namin na nalaman naming Goin’ Bulilit days pa lang pala nila, may crush na sa kanya si Alexa diumano.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sino ang may sabi? Ang daya!” natatawa pang sabi niya.

Pero, crush niya rin daw yata si Alexa noon?

Natatawa ito lalo at saka sinabing, “Hindi po, kasi po, ang hirap po, magkakaibigan kaming lahat. Magkababata pa po kami.

“Kaya hindi rin po maituturing na parang crush kasi, ang tagal na po naming magkasama.

“Mahirap po, parang paghanga po siguro.”

Natawa ito lalo nang sabihin namin na ano nga ba ang paghanga kung hindi crush.

Paliwanag pa niya, “Close lang po talaga kami kasi, yung Mommy po niya at saka ang Mommy ko, close rin po.”

THE NEXT DANIEL PADILLA? Sa istilo ng pananamit, image at ayos ng buhok ni Nash ngayon, parang ang nakikita raw dito ng ilan sa Kapamilya network ay pupuwede siyang maging next Daniel Padilla.

Ano naman ang masasabi niya tungkol dito?

“Parang ano po yun, parang iba po si Kuya Daniel. Kahit nauna po ako sa kanya or something, iba pa rin po si Kuya Daniel. Idol ko nga po yun. Iba po ang level ni Kuya Daniel, mataas na po.”

Pero pagdating sa acting, bata pa lang siya ay napatunayan na niya ang kakayahan niya.

Nakangiti namang pagtatapos ni Nash, “Sana nga po, ako ang susunod. Pero, siyempre po, iba pa rin po si Kuya Daniel. Nag-uumpisa pa lang po ako. Sana, sana po.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN