Carla Abellana on the possibility of doing a kissing scene with another woman: “Kaya ko ’yan!”

Carla admits to being surprised by My Husband’s Lover’s consistent trending even abroad; says: “Nagugulat kami, hanggang ngayon. Na parang… paano nangyayari ’yon na gabi-gabi ay pinag-uusapan ang My Husband’s Lover. Parang… seryoso ba ’to? Nagugulat talaga kami hanggang ngayon na… sa bawat gabing dumaraan, trending pa rin ito. Tapos lately, hindi lang siya trendin


Masaya si Carla Abellana na patuloy na pinag-uusapan at humahataw pa rin sa ratings ang primetime series ng GMA-7 na My Husband’s Lover kung saan pangunahing tampok silang tatlo nina Dennis Trillo at Tom Rodriguez.

Nasasanay na rin daw siyang tinatawag na Lally, ang pangalan ng kanyang character dito.

“Medyo. Oo, nasasanay na,” nakangiting bungad niya nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilan pang miyembro ng media pagkatapos ng Sunday All Stars (SAS) kanina, Linggo, July 7.

“Nagugulat kami, hanggang ngayon. Na parang… paano nangyayari ’yon na gabi-gabi ay pinag-uusapan ang My Husband’s Lover.

“Parang… seryoso ba ’to?

TRENDING CONSISTENTLY. “Nagugulat talaga kami hanggang ngayon na… sa bawat gabing dumaraan, trending pa rin ito.

“Tapos lately, hindi lang siya trending sa Pilipinas kundi sa ibang bansa na rin. Worldwide na rin.

“So, nagugulat kami.

“Kahit kunyari, guesting lang namin sa ibang TV show kapag weekend, nagti-trending pa rin kami.

“Nakakagulat. And… nakakatuwa siyempre.

“Kasi ano, e parang… kusa nilang ginagawa. Na mag-tweet para sa amin.

“Actually nung umpisa, kahit ako nakiki-tweet talaga. Nagti-text sa mga friends and family. At saka sa iba pang relatives na manood sila.

“Pero lately, as in wala na kaming ginagawa. Sila na lang talaga… yung mga tao, sila yung nag-i-effort na pag-usapan yung show.

“So, nakakagulat na hanggang ngayon talaga, trending siya. Consistently!

“At least, alam naming napag-uusapan talaga nang bonggang-bongga yung show.

“Kasi bawat gabi naman, bawat episode, either nakakabitin or para kang nasa toes mo all the time, yung nakaka-excite.

“So, yun ang maganda. Talagang they have something to look forward to sa bawat episode gabi-gabi.”

"BUKINGAN PORTION." Sa itinatakbo ngayon ng story nito, mahuhuli na ba niya na kapwa lalake ang lover ng asawa niya?

“Malapit na!” sabay ngiti ulit ni Carla.

“Malapit na.

“Sabi ko nga… ganito kabilis? Ang bilis naman ’ata!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Bukingan portion na. Nakunan na namin ’yon.

“Kaya yun ang dapat nilang abangan. Kapag nalaman na ni Lally na bakla si Vincent at meron silang relasyon ni Eric.

“Malapit na. Ilang araw na lang!” natawang sabi pa niya.

MALL SHOWS. Tuloy lang daw ang mga ginagawa nilang mall shows para sa My Husband’s Lover. Bukod sa pagkakagulo ng mga tao na makita sila nina Tom at Dennis nang personal, mabenta rin ang mga merchandise items ng show gaya ng T-shirts at iba pa.

“Kapag nasa stage ka at titingnan mo yung harapan, wala kang makikitang sahig sa dami ng tao.

“Nakakalungkot lang na kapag ganung mall show namin, marami ang hindi nakakapasok. Tapos may mga nasasaktan din. May mga nadidisgrasya.

“Pero mabuti na lang at wala namang nagkakaroon ng serious injuries or anything.

“Ini-expect naman naming na dudumugin ng tao yung mga mall show namin. Pero hindi namin inaasahan na gano’n sila ka-excited. At gano’n sila ka-overwhelmed.

“So… ang akala nga namin, yuong first mall show namin sa Imus [Cavite], ’yon na ang craziest. Pero meron pa pala. Yung kahapon, Saturday, July 6, sa Sta. Rosa, Laguna.

“Every week na ‘yan halos meron kaming mga mall shows. Hindi lang sa Metro Manila and nearby provinces kundi nationwide talaga,” detalyeng kuwento ni Carla.

UNEXPECTED SUCCESS OF TOMDEN LOVETEAM. Na-surprise din ba siya sa nabuong TomDen loveteam nina Tom at Dennis; na for the first time, parehong lalake?

“Ako ang nagbuo no’n e,” sabay tawa na naman na biro ni Carla.

“Ako ang presidente no’n!

“Ako ang presidente ng fans club na ’yon.

“So… siyempre natutuwa kami. Hindi namin ini-expect ’yon.

“Na-surprise kami na pumatok sa mga tao yung loveteam ng dalawa. So… happy kami.


“Di ba… pareho silang tunay na lalaki. Tapos gano’n na may kilig ang tandem nila. So, napaka-convincing nilang dalawa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero lalaking-lalaki sila. ’Yon ang magaling, na naku-convince nila ang mga nanonood na… babae ang feelings nila.”

NOT BOTHERED BY NEGATIVE FEEDBACK. Bothered pa ba sila sa mga negatibong reaksiyon o komentaryo ng iba against My Husband’s Lover?

“No. Not at all.

“Alam na naman namin ’yon from the beginning pa lang, meron na ’yon for sure.

“Nagulat nga kami na konti lang, e.

“Konti pa rin kung tutuusin. Yung lagay na ’yan.

“Hindi naman lahat matutuwa. Siyempre meron pa ring mga hindi happy. Or… against it pa nga.

“So… hindi na nakakagulat ’yon. Walang problema.”

GEOFF’S REACTION. Ang boyfriend niyang si Geoff Eigenman, ano ang reaksiyon sa ingay na nilikha ng My Husband’s Lover?

“Natutuwa, siyempre. Kahit nga siya, nanonood ng My Husband’s Lover, e.

“And… hindi naman siya naloloka sa tema ng story. Mas naloloka siya sa mga… yung kuwento-kuwento behind the scenes!” tawa na naman ni Carla.

“Mas interesado siya do’n. Like kunyari kung paano namin nakukunan... kung paano ginagawa nina Dennis at Tom yung mga eksena nila.

“At saka yung mga ginagawang daya sa mga eksena. Yung mga gano’n.”

Ano kaya kung si Geoff ang mag-portray ng gano’ng role?

“Willing nga siya, e.

“Sabi nga niya, willing siya to portray the role of the husband.

“And sabi ko naman… talaga? Kaya mo, si Dennis ang kaeksena mo?

“Kakayanin daw naman niya.”

E kung role ni Dennis kaya?

“Ewan ko lang. Hindi ko pa natatanong!” tawa ulit ng kapuso actress.

“Pero… kaya niya. Matagal na niyang nasabi na kaya niyang mag-portray ng isang gay role. Na never pa nating nakikita sa kanya.

“Sana someday. Sana makita natin ’yon,” dalangin niya.

Paano naman kung magkaroon ng version na yung wife naman ang may lover na lesbian? Okay sa kanya kung saka-sakali na sa kanya i-offer?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Why not!” nangiti ulit na sambit ni Carla.

“Baka nga gayahin ng kabila!” biro pa niya. “Gawin nila… My Wife’s Lover! Ha-ha-ha!”

Okay talaga sa kanya na mag-portray na may lover na lesbian?

“Sabi ko… sige, ita-try natin!”

Paano kung may kissing scene siya sa kapwa babae?

“Hindi naman pupuwede ’yon sa MTRCB! Ha-ha-ha! At saka sa CBCP.”

Pero sa indie film, puwede yung eksenang kissing scene sa kapwa babae?

“Depende siguro sa makakasama kong artista.

“Kung mga mala-Solenn Heussaff na kaganda, di ba? Ha-ha-ha! Why not?

“Kaya ko ’yan!

“Actually kahit sino. Basta… magaling din.”

Ano naman ang maipapayo niya sa mga girls na dahil sa tema nga ng story ng My Husband’s Lover ay nagkakaroon tuloy ng pagdududa kung straight na lalake nga ba ang boyfriend o husband nila?

“Huwag naman sana silang maging paranoid!” tawa na naman niya.

“Na… hindi porke’t yung character kong si Lally e kung anu-ano na ang ipinapasok sa utak dahil sa bestfriend niya, hindi naman lahat ay dapat na bigyan ng kulay.

“Pero… mag-ingat lang naman din sila.”

MOST MEMORABLE TELESERYE. Ayon kay Carla, pinaka-memorable na raw na seryeng ginawa niya ang My Husband’s Lover.

“Oo. Definitely.

“Nag-uumpisa pa lang kami. And yet, ang dami nang memories.

“Ayokong matapos itong show na ’to. Sana magtagal kami ng mga three years! Ha-ha-ha!

“Totoo! Kasi sobrang enjoy kami as a team. Kulitan at masaya ang lahat.

“Tapos mabibigat lagi yung mga eksena namin. So, basta challenged kami.

“And masarap din yung feeling siyempre na nandiyan ang suporta ng mga tao.

“And… wala pa kaming nababalitaan kung mai-extend ito. Kasi nagsisimula pa lang nga kami. Parang it’s too early naman for that.

“Sa pagkakaalam namin, ie-ere kami for sixteen weeks. Just like any other series.

“Pero sana, mas magtagal pa po sa sixteen weeks,” saad ni Carla.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nag-birthday si Carla kamakailan. At kaugnay nito ay nagkaroon siya ng chance na makapagbakasyon kahit sandali lang.

How was the said vacation niya sa Thailand?

“Masaya because I was with my best friend. Tapos first time namin na pumunta sa ibang bansa kasama ang ibang barkada namin. Kasama rin namin si Geoff.

“Sobrang saya namin. Although may mga hindi kanais-nais na nangyari doon dahil sa mga tao, masaya naman kami bilang grupo.”

GEOFF. Kumusta naman ang relasyon nila ni Geoff ngayon?

“Mabuti po.

“Honestly ako, sobrang busy. Almost everyday may trabaho ako at taping.

“Siya naman, busy sa pagpapapayat.

“Nagba-basketball siya. Nagba-boxing. Nagba-bike. Nagsi-circuit training. Lahat.”

Siya ba ang nag-encourage kay Geoff na magpapayat?

“Hindi kailangan. Alam na niya ’yan. Hindi siya kailangang kulitin para magpapayat.”

Baligtad nga silang dalawa. Siya, pumayat at sumeksi samantalang si Geoff ay tumaba nang husto.

“Oo. Dahil siya ang kumain ng lahat ng pagkaing hindi ko kinakain. Siya ang tagasalo!” sabay tawang biro pa ni Carla.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN