Derrick Monasterio unfazed by Barbie Forteza’s crush on Dennis Trillo: “Kasi, alam ko naman na wala silang chance, e.”

Derrick on Barbie: “Hindi po kami. Pero, bawat araw na magkasama kami, lalo kaming nagiging close. May nadi-discover kaming bago. Pero, wala sa point na magiging kami. Wala pa sa utak namin. Hindi pa po, hindi pa. Iniisip ko kung minsan, pero, timing-timingan lang din po. Kung feeling ko, may pag-asa, e, di go! Kung wala, e, di hindi.”


Aminado si Derrick Monasterio na nangangapa at nahihirapan daw siya noong umpisa nang ibigay sa kanya ang karakter na Aldrin sa Anna KareNina.

Ibang-iba raw kasi sa totoong siya ang karakter na ginagampanan niya bilang isang young businessman.

Ayon kay Derrick nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong Biyernes, July 5, sa taping nila sa Tanuan, Batangas, “Okay na po ako ngayon kumpara noong una. Kasi, I’m too young po as young businessman na matured na matured na.

“E, wala pa naman po akong experience sa ganun, pero ngayon, medyo nasasanay na po ako.”

Sa August 1 ang birthday ni Derrick. Magkasunod ang birthday nila ng ka-loveteam na si Barbie Forteza dahil July 31 naman ang kaarawan ni Barbie.

“Eighteen na ko, legal na ko!” masayang sabi pa niya.

BIRTHDAY WISH. Anong plano niya sa birthday niya?

“Ano ba ang gagawin namin? Ako po, personally, siguro po, kain lang sa labas. Gusto ko lang na maging normal na tao ulit sa birthday ko. Kasi, siyempre, mahirap gumalaw nang malaya,” sabi niya.

Natawa naman si Derrick nang sabihin namin sa kanya na parang ang lalim ng pinanggagalingan niya sa mga salita niya.

“Hindi naman, parang gusto ko lang pong pumunta sa dagat. Normal na tao. Kasi, hindi ko na po nagagawa yun ngayon,” pag-amin ng binata.

Hindi ba niya kayang gawin yun, tulad ng pagpunta sa dagat?

Aniya, “Mahirap po, e... schedule. Unang-una po, yun nga po, taping. Tapos, may Vampire Ang Daddy Ko tuwing Tuesday at saka, Sunday All Stars po.”

Baka pag-isipan siya na nagrereklamo na siya sa mga trabaho niya sa Kapuso network.

Nilinaw naman nito agad na, “Hindi naman po. Gusto ko lang ma-feel na normal. Yung katulad ng dati, kahit isang araw lang po.”

Pero Huwebes naman daw natapat ang birthday niya. At Huwebes daw siya walang schedule, pero, yun naman daw ang araw na pumapasok siya sa eskuwelahan, sa Angelicum College kunsaan naghu-home study siya bilang third year high school.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nag-stop po kasi ako, tapos, may grade seven pa. Kaya bale, tatlong taon po ang sinayang ko.”

Kasama ba si Barbie sa araw ng birthday niya na gusto niyang maging malaya o normal?

Nag-isip muna ito saka sinabing, “Siguro this time, gusto ko, family muna at saka ang friends. Siyempre, sila Barbie, nakakasama ko naman po sila sa set palagi. So, sana po, family ko muna.

“Pero, puwede rin.”

GIFT FOR BARBIE. May regalo na ba siyang naiisip na ibigay kay Barbie?

“Naku, wala pa. Mahirap mag-regalo kay Barbie. Parang wala na siyang kailangan sa buhay. Kaya medyo mahirap. At saka, hindi pa po siya nagpaparinig.

“Usually, ang mga regalo namin dati, parinigan yun na, ’gusto ko ng ganoon.’ So, may ideya na kami, mas madali na.”

Ang jacket na GAP na niregalo raw niya kay Barbie ay galing sa pagpaparinig at gayundin ang regalo nito sa kanyang shades.

Ano naman ang gusto niyang iparinig kay Barbie ngayon?

“Kiss!” ang mabilis niyang sagot.

Anong klaseng kiss?

“Joke lang! Joke lang naman po yun,” natatawa niyang sabi.

BARBIE’S CRUSH ON DENNIS. Hiningan naman namin si Derrick ng reaksiyon sa pagiging “vocal” ni Barbie sa pagkakaroon niya ng crush kay Dennis Trillo.

Kahit paano, hindi ba siya nakakaramdam ng selos?

“Hindi po, kasi, alam ko naman na wala silang chance, e,” natatawa pa niyang sabi.

Humirit naman ang ilang entertainment press, kabilang na ang PEP, kay Derrick sa pagpapaalala na mag-eighteen lang si Barbie, puwede na rin itong itambal kay Dennis. Nagbigay pa ng ilang artista na ngayon, magka-relasyon na kahit malayo ang agwat ng edad.

Tulad nina Vic Sotto at Pauleen Luna.

“Hindi po, hindi po mangyayari yun. At saka, may crush din naman ako na mas matanda sa akin. Like si Solenn Heusaff,” sabi pa niya.

ARE THEY ON OR NOT? Sa seryosong tanong, hindi pa nga ba sila ni Barbie?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tuwing makikita kasi sila, hindi maiiwasang mag-isip ng makakita sa kanila na sila na sa sobrang close at sweet din nila.

Sabi naman ni Derrick, “Hindi po kami. Pero, bawat araw na magkasama kami, lalo kaming nagiging close. May nadi-discover kaming bago.

“Pero, wala sa point na magiging kami. Wala pa sa utak namin.”

Hindi pa ba niya nililigawan si Barbie?

“Hindi pa po, hindi pa. Iniisip ko kung minsan, pero, timing-timingan lang din po. Kung feeling ko, may pag-asa, e, di go! Kung wala, e, di hindi.”

Ano sa palagay niya ang pinaka-sweet na nagawa na niya para kay Barbie?

“Sa akin ba talaga manggagaling, hindi ba pangit?

“Siguro po, yung pagiging maalaga lang. Parang ang pangit po na sa akin manggagaling talaga,” saad niya.

Pero, anong partikular na pag-aalaga ang ginagawa niya?

“Siguro po yung pinagtatanggol ko siya. Kapag may kasiraan sa kanya, I’m her to protect her kasi, alam ko naman po ang totoo.”

ON KRISTOFFER MARTIN. Sa huli, tinanong naman namin si Derrick kung ano ang masasabi niya bilang sila ni Kristoffer Martin ang tila magka-kontemporaryo sa Kapuso network, si Kristoffer ay nabibigyan na ng pagkakataon ngayon na mapansin ang pag-arte at nakakatanggap na ng award.

Wala ba yung inggit na, buti pa siya?

“Kasi, alam naman po nating magaling umarte si Kristoffer at saka, mas nauna siya sa akin. Mas malawak na ang experience niya. Kasi, bata pa lang siya, nag-aartista na siya.

“Siguro, darating din po ako sa time na yun, kapag tumanda na ako ng konti. Kapag mas marami na akong maipapasok sa sistema ko na style of acting.”

Handa na ba siya sa mas mature na roles?

“Ngayon po? Siguro po, hindi pa. Kasi, unang-una, hindi pa rin po mukhang mature ang mukha ko. Medyo mataba pa ’ko. Siguro, mga two years pa,” pangwakas niyang saad.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN