Karla Estrada dispels son Daniel Padilla’s drinking rumors; denies alleged romance with cager

Karla on being a strict disciplinarian with her son: “Ang hirap sa parte ko kasi ang anak ko siyempre, alam mo naman na ang isang ina kahit na pagkakamali ng anak ay ipagtatanggol natin, pero hindi ako ganun, e. Hindi ako ganun, ako ang unang-unang nagdidisiplina sa mga anak ko. At kung meron mang ganun, sa bahay pa lang, babaliin na natin yung hindi magagandang sungay na tumutubo, di ba?”


Hindi pa rin matapus-tapos ang isyung patuloy na ibinabato sa pinakasikat na teen star ngayong si Daniel Padilla.

Kaya naman to the rescue na dito ang ina niyang si Karla Estrada.

Kagabi, July 6, sa Ang Latest Updated ng TV5, mariing pinabulaanan ni Karla ang ilang isyung ipinupukol sa anak.

NO TRUTH TO RUMORS. Una na nga rito ay ang isyung diumano’y lasing daw ito noong nasa isang event.

Paliwanag niya, “Unang-una hindi natin hahayaan yan. Pangalawa, wala namang…pagkakaalam ko wala naman dun sa pagkasulat na nasa twenty thousand katao nanuod.

“Wala pa tayong natanggap na performance na nasa twenty thousand katao. Yung Araneta, nasa mahigit sa mga fifteen thousand pero mukhang di naman siya lasing dun.”

“’Tsaka hindi ko naman hahayaan, ’tsaka yung anak ko hindi naman siya ganung klase na bata.”

Kasunod na tanong kay Karla ay ang tungkol sa diumano’y yumabang na ang anak o ang paglaki na daw ng ulo nito?

Sagot niya, “Oo nga, kasi ang hirap sa parte ko kasi ang anak ko siyempre, alam mo naman na ang isang ina kahit na pagkakamali ng anak ay ipagtatanggol natin, pero hindi ako ganun, e.”

“Hindi ako ganun, ako ang unang-unang nagdidisiplina sa mga anak ko. At kung meron mang ganun, sa bahay pa lang, babaliin na natin yung hindi magagandang sungay na tumutubo, di ba?”

“Ito, wala... walang katotohanan ’yan, siguro ayoko din lang alisin yung pagiging tao pa rin [ni Daniel].

Sabi ko, ‘Anak, o pag pagod ka, e hindi puwedeng ano...’ ang importante ay matira pa rin yung pagiging tao niya. Na may emosyon pa rin siyang matitira.”

Palagi daw siyang may bilin sa anak tuwing may mga performance ito o trabaho.

Kuwento pa ng comebacking actress-singer, “Lagi kong sinasabi sa kanya na huwag siyang magpapasama ng loob ng ibang tao.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi kahit anong mangyari, saan man siya mapadpad, lahat ng mapapasaya niya puwedeng tumulong sa kanya anytime, anywhere.”

GENEROUS SON. Lingid daw sa kaalaman ng publiko, may mga kabutihang ginagawa ang anak na hindi nito ipinapa-media.

Lahad ni Karla, “May mga ginagawa si Daniel na minsan na gusto kong ipakita or ipa-TV or something kasi hindi naman sa pagyayabang yun, bilang mga bata ang mga tagasubaybay niya na gayahin siya.”

Dagdag pa nito, “Matulungin talaga siyang anak hindi lang sa aming pamilya kundi sa may mga tinutulungan din tayong mag bantang may kanser, na ito talaga bawat birthday ni Daniel e, dun siya nag-aano [celebrate].”

“Hindi lang birthday talagang minsan nga papasyal lang siya gusto niyang mapuntahan hangga’t maari.

“Sa amin naman, unang-una ang tagal na naming nangupahan, so malapit na akong matapos dun. So, ang pagpapatayo ng bahay ang maging priority.

“Lahat ng pamangkin na hindi kaya ng pamilyang pag-aralin, pinag-aaral niya lahat.”

Pasalamat pa niya sa anak, “Oo, naman ang laki-laki ng tulong sa akin, ang lahat nga ng ito ay siya ang dahilan e, ng pagiging magaan ang buhay.”

LOVELIFE? Natatawa naman si Karla nang mabaling sa buhay pag-ibig ang usapan.

Matatandaang matagal nang umiikot ang tsismis na diumano’y may ugnayan sila ng basketbolistang si Mark Caguioa. Ano ba ang katotohanan dito?

Lahad niya, “’Yan ang hindi ko kinaya, actually hindi naman ako against sa basketball, no?

“Kaya lang, hindi naman… never ko nakita yun kasi ako talaga hindi naman ako nanunuod ng basketaball, e.”

“Hindi, ’tsaka medyo nakakahiya naman dun sa parte niya kasi balita ko may-asawa, e baka mamaya, walang katotohanan yun.”

Sa huli, nagbigay naman ng mensahe ang ina sa anak.

Sabi niya, “Basta ipagpatuloy lang niya yung maganda niyang inumpisahan.

“Wala namang ibang puwedeng gawin dun kundi manatili yung paa niya sa lupa lagi and appreciate lahat ng dumarating at bigyan ng value and siyempre huwag makalimot magpasalamat lagi sa Diyos.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN