Kristoffer Martin on co-star Kim Rodriguez: “Wala nang hiya-hiya.”

Kristoffer narrates the initial fears of the Kakambal ni Eliana cast: “Lahat kami nag-worry nung una. Sabi namin, baka hindi kagatin ng masa. Ayaw nila kasi, ganyan-ganyan. Lahat nga kami baguhan so may worry talaga. Ngayon, bumaliktad. As in bumaliktad. Ang taas ng rating, consistent siya sa afternoon prime. So sobrang saya. Lahat ng... kasi nag-workshop kami for six days, lahat ng pagod namin ay nag-pay off.”


Isa sa ipinagmamalaki ng GMA-7 ay ang afternoon soap nilang Kakambal ni Eliana dahil sa magandang ratings nito bukod pa sa pinupuri ang magagaling na performances ng kanilang mga artista.

Nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang lead actor na si Kristoffer Martin sa set ng nasabing programa ay hindi maitago ang sobrang kasiyahan nito.

Ayon sa award-winning actor, “Oo, lahat kami masaya kasi imagine, lahat kami baguhan dito—si Kim [Rodriguez], Enzo [Pineda]... Lahat kami nag-worry nung una.

“Sabi namin, baka hindi kagatin ng masa. Ayaw nila kasi, ganyan-ganyan. Lahat nga kami baguhan so may worry talaga.

“Ngayon, bumaliktad. As in bumaliktad. Ang taas ng rating, consistent siya sa afternoon prime.

“So sobrang saya. Lahat ng... kasi nag-workshop kami for six days, lahat ng pagod namin ay nag-pay off.”

Kumusta na ang working relationship nila ni Kim?

Sa panayam sa kanyang leading lady ay nabanggit nito na sobrang cool na sila sa isa’t isa. Dumarating na nga raw sa puntong naghahampasan na sila kapag nagbiburuan.

Pagsang-ayon ng 18-year-old Kapuso actor, “Ah, oo. Sobrang sarap. Tanggal na tanggal na ang ilangan. Lahat kami, sobrang close na.

“Like kami ni Enzo, nagkikita lang kami before sa Party Pilipinas. Tapos ngayon sa SAS [Sunday All Stars], ganun din.

“Ngayon dito sa set, parang magkapatid na ang turingan—si Kim din. Lahat kami actually ganun.”

Kasama rin sa cast ang senior actors na sina Jomari Yllana, Jean Garcia, Antonio Aquitana at marami pang iba.

Dagdag ni Kristoffer, “Kami ni Kim kumportable na kami sa isa’t isa. Third na rin naming pagsasama ito. Yung sa una sa Tween Hearts at sa movie na Oros.

“Bawat eksena nalalaro na namin dito. Sa simula kasi, ilang-ilang pa. Hindi alam kung ano ang gagawin, hindi alam kung paano kukunin ang emosyon ng isa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ngayon nagba-bond na kami ni Kim. Kapag break, sabay-sabay kami kumakain... biruan, kuwentuhan. Tapos kapag nag-a-action na, iba na ang emosyon namin sa isa’t isa.

“Hindi na kami nahihiya kung ano ang kailangang ilabas. Wala nang hiya-hiya.”

Para sa award-winning actor, importante sa kanya na ang kapareha niya ay lubos na niyang kakilala at wala nang barriers sa kanilang dalawa lalo na’t nasa eksena na silang dalawa.

“Importante sa akin yun,” diin ni Kristoffer.

“Dapat maganda ang rapport namin sa isa’t isa. Maganda yung relationship namin.

“Kasi kapag hindi, hassle, e. Kasi hindi natin alam, baka maya merong kissing-kissing sa eksena, ang hirap. Ako, nahirapan ako no’n kay Diva [Montelaba] sa Pahiram Ng Sandali.

“Kasi second day palang namin pareho noon, tapos yun na kaagad. Buti, dati na kaming magkakakilala before pa ni Diva kasi kung ibang tao yun, ang hirap.”

SUNDAY ALL STARS. Tungkol naman sa Sunday noontime variety show na Sunday All Stars ang aming napag-usapan.

Ayon kasi sa karamihan, higit na mas maganda pa rin daw ang concept ng Party Pilipinas na pinalitan ng SAS.

Meron ding nagsasabi na parang extension lang ito diumano ng Saturday episode ng That’s Entertainment noon na merong competing teams kada Sabado.

Reaksiyon ni Kristoffer, “Aminin natin na maganda nga yung Party P noon. Magandang nagtapos ang Party P.

“Pero, sabi nga nila may magandang nagtapos, may magandang nagsisimula. Siguro hindi pa nila gaanong ma-take in ang SAS kasi bago.

“Ang sabi pa nga nila, yun nga, ang dating ay parang That’s Entertainment. Pero para sa akin ay iba. Kasi ang bawat performance ay may class. Pinag-iisipan.

“’Tsaka, mas naiilabas ang talent ng bawat isa kasi per team, lahat ay may kanya-kanya. May kanya-kanyang spot.

“So, lahat ng talents ay nailalabas. Yung mga hindi nakikita before, nakikita ngayon.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Isang malaking hamon ang bawat Sunday performance nila dahil sa konsepto na kailangan at sila ang dapat na bumuo.

Nasa team Christian Bautista siya na hindi pa nanalo sa tatlong linggong performances na naganap.

“Oo, ang hirap,” pag-amin niya.

“Kasi... like nung pilot episode namin, sabi ni Christian, magra-rock daw ako tapos magra-rap daw ako.

“Hindi ako prepared kasi ang bilis-bilis.

“Ang hirap kasi sa bawat meeting namin, kailangang may mai-contribute ka. Bawat isa ay kailangang may idea.

“Pero ang maganda dito yung team building ay made-develop.”

Paano ba nila pinag-uusapan ang bawat performance nila considering na bawat isa sa kanila ay may kanya-kanyang commitments din before and after SAS?

Nahihirapan ba silang buuhin iang grupo nila?

Paliwanag niya, “Ang maganda sa amin, immediately after SAS ay nagmi-meeting na kami. Lahat-lahat busy, e. Tama, mahirap.

“Ilang oras lang kaming mag-iisip tapos ibibigay na sa production. Magbibigay kami ng concept, kung ano ang isasayaw, kung ano ang maganda. Gano’n kami.”

Ang personal naman buhay niya ang aming napag-usapan.

RELATIONSHIP WITH JOYCE. Ano ang latest sa kanila ng kanyang long-time girlfriend na si Joyce Ching?

“Okay naman,” nangingiting saad ng Kapuso actor, “Stronger. Yung two years and five months namin, stable na kami.

“Yun ang sa akin, ha? Ewan ko sa kanya. Ako, kontento na ako sa kanya, sa kaya niyang ibigay. So, wala nang wini-wish na sobra-sobra pa.

“Kung nasaan man kami ngayon, okay na ako. I hope gano’n din ang feeling n’ya kasi ako gano’n na talaga.”

Hindi ba nagiging problema sa kanila ang sobrang busy niya? Hindi kaya ito ang maging dahilan nabaka magkaroon sila ng problema along the way?

Pag-a-assure niya, “Hindi naman. Sa amin ni Joyce, maayos ang set up namin even before.

“When we started our relationship, sinet-aside namin ang lahat ng emotions na mararamdaman sa trabaho o against sa trabaho.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Priority namin ang work and second yung sa amin.

“Yun ang maganda sa amin kasi nagkakaintindihan kami. Hindi yung nagseselos dito. Naiintindihan ang trabaho ng isa’t isa,” pagtataos niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN