Claudine Barretto clueless about Raymart Santiago’s absence at Sabina’s post-birthday party; confirms movie deals

Wala raw ideya si Claudine Barretto kung bakit wala ang asawa niyang si Raymart Santiago sa post-birthday party ng adopted daughter nilang si Sabina. Ito ay sa kabila ng sinabihan naman daw ni Claudine si Raymart at ang pamilya nito.


Noong June 21 ang ika-siyam na kaarawan ng adopted daughter nina Claudine Barretto at Raymart Santiago na si Sabina Natasha Barretto Santiago.

Nagkaroon ng selebrasyon si Sabina sa paaralang pinapasukan nito kasama ang kapatid na si Santino at si Claudine.

Ilan sa mga kuha mula sa selebrasyong ito ay ipinost ni Claudine sa kanyang Instagram account. Kabilang sa mga larawang ito ay makikita ang tila pasa sa mukha ng aktres.

Kaagad naman itong binura ni Claudine ngunit na-photo grab na ng iba at kumalat sa Internet.

(Read: Claudine Barretto’s bruised face on Instagram causes stir among her followers)

Kahapon, July 6, nagkaroon ng post-birthday celebration si Sabina sa pamamagitan ng isang spa party.

Nag-post muli si Claudine sa Instagram ng litrato nila ng anak na may caption na: “Happy 9th Birthday Sabina! We love u.”



RAYMART, A NO-SHOW. Isang araw bago ang post-birthday celebration ni Sabrina ay nakausap ng ABS-CBN News si Claudine.

Sinabi ng aktres na sa Blue Water Day Spa gaganapin ang post-birthday party ni Sabina.

Kuwento niya, “Nagpe-prepare na ako. Puspusan na ang pagpe-prepare.

"Actually mga one week pa lang ako nakakapag-prepare. I’m very excited. I’m very, very excited.”

Dagdag niya, “Dapat yung party niya was last Saturday, kaya lang hindi natuloy kasi nga nagkasakit ako, so yun.”

Ito ang kauna-unahang on-camera interview ni Claudine matapos ang alitan ng kanilang pamilya at ang balitang hiwalayan nila ng asawang si Raymart Santiago.

Speaking of Raymart, “clueless” daw si Claudine sa tanong kung bakit wala sa party ni Sabina ang kanyang asawa.

Sinabihan naman daw ni Claudine si Raymart at iba pa nilang kapamilya tungkol sa party.

Ayon kay Claudine, "Wala siya. Alam niyang may party. Siguro naman alam niya.

"Alam niya naman na birthday ng anak niya. Ipinaalam ko sa kanya at saka sa pamilya niya.”

Ngayong nine years old na si Sabina, marami na raw silang paraan para sa kanilang mother-daughter bonding.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi ni Claudine, “Magwa-watch lang ng movie habang nagpapa-foot spa or habang nagre-relax, kasi dalaga-dalaga na rin.”

MOVIE COMEBACK. Kinumpirma naman ni Claudine ang naunang balita na nakatakda siyang gumawa ng dalawang pelikula para sa Viva Films at Star Cinema.

Nakakontrata si Claudine sa Viva, habang ang Star Cinema ang movie arm ng dati niyang home network na ABS-CBN.

Aniya, “Hindi ko alam kung ano ang mauuna [sa dalawang pelikula], magmi-meeting pa lang kami.

"Magmi-meet palang kami hopefully this week, and doon ko malalaman.”

Mensahe pa niya sa kanyang mga fans, “So now, finally, sa lahat ng mga Claudinians, malapit na malapit na po.

“Magpapakundisyon lang, dahil medyo maraming pinagdaanan, pero eto na. Eto na rin. Malapit na malapit na.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN