Amy Perez resigns from Face to Face

by Arniel C. Serato
Jul 7, 2013
Amy on her sentiments about resigning from Face to Face: “Nagsilang ako ng caesarian sa bunso ko… At kahit hindi pa ako completely healed, itinuloy ko pa rin ang show dahil mahal ko ang programa, ang mga staff ko at audience namin. Pero at this point, gusto ko namang pahalagahan ang mga taong tunay na nagpapahalaga sa akin. Ngayon, hinaharap ko ang sarili ko Face to Face sa sarili ko. Move on talaga.”

Desidido na raw si Amy Perez na mag-resign sa kanyang toprating show sa TV5 na Face To Face.

Sa panayam ng talent manager at TV excutive na si Noel Ferrer kay Amy—na nalathala sa Abante Tonite kahapon, July 6—sinabi ng TV host, “Nakausap ko na ang Backroom [her management outfit] at naibigay ko na ang buong sarili ko sa programa.

“Nagsilang ako ng caesarian sa bunso ko… At kahit hindi pa ako completely healed, itinuloy ko pa rin ang show dahil mahal ko ang programa, ang mga staff ko at audience namin.

“Pero at this point, gusto ko namang pahalagahan ang mga taong tunay na nagpapahalaga sa akin.

“Ngayon, hinaharap ko ang sarili ko Face to Face sa sarili ko. Move on talaga.”

Nagpaabot daw si Amy ng kanyang pasasalamat sa Head of Creative & Entertainment ng TV5 na si Perci Intalan dahil sa pagbigay sa kanya ng oportunidad na makapagpaabot ng serbisyo sa mga tao at sa mga relasyong nangangailangan ng tulong na idinulog sa Face to Face.

Continue reading below ↓

Nakapag-advance taping naman daw sila kaya may mapapanood pang episodes na si Amy ang host hanggang isang buwan.

Read Next
Read More Stories About
Amy Perez, face-to-face, TV5
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Amy on her sentiments about resigning from Face to Face: “Nagsilang ako ng caesarian sa bunso ko… At kahit hindi pa ako completely healed, itinuloy ko pa rin ang show dahil mahal ko ang programa, ang mga staff ko at audience namin. Pero at this point, gusto ko namang pahalagahan ang mga taong tunay na nagpapahalaga sa akin. Ngayon, hinaharap ko ang sarili ko Face to Face sa sarili ko. Move on talaga.”
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results