Ben Chan shares unforgettable moment with Korean pop star Lee Min Ho: “Siya ang kumuha ng picture namin. Bihira ’yan for an international star, di ba?”

Ben Chan on the opening of his 24-story Bench Tower in Bonifacio Global City: “I wish my parents were alive to see this. After 25 years, we have our office tower that we’ve been dreaming of since our first year. Siyempre hindi ka pa naman nag-iisip noon, you didn’t think, it was gonna work, di ba?”


Si Ben Chan ang “top man” o “big boss” ng Bench at iba pang apparel at lifestyle-related businesses niya sa loob at labas ng bansa.

Pero noong Biyernes, July 5, tulad ng madalas niyang gawin sa kahit na anong show, launching o mahahalagang event ng Bench, ang mga celebrity endorsers niya ang hinahayaan niyang maging bida at humarap sa spotlight.

Masaya na siya diumano “behind the scene” sa pagpakita ng kanyang suporta sa mga ito.

Gayundin ang nasaksihan namin kay Mr. Chan habang siya ang personal na nag-e-estima at nag-aasikaso sa mga bisitang dumarating, mapa-artista man o hindi, sa ginanap na exhibit ng mga larawang kuha ng photographer na si Ronnie Salvacion.

25TH YEAR HIGHLIGHTS. Ikinuwento nga ni Mr. Chan kung paano nabuo ang naturang exhibit na ginanap sa Bench Tower, Bonifacio Global City, sa The Fort, Taguig.

Aniya, “Niregaluhan kasi ako ni Ronnie on our 25th year. So, when I saw it, I was really touched. So, sabi ko, I wanted to mount an exhibit with what he has done that can tell a story.

“Puro kuha lang ito ni Ronnie kaya makikita mo, iba-ibang year, iba-ibang decade.”

Sa loob ng dalawampu’t limang taon ng Bench, ano nga ba ang pinaka-memorable o hindi makakalimutan ni Mr. Chan na nangyari sa Bench?

“Iba-iba, e. Like the first, when we got Richard Gomez, we didn’t think we can afford him. So, that’s one memorable event in our history. And then, another one, the latest is this one.

“I wish my parents were alive to see this. After 25 years, we have our office tower that we’ve been dreaming of since our first year. Siyempre hindi ka pa naman nag-iisip noon, you didn’t think it was gonna work, di ba?” natawang sabi pa niya.

“Ano pa, what else... sobrang dami.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Of course, underwear show, it’s something that wasn’t done before and it was well-accepted and up to now, we’re still doing it. Although, for next year, we might change it.”

Ang tinutukoy ni Mr. Chan ay ang underwear show ng Bench na ginaganap lamang tuwing ikalawang taon at kunsaan halos lahat ng mga celebrity Bench endorsers ay rumarampa ng paseksihan.

ALL-DAY AFFAIR. Halos isang buong araw na event nga ang idinaos sa Bench Tower noong Biyernes. Sinimulan ito ng blessing ng Bench Tower kunsaan, mula sa blessing ay nandoon na ang mag-asawang Richard at Congresswoman Lucy Torres-Gomez at ang Korean pop star na si Lee Min Ho.

Sinundan ito ng press conference para kay Lee Min Ho na nagkaroon ng concert sa Mall of Asia kinabukasan, July 6, at ang Bench din ang isa sa mga nag-present nito.

At panghuli nga ang photo exhibit na hango sa coffee table book ni Ronnie Salvacion na pinamagatang "25 Important Things I Learned From My Bench Shoots."

Dumating ang ilan sa mga celebrity endorsers ng Bench, lalo na ang mga nai-shoot ng photographer para sa Bench ads o billboards.

LEE MIN HO. Yung concert ni Lee Min Ho, isa ba ito sa bahagi ng mga espesyal na handog ng Bench sa ika-25 taon nito?

Ayon kay Mr. Chan, “Well, not really, but because we didn’t know that he was gonna have a concert, he’s not really a singer, di ba? Sabi rin naman niya yun.

“But since he’s here and he’s a part of Bench and he’s a very good endorser and genuinely kind-hearted, we decided to be a part of this concert.”

Naitanong din namin kay Mr. Chan kung ano ang hindi niya makakalimutan sa Korean star.

Nakangiting kuwento naman niya, “Oh, one thing that he did, noong nagpapakuha ako ng picture, he grabbed the camera, siya ang kumuha ng picture namin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Bihira ‘yan for an international star, di ba?”

Kailan nangyari yun?

“Noong last time siya na nandito. This time, hindi pa,” natawa rin na sabi niya.

THE X FACTOR. Sa dalawampu’t limang taon ng Bench, hindi na mabilang ang mga artistang naging endorser ng Bench at hanggang ngayon ay masasabing Bench endorsers pa rin.

Karamihan sa mga artista, baguhan man o hindi, umaamin na gusto nilang maging bahagi ng clothing line na ito ni Mr. Chan.

Sa mga artista, posibleng ang ilan, sila na ang lumalapit para kunin ng Bench na maging endorser. May pagkakataon ba na tumatanggi sila?

“Meron namang tinanggihan din,” pag-amin ni Mr. Chan.

Ano nga ba ang mga katangiang kailangan para masabing “qualified” ang isang artista na maging Bench model o endorser?

“You have to have the making talaga.

“You can tell naman whether they can make it or not, so, the early na may gut feel na it’s gonna make it or they’re gonna make it, grab it na.

“Kasi, para yung connection is there. You own them. Hindi katulad ng iba na parang nanggaling sa iba.”

BUCKET LIST. Kung tatanungin siya ngayon, ano pa ang pangarap niya para sa Bench?

“Marami pa siyempre,” nakangiti niyang pahayag.

“Ang unang pangarap ko, sana meron pa kaming another building na yung mga medyo mali, maku-korek ko.

“Kasi, dito sa first building, a lot of things, we’re not familiar with. Kunwari yung puwedeng gawin dito, hindi mo nagawa kasi, hindi mo alam. Hindi rin naituro ng ibang tao, yung mga ganun.

“Pero, my one dream actually and I hope, a foreign architect can do it for us. Siyempre, yung mga pangarap na kung sino ang gagawa. Pero hindi naman sana abutin ng another twenty five years.”

SUCCESS SECRET. Sa huli, tinanong namin siya kung ano nga ba ang sikreto ng isang Ben Chan?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Siguro hard work,” saad niya.

“Hard work and dedication talaga. Kasi, kung hindi yun, kung wala kang gana, wala ring mangyayari. Hindi mo puwedeng pabayaan na lang. Hindi pupuwedeng ’pasa-load.’

“’Ika nga, yung ide-delegate mo lang, you have to be on top of it.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN