Derek Ramsay says movie with Claudine Barretto might not push through; clarifies special "friendship" with Nadine Samonte

Derek on why movie project with Claudine might not push through: “I don’t think so. It was a bit of noise kung gagawa kami ng pelikula. Tinanong nila if I would do a movie with Claudine, pero, hindi yata matutuloy. Parang hindi yata matutuloy. Kasi, may ginagawa si Cristine [Reyes] ngayon na movie with Jake Cuenca. Parang ang gusto yata nilang gawin ko, kasama rin si Andi Eigenmann doon, parang inaano nila na ang weird naman na nanggaling kami sa isang pelikula na we


Kasalukuyan nang napapanood gabi-gabi sa primetime ng TV5 ang action-serye na Undercover na pinagbibidahan ni Derek Ramsay.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang Kapatid actor sa mismong taping ng serye kamakailan lang.

Walang duda na karamihan sa mga papel na gustong magampanan ni Derek ay ang mga naibibigay naman sa kanya ng network. Simula pa sa Kidlat at ngayon nga, sa Undercover naman.

COLLABORATIVE EFFORT. Naitanong namin kay Derek kung may “say” ba siya sa creative ng serye at kung nakakapagbigay siya ng mga ideya niya.

Ayon naman kay Derek, “Meron akong pina-follow na series sa States which is called Leverage and I’m a big fan.

“They came up with the whole concept and we all sat down and we brainstormed together with some ideas. Maganda naman ang story, so, the writers came up with a really nice story.

“Pero, what’s nice is Direk [Topel Lee] and everyone else also, they are open to listen to our suggestions.”

HAPPY WITH TV5’S TRUST. Mula nang maging Kapatid nga siya, hindi maikakaila na magaganda at malalaking proyekto ang palagi niyang nagagawa.

Ano ang pakiramdam niya dito?

“Yung tiwala na binibigay niya sa akin is overwhelming. One project after the next and then, we’re not talking about small projects here, they’re big projects...

“It all started with the Olympics, then, Amazing Race, Kidlat that are really successful and household name ang Kidlat, lalo na sa mga bata.

“And then, they’re bringing back action in TV, at the same time, when they say, they want to bring something new, something fresh, di ba, sometimes, palagi nilang sinasabi ’yan?

“Pero, bago kasi ito.

“Ako, you don’t hear me say that often, but the pilot speaks for itself,” pagmamalaki niya.

EDUCATING TV VIEWERS. Naniniwala ba siyang kayang mahigitan ng Undercover ang una niyang teleserye na Kidlat sa Kapatid network sa larangan ng ratings at TV viewership?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Well, of course, you set goals and you wanna be successful and if it surpasses Kidlat, that would be a major accomplishment.

“But I think, it’s nice that TV5 aims for new shows that grab the attention of the viewers. It’s nice because, it’s always nice when the viewers have their option. Hindi ko sinasabi na dapat, dito lang sila, doon lang sila.

“It’s nice when you can actually say, I can watch this, you can watch that and it’s nice when you can educate the viewers,” saad ni Derek.

MOVIE WITH CLAUDINE? Bukod sa telebisyon, may lumabas na balitang siya raw ang magiging leading man sa gagawing pelikula ni Claudine Barretto para sa Viva Films.

Pero, ayon kay Derek, “I don’t think so. It was a bit of noise kung gagawa kami ng pelikula. Tinanong nila if I would do a movie with Claudine, pero, hindi yata matutuloy.

“Parang hindi yata matutuloy. Kasi, may ginagawa si Cristine [Reyes] ngayon na movie with Jake Cuenca.

“Parang ang gusto yata nilang gawin ko, kasama rin si Andi Eigenmann doon, parang inaano nila na ang weird naman na nanggaling kami sa isang pelikula na we’re a couple, tapos, pelikula na anak si Andi, parang ang weird.

“They offered yata, with Cristine again and I heard, with Richard Gomez. And they said, maybe, with Heart Evangelista, I’m not sure. Ipapadala raw ang script this week.”

Yung sinasabing pelikula niya kasama si Claudine, hindi na?

“I don’t know, they said, they mentioned that to me. It was one of the choices, pero, wala pa, wala pang binibigay e,” paglinaw niya.

Kung sakaling matuloy na magsama sila ni Claudine, wala bang magiging problema sa kanya dahil noon, nagkaroon ng isyu sa kanila noong sila pa ni Angelica Panganiban at buo pa rin ang pagsasama ng mag-asawang Claudine at Raymart Santiago?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yeah, you know, the past is the past. We can’t live life like that.

“So, if I’ll be given an opportunity to work with Claudine and you know, Claudine has a big record in the big screen and she’s talented, I’ll work with her,” mabilis niyang sagot.

Nagkausap na sila simula nang magkaroon ng isyu?

“I haven’t spoken to Claudine ever since, but si Raymart, he shot in Kidlat. Siya ang gumawa ng last scene namin, yung helicopter scene.

“Si Raymart ang gumawa no’n. Kami, we just saw each other, it’s just one handshake and we’re done,” kuwento ni Derek.

LOVELIFE. Biglang natawa naman si Derek nang ang kumustahin namin sa kanya ay ang lovelife niya.

Mabilis nitong sabi nang natatawa, “E, huwag na nating anuhin ang lovelife ko. When the time is right, I’ll announce it to the world.”

May i-a-announce naman pala siya?

“Wala pa naman,” pagtanggi niya.

Nagdi-date naman siya?

“Sino ba ang ide-date ko? Yung show na ’to?” na ang tinutukoy nga ay ang Undercover.

Parang walang maniniwala na ang isang Derek Ramsay ay walang naide-date?

“Alam niyo naman kung gaano ko ka-ano ang pamilya ko, e... pamilya ko nga, hindi ko nakakasama, babae pa?” natatawang sabi niya.

Parang hindi naman kapani-paniwala?

“Ay, promise, I’m telling you right now,” giit pa niya.

MORE PRIVACY. Pinangunahan naman ni Derek na kung sakali man at magkakaroon na nga siya ng bagong ka-relasyon, sisiguraduhin daw niyang magiging pribado na ito.

Aniya, “It’s gonna be a lot more private as compared to my last relationship that we shared with the world.

“You’ll learn a few things in the relationship, so, for me, if ever I’ll have a girlfriend, definitely, it’s going to be more private.

“I don’t want her to feel the pressure, so, we’ll see.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

CLARIFIES “FRIENDSHIP” WITH NADINE. Dalawa sa Kapatid stars ang na-link sa kanya habang ginagawa niya noon ang Kidlat—sina Ritz Azul at Nadine Samonte

Marami nga ang nag-akalang mauuwi sa espesyal na relasyon ang samahan nilang dalawa ni Nadine dahil madalas na silang nakikitang magkasama at nandiyang hinahatid at sinusundo niya rin ito.

Anong nangyari sa kanila ni Nadine na ngayon ay may iba nang boyfriend?

“I guess, paano ba sagutin ’yan?

“You’ll get to know somebody, you don’t say okay. Maganda siya. Porke’t maganda siya, you get to know each other. Imagine, I never went further than friendship.

“I don’t want to use the word dating, but, there was interest but at this point, there’s no—hindi naging kami. Hindi naging ligawan.

“Hindi naging kami, it’s just more on I enjoyed her company, she enjoyed my company. But at the end, kita mo naman, she’s very happy with her lovelife.

“Hindi naman nabubuo yun overnight, di ba? So, just like with Ritz, I’m just close with her,” paglinaw ng binata.

Hindi ba niya niligawan din si Ritz?

“Ano ka ba?” natawang sabi niya.

“She’s a very beautiful lady but I don’t think she needs distraction right now. Her career is just beginning. There’s always more fish in the sea and you can take your time.”

DEREK’S DILEMMA. Tinanong namin si Derek kung hindi ba mahirap para sa kanya na sa kabila ng dami ng mga babaeng gustong makuha ang kanyang pansin, meron din naman ang puwedeng naapektuhan dahil sa mga isyu na babaero siya o kung anumang isyung nauugnay sa kanya?

“Ito ang problema, yung mga babaeng may gusto sa akin throw themselves at me. Ayoko ng babaeng ganoon. Tapos, yung mga babaeng gusto mo, takot naman sa ’yo.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Paano nga kapag ganoon, paano niya pinu-prove sa mga ito ang sarili niya?

Diin ni Derek, “I don’t have to prove anything. I just continue being myself and if that person wants to see and know me more, then, dapat manggaling sa kanya yun.

“Hindi ako naniniwala sa ligaw-ligaw. Kasi, kapag nanliligaw ka, you’re putting your best foot forward, not the person.

“Tapos, kapag kayo na, kapag may comfort zone na, biglang, uy…”

FOR KEEPS. Kung sakali at magkakaroon na nga siya ng girlfriend, gugustuhin ba niya itong maging huli na sa buhay niya?

“Oo naman, oo naman, tama na,” saad niya.

“Six years? Every relationship that I had gets longer and longer and that’s the only positive thing that I’m looking at. At least, I’m learning.

“You know, I’ve made my mistake but six years in a relationship is a relationship. It’s a real relationship.

“Ako, for one year nga, hindi nga relationship. But six years is a relationship and the next person should be the one already,” pagtatapos niyang kuwento.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN